27

69 0 0
                                    

"Gago kayo bakit ang taas niyo mag bigay ano ba ito tubig!" Singhal ni mac.

Asa bahay na kami ni dave at nasa kalagitnaan na kami ng inuman kaya nag re reklamo na iyan.

"Hindi tanga duling ka lang hindi naman mataas iyan!" Sabat sa kanya ni calvin habang umiinom rin.

Maingay talaga ang paligid kapag iyang dalawa ang mag sa sagutan lalo na kung isasama mo si mark, Buti na lang at nanahimik siya naka unan lang sa balikat ko.

Habang umiinom ay nanood kami ng movie, Peninsula ang title si mark at calvin ang nangunguna sa pag tili jusko!

"Cheers, Dahil na tapos natin ang 3rd year at nag one year na ang dalawang ito!" Saad ni layla tska inangat ang baso.

Yes, isang taon na kami ni mark wala naman kaming ginawa nun inaya niya lang ako lumabas at para kaming may exchange gift dahil nag palitan kami ng regalo binigyan niya ako ng box na kapag pinindot mo malalaman mong miss ka nung tao dahil mari-receive nang box niya. Gets niyo? Ah basta!

Itinaas namin ang baso namin tska sabay-sabay nilagok ang alak doon at nag patuloy sa panonood at pagkain, si layla at mac na nag aasaran si dave at calvin na nag tatalo at si maxine na sinasaway sila.

Si mark naman ay halatang may tama na kung ano-ano na ang sinasabi sa akin.

"Babe, huwag mo ako iiwan ha?" Siguro pang isang daang sabi na niya at puro lang ako oo, Ganyan siya kapag na lasing.

"Mahal na mahal kita sobra!" Saad niya muli.

"I love you." Ani ko.

"Ganda-ganda mo!" Jusko.

"Alam mo mag pahinga kana tama na huwag ka na uminom lasing ka na." Saad ko tska kinuha ang baso niya.

Niyakap niya ako habang ang mga mukha ay asa balikat ko tska pumikit hinayaan ko na siya para makatulog na siya.

Sa sala kaming na tulog lahat maliban kayla maxine at dave na nag solo sa kwarto hindi na namin kaya pumunta sa kwarto dahil nahihilo na ako at lasing na talaga ang iba kahit si layla eh.

Kinabukasan na gising kami sa bunganga ni mac takte talaga ang bunganga niyan eh.

"Hayop naman! Ang sakit sa likod wala manlang kumaladkad sa akin papunta sa kwarto!" Singhal niya.

Lahat kami ay nag uunat at puro daing dahil masakit ang likod maliban kay mark na natulog sa braso ko at nakayakap sa akin siya ang may pinaka masaya na pwesto apaka sakit ng katawan ko tuloy.

"Ang sakit ng braso ko! Ang bigat mo." Singhal ko kay mark na nakatingin sa akin mapungay pa ang mata.

"Hehehe sorry akin na hilutin ko." Kinuha niya ang kanang braso ko at hinilot yun.

"Uminom kayo ng tubig tapos kumain na para pag tapos kumain inumin niyo yung gamot na pang hang-over dyan." Si layla ang pambansang taga pag alaga kapag may hang-over ang barkada.

Nag sipag tayuan na sila at tumungo sa kusina nag luto yung yaya ni dave ng sabaw para raw sa amin gising naman na kaming lahat.

"Sorry, bili tayo salonpas mamaya. Good morning, I love you!" hinalikan niya ang noo ko.

"Good morning, I love you." Tsaka kami nag tungo sa kusina dahil ang iba ay na roon na.

"Ang pangit mo mag pa over night walang kama ang sakit sa likod!" Singhal ni calvin habang kumakain natawa naman si dave.

"Ginigising ko kayo ayaw niyo gumising." Saad niya.

"Dahil dyan mag pa deliver ka salonpas dito lagyan mo mga likod namin!" usal naman ni mac.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon