22

75 0 0
                                    

Ilang linggo pa ang lumipas, Wala akong pinag sabihan natatakot ako sabihin kay mark natatakot ako sabihin sa kahit na sino.

Ilang linggo na ako nag iisip paano ako makakaipon nang pera para makaya kong umalis sa puder nila dad, Ayokong ikasal sa taong hindi ko naman kilala at lalong hindi ko mahal.

"Huy, Ilang araw ka ng lutang ayos ka lang ba?" Tanong ni mark kumakain kami sa karenderia uwian na kasi, ganito na ang sistema namin kundi kami gagala sa uwian ay kakain kami dahil 6 na ay kumain na lang kami.

"Hmm, Oo may na isip lang ako." Saad ko bago isubo ang huling kutsara ng kanin.

Huling kita na namin ng magulang ko nung nakaraan wala sila sa bansa ngayon kasama nila iyong magulang ni liam, Si liam sa awa naman ng diyos hindi na pumupunta sa condo.

"Ano iyon share mo naman?" Tanong niya habang hawak sa kaliwang kamay ang chicken at kanan ang kanin nakakamay kasi siya.

"Malapit na exam kasi iyon lang." Pero sa totoo lang hindi iyon ang iniisip ko, Tsk natututo na akong mag sinungaling!

"Diba sabi mo sabay tayo mag ri review mag o overnight ako sa condo mo." Iyon ang usapan namin alam na ng mga yaya ko na boyfriend ko si mark pero nakiusap akong huwag sabihin kayla daddy.

"Oo nga." Saad ko ipinaayos ko pa ang guest room kayla yaya para sa kanya.

Matapos naming kumain ay binuhat na niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko.

"Babe gusto ko ice cream." Bulong niya para siyang batang nag papabili sa nanay niya.

"Tara muna sa 7 eleven." 

Matapos namin bumili nang ice cream ako na ang nag bayad dahil siya sumagot nang pagkain alternate kasi kami kung sino ang mag babayad.

hinatid na niya ako kay kuya bert na nag aantay sa parking sanay na si kuya bert buti na lang mabait ang dalawang yaya ko at si kuya bert.

Nang makarating sa condo ay nag paalam lang sila yaya sa akin na pupunta na sila sa unit nila na katabi lang ng akin hinandaan na rin nila ako ng pagkain sa mesa pero baka mamaya ko na kakainin dahil busog pa ako.

Binuhat ko si kitty at pumunta na sa kwarto para mag half bath nakakain na si kitty dahil pinakain na siya nila yaya.

Matapos ko mag half bath ay hindi nakipag video call si mark dahil nag papasama raw si zion sa kanya.

"Hi, baby namiss kita." Binuhat ko si kitty at inilagay sa kama ko.

Dinilaan niya ang mukha ko tska siya bumaba ulit pumunta na siya sa bed niya siguro ay inaantok na kaya nag cellphone na lang ako.

Sa gitna ng pag i scroll ko sa ig ay tumawag si janine kaya agaran kong sinagot.

"Why?" Bungad ko sa kanya.

"Wala lang namiss lang kita." Sa lumipas na araw mas naging clingy ang babaeng ito sa akin.

"Mag kasama tayo kanina sa apaka tagal na oras."

"Kailan natin sisimulan yung project?" Oo nga pala may project kami na kami ang mag kasama.

"Ahm kailan ba deadline?" Tanong ko nalimutan ko na kasi.

"Sa lunes." Thursday pa lang naman.

"Sige bukas." Maikling tugon ko para wala na kaming gagawin sa sabado at linggo kundi ang mag review.

"Okay, sige na good night!" 

"Nighty-night!" Tska niya ibinaba ang tawag.

Hindi ko na pansin na 9pm na nagugutom ako kaya na isip kong kainin ang inihanda nila yaya.

Kanin at adobo ang nakahanda sa lamesa kaya agad akong natakam, Matapos kong kumain iniligpit ko iyon at iniwan sa lababo dahil ayoko na mag hugas baka makabasag na naman ako, Babalik na sana ako sa kwarto ng mag bukas ang pinto ng condo kaya napatingin ako roon akala ko sila yaya lang.

"Ano ginagawa mo rito?" Inis kong tanong kay liam.

"Tatawag sila mom gusto nilang makitang mag kasama tayo." Pabagsak siyang umupo sa sofa.

Ang gulo ng buhok niya at ang coat niya ay inilagay niya sa tabi niya, Tss.

"Wala ka talagang planong itigil ang kahibangan na ito ano?" inis kong tanong habang asa gilid.

He smirked at humarap sa akin. "Para saan?" Cool niyang tanong na parang gustong-gusto talaga niya ang nangyayareng ito.

"Wala kang iniisip kundi sarili mo! Hindi ka manlang humindi o umayaw!!!" Sigaw ko sa kanya nainis na naman ako sa mapang asar niyang ngiti.

"Ikutin mo man ang mundo tayo ang robot nila susunod tayo sa utos kasi sila ang amo." Walang emosyon niyang saad.

Nag ring ang phone niya at mukhang nanay na niya yun.

"Yes mom?" Nakangiti niyang saad na parang walang nangyareng usapan kanina sa pagitan namin.

"Opo andito ako sa kanila." Inopen niya ang cam nang face time niya at inaya ako sa tabi niya.

Nakita ko roon ang nanay at tatay niya pati si daddy na ngiting-ngiti wala si mommy.

Matapos niyang makipag usap ay agad niyang ibinalik sa bulsa niya ang phone niya.

"Wala bang pagkain dito? Gutom na ako tangina kakagaling ko lang sa school." Parang barkada niya lang ako kung makipag usap sa akin feeling close amp.

"Sa kusina." Simpleng tugon ko nakakaawa naman kasi mukha nga siyang pagod.

"Nuks, Salamat naman nag aaway na mga bulate sa tyan ko eh." Tumayo siya at parang bahay niya ito kung kumilos.

Sa ibang school siya nag aaral pero hindi ko alam saan wala akong balak alamin.

"Pag tapos mo umuwi ka na." Walang ganag saad ko habang asa soga pa rin.

"O-oo" Utal niyang saad dahil punong-puno ang bunganga niya naka kamay pa siya.

Iniwan ko na siya doon at pumunta sa kwarto ni lock ko ito para 'di makapasok ang lalaking iyon.

Humiga na ako dahil matutulog na ako ng umilaw ang phone ko nag chat si calvin malamang wala na naman itong magawa ganyan kasi iyan.

"Ash, tulog ka na?" 

"Bakit?" Reply ko sa kanya.

"Wala naman." Agaran niyang sagot ganyan siya ka kulit kahit si layla ay naiirita at si maxine ganoon na rin sila mark dahil lahat kami ay ginugulo niya kapag wala siyang magawa.

"Okay, matutulog na ako." Ilalapag ko na sana ang phone ko ng mag vibrate muli.

"Huwag muna." Reply niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang." Agad niyang sagot.

Sira ata ang ulo nito eh.

"Bahala ka matutulog na ako." 

Tska ko chinat si mark para mag good night hindi pa ata sila nakakauwi ni zion dahil 'di pa nag o online. Narinig ko na rin ang pinto sa labas umalis na siguro si liam buti naman.

"Panget mo ka bonding!" Reply ni calvin abno talaga.

Inilapag ko na ang phone ko at pinatay ang lamp shade, Doon muling bumalik ang isipin ko kung paano makakatakas sa kasal na ito kung paano ako mabubuhay ng hindi kontrolado ng kahit na sino man.

Paano ako makakatakas sa kasal na hindi ko ginusto.












My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon