"Kinakabahan ako!" Saad ko kay mark na rito na kami sa tapat ng bahay nila, Kagabi ay nag video call lang kami hanggang sa makatulog.
"Hindi sila nangangain ng tao, Babe." Hinawakan niya ang kamay ko tska kami tumungo sa loob malaki ang bahay nila halos same lang ng bahay namin ang aliwalas tingnan ang linis at ang laki ng garden.
Nag lakad kami papunta sa kung saan feeling ko patungo sa dinning nila ang mga kasambahay ay nakatingin lang sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
Tama nga ako sa dinning na abutan namin ang nakaupong babae na siguro ay asa 40s ganoon din ang lalaking katabi niya may babae at lalaki rin ang babae ay siguro ay asa limang taon ang lalaki ay ka edad namin ni mark.
"Magandang tanghali po." Bati ko dahil nakatingin sila sa akin.
"Ang ganda mo naman pala!" Saad nang nanay siguro ni mark bineso niya ako at nakipag shake hands naman ang lalaki nginitian lang ako ng lalaking ka edad namin ganoon din ang bata.
"Tita, Tito si ashley nga po pala, Girlfriend ko."Tita at tito pala niya akala ko magulang niya.
"O siya maupo na kayo ka kain na tayo." Saad ng lalaki.
"Just call us tita and tito." Nakangiting sabi sa akin ni tita.
"Ito nga pala si eunice tska si zion anak namin." Pakilala niya sa tinutukoy ko kanina na bata at ka edad namin.
Kinawayan ako ni eunice kaya ganoon din ang ginawa ko si zion naman ay ngiti lang ang iginawad sa akin.
Sa kalagitnaan ng pagkain puro tanong lang si tita.
"So Tourism student, Dean's lister. Wow naman bagay sa'yo!" Saad niya kaya agad akong nag pasalamat.
Hirap na hirap ako sa isda dahil hindi ako marunong mag himay sinanay kasi ako ni yaya na laging siya.
"Oh ito na iyo." Pinag palit ni mark ang plato namin nakahimay na ang isda.
"Thank you." Bulong ko sa kanya.
"Paano ka naman na kuha ng pamangkin ko? Chickboy yan eh!" Saad ni tito, Natinawanan nang lahat agad naman dumipensa si mark.
"Kaklase ko na po siya since JHS." Sagot ko.
"Lagi ka niyang kini kwento sa akin." Sabat ni zion.
"Kumain na nga lang kayo." Agad na saad ni mark.
Ganoon ang ginawa namin matapos kumain ay nag pasalamat si tita at tito sa pag punta ko sana raw ay sa susunod uli.
Kami naman ni mark tumungo sa terrace nila, May pupuntahan daw kasi sila tita.
Iniabot sa akin ni mark ang ice cream tska umupo sa tabi ko, Gusto ko itanong kung asaan ang magulang niya ngunit palagi akong nakakakita ng lungkot sa mga mata niya kada iyon ang nababanggit ko kaya minabuti ko na lang na hindi itanong.
"Alam kong nag tataka ka kung asaan ang magulang ko." Agad niyang saad, kaya napaharap ako sa kanya.
"H-hindi nila ako tanggap, Kaya ibinigay nila ako kay tita clarisse at tito fred sila na ang naging pamilya ko simula ng mag Shs ako Jhs ng ibigay ako ng magulang ko sa kanila ambobo ko raw kasi walang alam at hindi nakakakuha ng top sa paaralan ipinapahiya ko raw ang pangalan nila dahil doon ibinigay nila ako kayla tita sila ang tumayong nanay at tatay ko." Ang sakit sa dibdib ng sinabi niya pero alam kong mas masakit sa kanya iyon hinawakan ko ang kamay niya.
"Simula noon sinubukan kong mag pursigi pero hindi ko talaga kaya mapunta sa top, Doon ko tinanggap na hindi na nila ako kukuhanin muli ni hindi nga nila ako binabati kapag kaarawan ko." He smirked tska uminom ng water.
Agad ko siyang niyakap hindi ko alam na sa likod ng pag ka tao niya bilang makulit at masayahin ay ganoon ang bigat na dala.
"Hindi kita iiwan pangako patuloy akong magiging proud sa'yo, I love you." Iyon lang ang na sabi ko baka sakaling gumaan ang usapan namin.
"I love you." Hinalikan niya ang noo ko matapos nun.
"A-asaan sila?" Medyo alinlangang tanong ko.
"Asa ibang bansa sila nung nakaraan ngayon daw ay nakauwi na sabi lang ni tita sa akin."
"Ma swerte na lang ako at tinanggap ako nila tita at tito ganoon na rin sila eunice at zion, Pero minsan nahihiya na rin ako baka pabigat na ako sa pamilya nila kada nga mag kakaroon sila ng lakad ay hindi na ako sumasama para naman may family bonding sila." Doon ko hindi napigilan ang luha ko.
"Hala, Huwag ka umiyak!" Pigil ni mark sa akin ngunit humagulgol na ako.
"H-hindi ako naawa sa'yo, humahanga ako sa'yo kasi ang tatag mo." Utal kong salita inabutan niya ako ng tubig at pinunasan ang luha ko.
Alam kong hindi niya kailangan ang awa ko kailangan niya ang suporta ko.
"Shh huwag ka na umiyak." Alo niya sa akin.
Nang tumahan ako nag laro lang kami ng jenga ng alasingko na ay hinatid na niya ako sa condo wala si kuya bert dahil pinaalam niya ako. Sila mom and dad naman ay wala na naman.
"Bye, Babe." Hinalikan niya ang noo ko kaya nag paalam na ako si kitty nga pala nag kita kami ng saglit tapos hiniram na siya ni zion ililibre raw niya kaya agad akong pumayag.
Pag pasok ko sa unit ay nadatnan ko sila yaya na parang hindi okay ano nangyare sa kanila?
"Yaya andito na ako." Saad ko saktong napatingin ako sa sofa kung saan sila nakatingin halos maluwa ko ang mata ko ng makita si liam doon ang lalaking masungit kagabi.
"Hoy! Paano ka nakapasok dito?!" Sigaw ko tska lumapit sa harap niya kumaway muna siya at ngumiti ng nakakaloko.
"Sa pinto." Seryosong sagot niya, oo nga naman.
"Sino nag pa pasok sa'yo?" Kunot noong saad ko.
May kinuha siya sa bulsa niya ipinakita sa akin ang susi ng unit ko?!
"Sino nag bigay sa'yo niyan?! Isusumbong kita kay daddy!" Halos mapatid na ang ugat ko kakasigaw.
"Go, Siya nag bigay nito." Yang ngiting iyan nakakairita!
"Argh! Bakit ka ba kasi andito?!" Sigaw ko tska na upo sa may single sofa.
"Hinahanap ko kasi ang mga disney princess dito lang pala matatagpuan." Inikot niya pa ang mata niya sa buong unit ko dahil puro nga disney princess ang na rito.
Ayoko naman siyang bigyan ano mukha siyang mayaman malamang may pambili siya!
"Kung may balak kang agawin sila sa divisoria ka na lang pumunta mura roon hindi ko kayang bigyan ka lumayas ka na!" Tumayo ako at hinatak siya patayo.
Kaso sa laki ng katawan niya nahatak niya ako, Apaka lapit ng mukha namin sa isa't-isa hinawakan niya ang likod ko kaya hindi ako makaalis.
"Go on, My future wife." Halos sampalin ko siya ng makatayo ako, Anong future wife sira na ba ulo niya! Hindi ako ang wife niya noh!
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21