34

75 0 0
                                    

"Ashley, Ipinapatawag ka ni Ma'am santiago." Ani ng president namin.

Si ma'am santiago ay head teacher, hindi ko alam bakit ako pinapatawag pero syempre sinunod ko pa rin.

Pupuntahan ko sana si mark dahil break time dadalhan ko sana siya ng pagkain kahit si mac naman ang kumakain nun at hindi siya.

Kumatok muna ako bago pumasok...

"Good afternoon po." Bati ko kay Ms. Santiago.

"What happen to you? Alam mo bang asa bingit ka ngayon kapag hindi kapa nag ayos sa mga activities,quizzes at exam mo. Running for cum laude ka at DL ka ano ang plano mo sa buhay?" Hindi galit ang tono niya seryoso lang at parang nag tataka.

"Sorry po." Iyon lang ang na isagot ko, Bakit ba kasi mas nag aalala pa sila dyan?

"Ms, Meira pag bibigyan kita bumawi ka bago mag finals." Ani niya.

"Okay po, Thank you." Iyon lang at pinaalis na niya ako.

May 20minutes pa para mabilhan at madalhan ko ng pagkain si mark, Kaya iyon ang ginawa ko wala akong gana kumain kaya hindi ako kumain.

Ngunit gaya ng nakasanayan na ginagawa niya kada pupunta ako rito si mac lang ang lumalabas natutulog lang siya.

"Ash, Alam mo ako ang napapagod sa'yo nabubusog ako sa mga binibigay mo pero tama na nasasayang oras mo at pagod sa pag takbo rito mula sa building niyo nasasayang din pera mo dahil ako ang kumakain hindi siya tigil na. Unahin mo naman ang sarili mo." Usal ni mac.

"Ano ba binili mo?" Tingnan mo gusto rin niya eh.

"Oh iyo na uli." Usal ko at iniabot ang binili ko.

"Pero seryoso last na ito ha tama na kapag ayaw na ayaw na hayaan mong siya naman ang mag habol sa'yo." Ani nito habang tinitignan ang laman ng plastic.

"Titigil ako sa pag dala ng pagkain hindi sa pag mamahal ko sa kanya, Una na ako." Ani ko at tumakbo uli patungo sa building namin dahil mag ta time na.

Nang mag uwian sinundo ko uli si mark pero wala na siya roon ganyan siya lagi nag mamadaling umuwi halatang tinataguan ako.

Pag uwi ko sa unit wala akong kinausap ganito na ang lagi kong ginagawa kapag kakain ipinapahatid ko lang pagkain ko rito sa kwarto ayoko makita si liam.

Nag t-text pa rin ako kay mark kung ano ang nangyare sa araw ko kung nakauwi na ako nakapasok nakakain lahat kahit hindi niya sinasagot.

"Ashley, Andito si janine." Saad ni yaya na asa pinto.

"Papasukin niyo na lang po rito ayoko po sa sala." Ani ko tumango lang siya.

Pag pasok ni janine may dala siyang alak itinaas pa niya iyong dalawang nag lalakihan ng bote at ngumiti.

"Inom! Walang pasok bukas." Ani niya at umupo sa harap ko.

"Tig isang bote." Syempre hindi ako tumanggi malaki iyong bote at hard drink ito pero wala akong pake.

May dala siyang pagkain pizza, fries at burger.

Nilaklak niya ang alak halatang-halatang may problema siya, Pero ginaya ko lang siya ininom ang alak tinungga namin iyon.

"G-gago! Alam mo ba bakit ako tourism?" Ani niya lasing na siya sinong hindi malalasing kung nakalahati mo ang isang bote at tuloy-tuloy niyang ininom iyon na parang tubig.

May tama na ako pero hindi pa ako kasing lasing niya.

"Akala siguro nila mababago pananaw ko kapag nag tourism ako hahahaha!" Saad niya at uminom uli.

Hinayaan ko lang siyang mag kwento ganyan ang gusto niya may nakikinig sa kanya.

"Kailan nga pala kasal mo?" Tanong niya tignan mo na punta bigla sa akin ang usapan.

"hindi ko naman itutuloy iyon." Ani ko at uminom uli.

"Grabe ano? Ganyan ka pala mag mahal all in! Biruin mo nakipag hiwalay na si mark pero para sa'yo lalaban ka kahit alam mong ayaw na niya kahit alam mong sa huli talo ka. Nakakainggit ka." Ani niya.

"Ako kasi hindi ako ganyan ka tapang, Kung titignan ka para kang isang marupok na vase na kaunting sangga ay basag agad, Akala mo isa kang batang paslit na kapag iniwan ng magulang sa mall ay mag papalahaw sa pag iyak pero mali lahat ng naisip ko sa'yo kasi mas malakas kapa sa akin." Nakatingin lang siya sa akin ako naman ay nakikinig lang at umiinom.

"Tama sila, don't judge the book by its cover." Then she smirked and drink.

"Hanggang kailan ka mag papatuloy? Or should i say mag papakatanga kakahabol kay mark." Diretsong saad niya.

"Hanggang sa mahalin niya na ulit ako hanggang sa bumalik uit siya sa akin wala akong pake gaano ka tagal gaano ka hirap ang mahalaga ay balikan ako." Nakatingin ako sa alak ko habang sinasabi iyon tska uminom.

"Paano kapag hindi na bumalik?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon.

"Titigil lang ako kapag na kita ko na siyang masaya sa iba... iyong may bago na siya, ayoko naman maging kabet ayoko maging hadlang sa kasayahan niya." Ani ko at uminom uli diniretso ko hanggang sa mangalahati ang alak.

Ngunit ang isipin na iyon ay tila winawasak ako hindi ko kaya.

"Pero gagawin ko lahat para maging ako ulit." Habol kong saad.

Tinignan ko ang phone ko na lockscreen si mark...

"hinding-hindi ako mapapagod bumalik lang ang mahal ko." saad  ko at tumulo na ang luha kaya uminom ulit ako.

Hindi ko na alam ang nangyare sa mga sumunod alam ko sumayaw kami ni janine kumanta at kung ano-ano pa nalasing kami dahil na ubos namin pareho ang alak, Kinabukasan 3pm kami nagising at sabay kaming sumuka sa cr at imbis na mandiri tumawa lang kami.

Ang laki ng pasalamat ko sa kanya dahil siguro kung hindi niya ako sinamahan ngayon ay umiiyak lang ako buong araw dahil kay mark ganoon kasi ang gawain ko araw-araw.

"Hoy, Alis tayo! Kabagot sa unit mo para 'di mo maisip si mark." Ani nito.

"Tss, Kahit saan pa ako pumunta maiisip at maiisip ko siya." Ani ko.

Umalis pa rin kami pumunta kami sa arcade sa park sa perya at marami pang iba, Madami kaming ginawa pero kahit ilang minuto roon ay hindi na wala sa isip ko si mark dahil minu-minuto ko siyang tini text kahit hindi siya sumasagot.

"Tara na anong oras na kain na tayo." Aya ni janine sa akin, Inabot na kami ng dilim dito at 10pm na gumala lang kami nag ikot kung saan-saan nag laro at marami pang nangyare nilibang namin ang sarili namin.

Pag pasok namin sa isang kainan na hindi ko na nakita kung anong pangalan na kita ko si mark kasama si vanessa mukha siyang masaya, Hindi mukha..... masaya talaga siya parang pinipiga ang puso ko hindi ko kaya makita iyon kaya lumabas ako tumakbo ako at agad pumara ng taxi bahala na muna si janine i t-text ko na lang siya.

Sa loob ng taxi humagulgol ako na parang inapi ako ng lahat ng tao kaya na gulat yung driver nag tanong pa siya kung okay ako, iiyak ba ako kung okay ako? hahagulgol ba ako kung okay ako?!

Wala si kuya bert dahil day off, pangalawang sakay ko pa lang sa taxi. Umiyak lang ako roon hindi ko pinakinggan si kuya sinabi ko lang ang condo kung saan niya ako ihahatid at nag patuloy muli sa pag iyak.

Masakit pala iyon? Sobrang sakit......





























My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon