37

83 0 0
                                    

"H-hoy saan mo ako dadalhin ha?! Kilala ba kita!" singhal ko sa humatak sa akin sa gitna ng pag sasayaw ko kanina pa ako umiinom at nakarami na ako kaya aaminin kong lasing na ako.

"Iuuwi kita lasing ka na." Iyang boses na iyan mahal na mahal ko ang may ari niyan.

Idinilat ko ang isa kong mata at tama ako si mark, Si mark ang asa harap ko.

"Mahal mo na ba ako uli? Bati na ba tayo ako na ba uli ang babe mo?" Tanong ko kaso hinatak niya ako palabas at pinasakay sa kotse at kinabitan ng seatbelt tska isinara ang pinto.

Hihihi Love niya na ako uli ano? Hindi niya ako susunduin kung hindi hihi nag text ako sa kanya sabi ko lasing na ako at mag isa at effective.

"Hindi kailangan lang kita sunduin dahil baka makonsenya ako kapag may nanangyare sa'yo roon at hindi kita sinundo." Klaro at seryosong saad niya habang nakaharap sa akin tska humarap sa kalsada uli para i i-start ang kotse at nag maneho.

Then i pout like a child.

"hmm, At least u care hihi." Then i close my eyes dahil feeling ko umiikot ang paligid.

"May tubig dyan inumin mo, Inaraw araw mo na ang alak kilala mo pa ba ang tubig." Saad niya.

"Of course but alak is better than water." Then i smiled.

"Ayusin mo ang buhay mo ga-graduate ka na." Saad nito.

"Kaya balik ka na sa akin please malapit na matapos ang 4th year ko kailangan kita para takasan ang kasal na iyon dahil kung wala ka ano pang rason ko para suwayin ang magulang ko." Malungkot kong ani.

Tumikhim siya tska nag salita.

"Hindi na ako ba balik. Kaya hayaan mong maging malaya ang sarili mo." Ani nito parang may bumara sa lalamunan ko at parang sinisira ang buong ako.

Nawala ang kalasingan ko roon.

"M-masaya ka na ba?" Pinilit kong huwag tumulo ang mga luha ko.

Umoo ka lang titigil na ako.

"Oo." Agaran niyang sagot ni walang pag aalinlangan sa boses niya.

Kung may iwawasak pa ako ewan kona lang.

"P-pwede ba kahit hanggang graduation mag panggap tayo? Na akin ka kahit iyon na lang regalo mo sa graduation ko." Nahihirapan kong saad.

Tumingin siya sa akin dahil red light naman.

"Sa huling pag kakataon bago ako ikasal baka pwedeng mahingi ang mga araw na iyon sa'yo." Ani ko.

Wala naman na akong magiging dahilan kung ititigil ko pa ang kasal, gusto ng tatay ko iyon diba? Baka kahit doon makabawi ako dahil nawala na ako sa DL.

--

Iyon ang nangyare bumalik nga kami sa dating kami halos murahin ako nila maxine at layla dahil daw ang rupok ko, Hindi nila alam na nag papanggap lang kami dahil matapos ang graduation ay tapos na rin ang lahat sa amin.

"Gago ka! Ang rupok mo kayo na uli?" Ani ni janine, tumango lang ako.

"Tss, wala na ako kasama uminom." Busangot niya tapos kumunot ang noo niya na parang may na isip na naman.

"Hoy, Paano iyong mapapangasawa mo?" Tanong niya, Nag kibit balikat lang ako.

Tulad ng sabi ko tuloy ang kasal. Pero hindi ko pwede sabihin iyon dahil nga hindi nila alam na nag papanggap lang kami ni mark.

Hindi mo naman halata na nag papanggap kami dahil bumalik talaga kami sa dati.

Kung kailan gusto mong bumagal ang panahon ay doon bumilis pictorial na namin at practice ng graduation.

"Ga-graduate ka na mahal ko." Saad ni mark, Hindi ko alam pero may bakas ng lungkot sa boses niya.

"Yeah, Kaunti na lang." Ako lang ata ang hindi excited sa pag graduate.

Nag  simula ang pictorial nag picture rin kaming barkada sila mark at mac ay next year pa nakikipictorial lang iyang mga yan.

Nag o-overnight si mark sa condo dahil ewan ko asaan si liam hindi umuuwi eh.

Oo, Lagi siyang asa unit kaya tuwang-tuwa sila yaya dahil bumalik na raw ang dating ako. Hindi nila alam sinusulit lang namin ang panahon or should i say sinusulit ko dahil ako lang naman ang nag aya sa kanya na gawin ito dahil nga masaya naman na raw siya.

"Babe, Iyon na si kitty." Ani ko pag upo sa kama andoon sila ni kitty nag lalalro.

"Why?" Tanong nito.

"Ibigay mo sa magiging bagong nanay niya." I smiled kahit masakit.

"Binigay ko iyan sa'yo at ikaw lang ang nanay niyan." Ani nito.

"Iyo na muna baka hindi ko maalagaan, lately 'di ko siya naalagaan dahil sa kakainom ko." Saad ko habang nakaharap sa kanila.

--

weeks turned into days  at ngayon na ang araw ng graduation lahat sila masaya ako lang ang nag papanggap na masaya dahil hindi naman ako masaya.

Nakapag tapos kaming lahat syempre sila mac at mark next year pa hindi ko na talaga na bawi ang pagiging DL dahil huli na raw kaya hindi rin ako nakpasok sa pagiging cum laude pero si layla ay nakasama kaya ang saya-saya namin.

Nag bakasyon kaming barkada ibinigay ko na lahat doon dahil alam kong ito na ang huli naming pag sasama ni mark.

--

"Paano ba iyan tapos na." Saad ko kay mark asa tapat kami ng condo hinatid niya ako.

"Piliin mong maging masaya kahit hindi na ako ang rason." Ani niya.

I smiled... Kahit gustong tumulo ng luha ko.

"Salamat kasi pinag bigyan mo yung request ko thank you sa lahat." Lumunok ako dahil feeling ko any time babagsak na ang bagyo mula sa mata ko.

"Siguro ito talaga plano ng mundo sa atin kaya kahit anong habol ko sa'yo ay iyon ang pag takbo mo sa akin papalayo sana yung mamahalin mo ay mahalin ka rin kagaya ng pag mamahal ko handa akong isuko lahat para sa'yo sabihin mo lang ipag laban kita ipaglalaban kita uli, Pag lalaban na hindi mo kayang gawin sa akin..." Lumunok akong muli.

"Pero seriously salamat ang dami kong natutunan sa pinaranasan mo sa akin."

Iniabot  ni yaya si kitty sa akin tska niya kinuha ang gamit ko tska umakyat uli sa unit, Tinignan ko si kitty.

"I love you baby, Sorry sa mga pag kukulang ko sa'yo pinipilit ko kasing maging buo tayo pero hindi ko na gawa sorry..." Hinalikan ko ang noo niya tska iniabot kay mark.

Niyakap ko si mark huling yakap na ito kaya sinulit ko doon bumagsak ang mga luha ko.

"Mahal na mahal kita mark, Sobra kapag sinaktan ka ng bago mo tawagan mo lang ako babalik ako para sa'yo handa akong lumayas sa bahay handa akong suwayin si dad para sa'yo." Hikbi kong ani habang nakayakap pa rin sa kanya ang kanang kamay niya ay nakahawak sa likod ko dahil sa kaliwa si kitty.

"I love you, Ashley i really love you pero baka hindi pa para sa atin ang tadhana ngayon." ani niya at humiwalay sa yakap tska nag punas ng luha.

Then for the first time and also last i kissed him on the lips hindi mababaw hindi malalim balance lang.

"Ikaw ang first kiss ko at sisiguraduhin ko rin na ikaw ang huli." Ngumiti ako sa kanya.

Hindi ako papayag na may kiss the bride sa kasal namin ni liam noh duh!

Habang nag lalakad siya palayo ay mahina akong humihikbi, Mahal ko talaga siya sobra...













My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon