11

140 1 0
                                    


"Tara na dali!" aya ni mark pag labas ko ng classroom, ewan ko saan niya ako dadalhin.

Sa lumipas na panahon na tapos ang midterms, salamat na lang at puro uno ang grade ko kaya 'di na galit si dad.

"Saan ba kasi tayo pupunta hahanapin ako ni kuya bert." Saad ko sa kanya habang hatak niya ang kamay ko.

Katatapos lang ng klase tapos itong si mark ewan ko saan ako hahatakin.

"Nag paalam ako sa driver mo 'wag ka mag alala" Pumara siya ng jeep tska niya ako pinaunang sumakay roon.

Lumipas ang ilang minuto pumara na siya ako ang pinauna niyang bumaba, hinawakan niya uli ang kamay ko tska nag lakad.

"Oh ayan gusto mo ng pares di ba? Ito kasi ang pinaka malapit pero masarap din naman." Halos umiyak ako sa tuwa, kagabi kasi habang mag ka video call kami ay sinabi kong gusto ko ulit kumain nang pares.

"Wahhh! Thank you!" Yinakap ko siya ng mahigpit tska ko siya hinatak sa kainan open place naman siya maraming tao pero naka kuha pa ako ng upuan sakto sa amin ni mark.

Si mark ang umorder habang umoorder siya na kita ko si janine tatawagin ko sana siya kaso may kasama siyang mga lalaki at may hawak siyang sigarilyo, Hindi ko na pa pansin na nag yoyosi pala siya.

"Oh kain na." Bumalik kay mark ang atensyon ko ng ibaba niya na ang pagkain namin tila na roon na ang buong atensyon ko.

Matapos kumain ay agad kaming bumalik sa school ay ibinigay niya na ako kay kuya bert dahil anong oras na rin puro siya pasalamat kay kuya dahil pinayagan akong ipahiram sa kanya.

Pag dating sa bahay ay narinig ko na naman ang pag aaway nila mommy.

"Ano ba ang problema mo?! Masyado pang maaga para roon! May pangarap pa ang anak ko!" Sigaw ni mommy.

"Marites, Nakakarindi na ang bunganga mo!" 

Pumasok na ako sa loob ng bahay kaya napa tingin sila sa pag bukas ng pintuan.

"Good evening, Mom and dad." Bati ko ng naka ngiti.

"Alasais na saan ka galing?" Kalmadong tanong ni mommy.

"Sa school po kumain din po ako ng pares." Alam kong pagagalitan niya ako dahil ayaw na ayaw niyang kumakain ako sa labas.

"May pagkain naman dito bakit sa labas ka pa kumain! Diba ang sabi ko pag tapos sa paaralan uuwi agad."

"Sorry po." Iyon na lang ang sinagot ko tska sila umalis ni daddy kaya umakyat na ako sa kwarto.

Kinabukasan na abutan ko si janine sa labas ng school nag yoyosi na naman siya hindi na ako nag dalawang isip lapitan siya.

"huy!" Ngunit mali ang pag gulat ko sa kanya na ibuga niya sa akin ang usok.

Tila nanikip ang dibdib ko roon pero na bawi ko agad ang hininga ko.

"Hala sorry bakit ka kasi ng gugulat" Saad niya tska tinapon ang yosi niya.

"Bakit ka nag yoyosi? Alam mo bana masama iyon?" Kunot noong tanong ko na kinangiti nitong hoodie girl na ito.

Kinurot niya ang pisngi ko at nag smirk tignan mo ito.

"I know kaya huwag mo gayahin tara na." Hinatak na niya ako pa pasok kaya hindi na ako naka sagot alam pala niyang bawal bakit ginagawa pa rin niya.

Nag inat ako nang matapos ang klase namin sobrang sakit ng likod ko.

"Bakit pala namamaga ang mata mo nag puyat kaba?" Tanong ni janine kaya napatigil ako.

Halata ba ang mata ko?

"Hanggang ngayon ba maga?" alalang tanong ko yari ako kay mommy kapag na kita niya ito.

"Medyo." agad akong tumakbo patungo sa cr nag ba bye lang ako sa kanya tska kinuha ang bag ko.

"ohmyghad yari ako kay mommy!" Medyo namamaga pa nga ang mata ko dulot ng pag iyak ko buong gabi kagabi.

Nagulat ako ng may lumabas sa isang cubicle kaya napa tingin siya sa akin.

"Seems you have a problem do you need any help?" Tanong niya habang nag huhugas ng kamay.

Paano naman niya ako matutulungan sa maga kong mata? Pag papalitin niya nag mata namin.

"A-ah no." Simpleng sagot ko dahil nahihiya ako.

"Huwag ka mahiya lalagyan ko lang ng  concealer  para hindi gaano halata." Agad na lang akong tumango kahit hindi ko naman alam ang gagawin niya kapag ako na bulag.

Sinumulan na niyang lagyan ang paligid ng mata ko ng brown na cream , nakakatakot ang awra niya masyado siyang seryoso akala mo masungit pero mabait siya.

Pumikit ako at halos hindi huminga dahil nahihiya ako sa kaniya.

"Iyan! Okay na medyo." alinlangan niyang saad.

Medyo okay na nga siya ng tignan ko sa salamin, Bakit ba kasi ako umiyak kasi naman sila mommy e nag aaway na lang lagi ayoko ng ganoon.

"thank you." Nakangiti kung saad.

"No prob una na ako!" Tska siya na unang lumabas di manlang sinabi ang pangalan.

Inayos ko na ang bag ko tska lumabas sa cr mag didilim na dahil alasais na rin.

"Ang tagal mo naman." Halos atakihin ako sa puso ng makasalubong ko si mark galing siya sa room namin.

"Ano ba bakit ng gugulat ka!" Suway ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Sorry." Nag peace sign pa siya tska kinuha ang bag ko.

"Buti dumaan ka rito sabi kais ni janine tumakbo ka agad matapos ang klase." 

"Nag cr ako." Simpleng tugon ko sana hindi niya mapansin ang mata ko.

Tila dininig naman ang panalangin ko nakarating kami sa kotse na hindi niya nabanggit ang mata ko.

"Babye, Ingat ka" Paalam ko tska pumasok sa kotse.

Lagi niya akong sinusundo kapag uwian dahil sabay ang uwian namin ngunit hindi sabay ang pasok mas maaga siya.

habang asa kotse ay tila ayoko umuwi sa bahay dahil baka nag aaway na naman sila mommy ayoko na ng ganoon parang naninikip ang dibdib ko kapag nakikita ko silang nag aaway.

Pag dating sa bahay asa kwarto na raw sila mommy and daddy tila nakahinga ako ng maayos dahil mukhang hindi sila nag aaway.

Ngunit pag tapat ko sa kwarto nila ay nag kamali ako.

"Christopher, Bata pa ang anak ko ano ba iyang iniisip mo!" Saad ni mommy.

ano ba problema nila sa akin kagabi pa kasi nila ako pinag uusapan.

"Marites! Palugi na tayo ano pa ang gusto mong gawin?!" Sabat naman ni daddy.

"Please, Huwag ang anak ko, Huwag muna ngayon hindi ko pa kaya." umiiyak na saad ni mommy kaya hindi ko na pigilan ang mga luha kung nag uunahan sa pag bagsak.

"Gagawa ako ng paraan, huwag lang muna ngayon please." Halos nawawalan na ng boses si mommy.

tila nadudurog ang puso ko na marinig ang nanay kong umiiyak hindi ko mapigilan ang pag hikbi kinapos na ako sa hangin kaya agad kong kinapa ang bag ko ngunit pag subo ko ng inhaler ay wala na pa lang laman na ubos ko nga pala kagabi dulot din ng kaiiyak.

Tila hindi ko na kinaya ang kawalan ng hangin kaya nag dilim na ang paningin ko at bumagsak na lang ng kusa.








My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon