31

63 0 0
                                    

Umabot ang weekend at hindi kami nakalabas ni mark kaya ngayon balak ko siyang ayain.

"Babe, labas tayo miss na kita! Marami na akong chika sa'yo." Tska ko sinend ang chat na iyon naligo na ako dahil alam kong hindi siya tatanggi dahil weekend talaga ay buong araw namin.

Matapos ko mag ayos ay kinuha ko ang phone ko at bumagsak ang balikat ko ng mabasa ang reply niya.

"Sorry, busy ako next time na lang." Kahit hindi okay sa akin dahil ang weekend na lang ang araw namin ay nag reply pa rin ako.

"Okay po babe, Pahinga ka ha, huwag masyado mag pakapagod sa gawain mo.... Fighting, I love you!" Pag ka send ko ng chat ay agad akong na upo sa kama.

Maya-maya may kumatok kaya agad kong binuksan ang pinto.

"Bakit?" Tanong ko kay liam.

"Punta lang ako kayla mom." Ani nito na parang may pake ako kahit wala naman.

"Saan ka pupunta bakit naka ayos ka?" Tanong niya napa tingin naman ako sa dress ko.

"Wala, 'ge na umalis ka na." Usal ko tska sinarado ang pinto.

Walang nangyare sa araw ko kundi ang matulog kumain manood iyon lang hanggang mag lunes na naman.

Nang uwian ay ako uli ang sumundo kay mark sa room nila.

"Hindi pumasok si mark ah." Saad ni mac pag labas nang room hindi ko alam iyon dahil hindi niya ako ni ri-replyan.

"Huh? Hindi ko alam hindi kasi nag text sa akin eh." Usal ko.

Sinabayan niya ako makababa at sinabing susubukan din niyang tawagan kailangan na niyang humiwalay dahil pupunta pa siya sa building nila layla.

Pag pasok sa kotse sinubukan kong tawagan si mark kaso hindi rin sumagaot kahit sa mga text ko simula nung linggo ay hindi na siya nag text.

Nag pahatid ako kay kuya bert sa bahay nila bahala na kahit nahihiya ako kayla tita.

"Oh iha, Buti naman at bumalik ka na!" Bungad ni tita sa akin yinakap pa ako, Ang kasambahay ang una kong naka usap siya rin ang tumawag kay tita.

"Ah tita sorry po sa biglaang pag punta andito po ba si mark?" Tanong ko sa kanya.

"huh? Hindi mo ba alam na sa nanay niya na ulit siya umuuwi. Ewan ko nga eh bigla na lang siyang kinuha uli." Ani ni tita na nag tataka rin.

"Kailan pa po tita?" Tanong ko sa gitna nang pag tataka.

"Nung nakaraan pa iyon pero nung sabado ay nag ka roon kami ng family dinner pinasalamatan pa ako ng mom and dad niya kasi raw inalagaan ko, Tsk." Inis niyang usal.

"Ang hindi nila alam si mark pa nga ang nag alaga sa amin apaka bait nung batang iyon kaya ako rin ang kumuha sa kanya eh." Ani nito.

"Pero talagang nag tataka ako bakit nila kinuha nang biglaan, Wala naman kaming laban dahil sila ang magulang tska si mark din ay gustong sumama siguro dahil nag hahanap din siya ng kalinga ng ina at ama."

Pinakain muna ako ni tita bago pinauwi, umuwi akong puro tanong ang utak ko.

Bakit hindi niya sinabi? kaya ba nung nakaraang sasama ako sa kanya sa bahay niya ay hindi siya pumayag? Wala ba siyang tiwala sa akin? Ayaw niya ba ako ipakilala sa totoo niyang magulang?

Kinabukasan ay hindi na naman ako inantay ni mark at hindi pa rin niya ako ni re replyan kaya nung uwian ay tumungo ulit ako sa room nila umaasa na sana pumasok na siya miss na miss ko na siya.

Hindi ako galit sa kanya ang akin lang ay mayakap ko siya. Iyon ang kailangan ko ngayon siya ang kailangan ko.

Pag dating sa room nila ay saktong labas nila at nandoon si mark kaso sa ibang babae siya dumiretso, Napatingin ako roon 'di ba dapat sa akin ang tungo niya bakit doon?

Lumapit ako na kita ako ni mac kaya kunot noong napatingin din siya kay mark na sa ibang babae sumama.

"Mark andito na si ash." Seryosong usal ni mac habang naka kunot ang noo.

Tinapunan ako ng tingin ni mark pati na ng babae, Iyan yung babaeng nag ayos sa akin sa cr nung araw na namamaga ang mata ko iyong babaeng maganda at mabait.

"Ah, wait lang vanessa." Ani ni mark sa babae, so siya pala si vanessa ang leader ng cheerleader ang pinag uusapan ng mga babae sa canteen.

"Mauna ka na umuwi." Usal ni mark pag dating sa harap ko.

Ngumiti ako na parang okay lang sa akin, Dahil iniintindi ko siya baka mas mahalaga ang gagawin nila ni vanessa.

"A-ah sige, Ingat ka." Usal ko tumango lang siya at tumalikod uli na iwan kaming nakanganga ni mac hahabulin sana siya ni mac ng pigilan ko ang braso niya at umiling.

Ashley, Intindihin mo na busy siya at baka may gagawin sila ni vanessa.

"U-una na ako mac." Ani ko kay mac, tumingin siya nang alinlangan sa akin.

"Hayaan mo ka kausapin ko yun." Saad  niya.

"Ano ka ba ayos lang busy kasi siya lately, Kaya okay lang." Ngumiti ako para ma kumbinsi ko siya na ayos lang talaga.

Hinatid ako ni mac hanggang sa kotse kaya nag pa salamat ako sa kanya, lumulutang pa rin ang isip ko ayoko mag hinala mahal ako ni mark, Mahal niya ako.

Tinext ko siya pag dating ko sa bahay...

"Babe, nakauwi na ako kapag nakauwi ka na mag pahinga ka agad ha kumain ka mag bihis ng damit dahil baka pinag pawisan ka. I love you!" Iyon ang tinext ko tska ako nag half bath.

Matapos ko mag half bath dulot siguro ng pagod ay nakatulog ako na gising ako kinabukasan na.

"Hindi na kita ginising kagabi, Mukha kasing pagod ka." Bungad ni liam pag tungo ko sa sala.

Wala akong gana mag almusal kaya pumasok na agad ako, hindi nag text si mark sa akin kagabi ilang araw na kaming hindi nag sa sabay mag dinner, Miss na miss ko na siya.

Pag sakay sa kotse ay nag text ako kay mark.

"Babe, kita naman tayo sa gate bago ka pumasok please." Ilang minuto bago siya nag reply.

"Sige." Maikli pero na tuwa ako, Dahil na miss ko ang mga reply niya.

Nag mamadali akong bumaba nang matanaw ko siya sa waiting shed.

Pag harap na pag harap niya sa akin ay siyang yakap ko sa kanya hindi ko na pigilan ang mga luha kong nag unahan sa pag bagsak, Hindi ko alam ang rason ng mga luha ko siguro dulot ng miss na miss ko na siya.

Natulala siya habang yakap ko siya nagulat siguro sa pag iyak ko.

"H-hey, Anong nangyare?" Ani nito.

Umiling ako... " I missed you so much, Mahal ko." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko at umiyak ulit.

Niyakap niya ulit ako at na kita ko ang nangingilid niyang luha gusto niya mag salita ngunit hindi niya tinuloy, niyakap niya lang ako.

Isang yakap na mahigpit.... Feeling ko na puno ulit ako sa yakap niyang iyon sana ganito na lang kami palagi ayokong humiwalay sa yakap na iyon ngunit alam kong kailangan dahil may pasok kami pareho.

Hinatid niya ako sa room ilang linggo niya itong hindi ginawa at aamin ko namiss ko.

"I love you." Saad ko.

Hinalikan niya lang ako sa noo tska umalis.

Mahal ka niya ash... Bulong ko sa sarili ko.









My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon