30

76 0 0
                                    

Kinabukasan hindi ako inantay ni mark sa gate dahil daw nag mamadali siya atleast naman nag sabi dahil muntik na akong mag antay sa kanya.

"Huy, Maya natin gawin yung presentation natin bukas na iyon." Saad ni janine.

Binigyan kami ng terror naming prof ng presentation tapos bukas agad kaya ang daming tumutol.

"Saan ba tayo?" Tanong ko siya ang partner ko sa gawain na iyon.

"Para namang bago syempre sa inyo." Ani nito bigla kung naalala si liam.

"H-ha! Huwag sa unit bawal nag lilinis sila yaya." Masyadong mababaw ang dahilan ko pero bahala na ayoko nang marami pang makaalam patungkol sa liam na iyan.

"Halatang may tinatago ka! 'Ge sa park na lang tayo." Saad niya tska nag paalam na mag ccr siya, Break time ngayon 'di kami kumain sa canteen dahil busog kami parehas.

Ang nakakatuwa lang kay janine hindi siya maalam hindi siya nag tatanong kung hindi kailangan kagaya kanina hindi niya na inusisa pa kung bakit, Ang sabi kasi namin sa isa't-isa dapat kusang mag sa sabi kapag hindi na kayang itago.

Naisipan kong i text si mark masyado siyang busy dahil sa gawain nila baka 'di siya makakain.

"Babe, gusto mo ba dalhan kita pagkain dyan?" Tsaka ko sinend ang text.

"Hindi na okay na ako, kumain ka na dyan." Himala at mabilis siyang nag reply masyado na kasi siyang mabagal mag reply simula kahapon. Samantalang noon siya pa ang unang nag t-text.

Hindi naman ako nag iisip nang kung ano-ano dahil nga busy siya ako rin naman dahil graduating ako.

Hindi na ako na kapag reply dahil dumating ang prof kasabay ni janine.

Lumipas ang ilang oras nang mag alasingko ay uwian na.

"Puntahan ko lang si mark antayin mo ako sa kotse andoon si kuya bert." Saad ko kay janine na tinanguan niya lang.

Pag dating ko sa building nila ay labasan na mukhang kanina pa nga eh nakikipag usap lang si mark doon sa babaeng hindi ko kilala dahil nakatalikod wala na rin si mac nag antay na lang ako sa gilid dahil baka mahalaga ang pinag uusapan nila.

Inabot pa nang ilang minuto iyon mga 20minutes siguro bago sila na tapos nag beso pa sila, Nang makaalis ang babae ay doon lang ako nag pakita kay mark.

"Tara na?" Masayang kong tanong.

"Hindi uli tayo makakalabas ha, May gagawin ako eh." ani niya.

Ngumiti ako sa kanya tska tumango.

"Ako rin may presentation  kami bukas kaya kasama ko si janine gagawa."

Tumango lang siya inaantay ko pa naman ang energetic niyang pag goodluck sa akin ganoon kasi siya kapag may gagawin ako. Nang makarating sa kotse ay nag paalam na ako.

"Ingat ka, I love you." Saad ko.

"Ingat ka rin, Bye." iyon lang at umalis na siya.

Hindi ko pinapansin ang dalawang araw na hindi niya ako sinasabihan nang I love you dahil baka talagang madami siyang iniisip.

"Okay ka lang? Ang tahimik mo." Usal ni janine habang naka upo kami sa damuhan ng park padilim na kaya umorder na lang kami ng pagkain.

"Ha? Oo nag iisip lang ako." Ani ko tska humarap uli sa laptop.

Ang presentation namin ay mamimili kami ng isang bansa tapos paano namin hihikayatin ang prof namin na pumunta roon sa bansa na iyon.

"Alam mo feeling ko hindi natin matatapos ito agad." Ani niya.

"Ni wala pa tayong naiisip na bansa, Lumulutang kasi ang isip mo." tama siya wala pa kaming naiisip na lugar kaya hindi kami makapag simula.

"Sa unit na tayo gusto mo? over night ka na lang." Usal ko.

Tumango lang siya kaya pumunta na kami kay kuya bert. May gamit si janine sa unit dahil nga na kapag over night na siya noon.

Pag dating sa condo samut saring dasal ang ginawa ko na sana late umuwi si liam kahit never siyang late umuwi lagi pa nga siyang nauuna sa akin. Pag pasok sa unit ay bunganga niya pa ang unang bumungad.

"Bakit ngayon ka lang?" Bakas sa mukha ni janine ang gulat, Sinong hindi magugulat may boyfriend ako tapos may lalaki ako sa unit. Tss!

"Wala kang pake, yaya pa dalhan po kami nang pag kain sa kwarto." Iyon lang ang sinabi ko at tumungo na sa kwarto sumunod naman si janine.

Pag pasok sa kwarto ay agad na nag salita si janine...

"Wala kang kapatid, Sino iyon?" Ani nito at tumabi sa kama ko binuhat pa si kitty dahil sumunod ito sa amin.

"Si liam, Huwag mo na isipin mag simula na tayo wala pa tayong na sisimulan kahit ano." Inilabas ko muli ang laptop ko.

Nag text si mark kanina hindi raw siya sa sabay mag dinner dahil busy siya sinabi ko na ganoon din ako.

"I stalk mo fb ni sir perez." Usal ko nakinakunot ng noo niya.

"Nag po-post siya roon ng bansang pinupuntahan niya tignan mo isa-isa roon sa mga highlights." Ani ko.

Mahilig mag travel si sir at kada travel nito ay asa fb kaya na isip ko na kung ano ang hindi niya pa napupuntahan ay iyon ang bansang pipiliin namin.

"Naka punta na siya na new york, japan,korea, paris at spain." Seryoso niyang usal.

"Wala ang amsterdam." Iyon ang na isip ko agad dahil maganda roon.

Umiling siya. Sinimulan kong gawin ang presentation tig kalahati kami kaya ako ang nauna.


"Amsterdam is Capital of the Netherlands, It has a famous Canals, Canal Cruise, Precious Historical and Cultural Reference, The Van Gogh Museum, Dutch Tulips and many more. As you may know lahat iyon ay sikat na puntahan sa amsterdam and marami ring dayuhan ang dinadayo sila dahil sa mga sikat nilang lugar." Saad ko habang nag p-present sa harap.

Late na kami nakatulog ni janine dahil dito kaya inaantok pa ako, Si janine na ang nag paliwanag ng iba at noong nag tanong na si sir ay bumalik ako sa harap.

"Bakit Amsterdam?" Nakatingin siya sa akin kaya inassume ko na ako ang kausap niya.

"Dahil po isa siya sa bansang hindi niyo pa na pupuntahan." Usal ko na kinatango niya.

"Okay, Good job! I like your presentation." ani nito kaya na upo na kami.

"Ayaw mo kumain?" tanong ni janine nung break time na.

"Ayoko inaantok ako matutulog muna ako." Tumango lang siya at umalis na.

Halos alasingko na kami nakatulog kanina dahil dyan sa presentation na iyan.

Bago ako matulog tinext ko si mark na kumain na siya, Hindi na naman kami sabay pumasok dahil na una siya ang dalang na rin niya mag text which i understand dahil sobrang daming gawain naman talaga lalo na palapit na ang midterms, ang bilis ano? Parang kakapasok lang namin.

Ginising ako ni janine at iniabot sa akin ang pagkain.

"Sabi ko naman sa'yo ayoko kumain." Saad ko naka pikit  pa ang isang mata dahil na idlip na ako.

"Libre ko dahil good job tayo sa presentation." Ani niya na nginitian ko na lang.

Inayos niya ang buhok ko, tska hinain ang pagkain na binili niya burger at fries iyon with avocado shake na fave ko.













My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon