Epilogue

270 0 0
                                    

"Iwan mo siya, kapalit noon ay babalik ka na sa bahay kasama kami." Sabi ni mama.

Kaya ko ba? Iniisip ko pa lang na umiiyak si ashley at nasasaktan hindi ko na agad kaya.

Bakit kasi kay liam pa? Kung sa ibang lalaki iyan handa akong isugal ang lahat maagaw lang siya.

Pero kasi ito pamilya ko na kapos ako sa pag mamahal nang isang ama at ina gusto ko maramdaman iyon kaya iniisip ko kung sino ang pipiliin ko.

Pero tangina! Sa isang kagaya kong nag hahangad ng ina at ama ay pinili ko sila kaysa sa taong walang ginawa kundi mahalin ako.

"Babe." Saad ni ashley pag labas niya ng room.

Pinanatili ko ang walang emosyon kong mata kahit na sa loob ko ay masakit na.

"A-ah gusto sana kita makausap labas tayo?"Ani ko na nautal pa.

"Yey! Sure babe. tara na saan ba tayo?" Nasasaktan ako dahil halata sa kanya ang saya at excitement.

Pumunta kami sa lugar kung saan naging kami, sa lugar kung saan niya unang na kita si kitty sa lugar kung saan inamin niyang mahal niya na ako. Dito ko na pili dahil ito ang naging saksi nang pagiging kami rito ko rin gustong bawiin.

"Ano gusto mong kainin babe, gusto mo umorder ako?" Tanong niya.

"Ashley, Hindi kita inaya rito para kumain inaya kita rito para kausapin." Pinilit ko ang mukha ko na walang ipapakitang kahit anong ekspresyon.

"S-sorry, Sige ano ba iyon? May problema ka ba malungkot ka ba? Sabihin mo lang." Ani niya, Mas lalo akong nasasaktan mas lalo akong nahihirapan.

"Mag hiwalay na tayo." Walang alinlangang saad ko kung patatagalin ko pa ay baka hindi ko masabi.

"B-babe, Ang corny mo mag joke ha! Ano ka ba HAHHAHHAHA." Sana nga ay nag bibiro na lang ako sana nga, Mahal ko.

"B-biro... lang ito diba?" Tanong niyang muli tinigan ko siya sa mata.

"Hindi ako nag bibiro ashley, Mag hiwalay na tayo." Pinilit kong huwag maiyak pinipilit kong maging malakas.

"May na gawa ba ako? Sabihin mo lang babaguhin ko may ayaw ka ba sa akin sabihin mo titigilan ko."

Gusto kong sabihin na wala dahil siya na ang definition ko ng salitang perfect wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako kada mag si selos ako ay lalayuan niya ang taong iyon at ipaparamdam na mahal na mahal niya ako walang minuto o segundo na pinaramdam niya sa akin na hindi ako kamahal mahal.

"Ashley, ikakasal ka na hindi mo ba na isip iyon sa tingin mo paano natin ipag lalaban yung relasyon natin sa magulang mo kung wala akong kaya ipag mayabang sa kanila studyante tayo parehas." Hindi ko rin kayang ipaglaban ka dahil kapatid ko ang pakakasalan mo.

Umiyak na siya kaya may namumuo nang umbok sa lalamunan ko feeling ko ay ilang minuto lang ay iiyak na rin ako.

"B-babe gagawin ko lahat please huwag mo naman akong iwan, Gagawa ako ng paraan na huwag matuloy iyon, Please." Lumuhod siya sa harap ko iyon na ang nag pa wasak sa akin gustong-gusto ko siyang yakapin gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya pero tangina, Hindi ko alam bakit magulang ko pa rin ang puinipili ko.

Lumunok ako bago nag salita....

"Wala kang dapat gawin kundi sundin sila, Tumayo ka dyan." Saad ko nahihirapan akong pigilan ang mga luha ko.

"B-babe, Please." Saad niya habang humihikbi.

"Ashley tama na, alam mo ba ang salitang hindi na pwede? Tumayo ka dyan aalis na ako." Hinaltak ko na ang kamay ko at tumalikod para umalis hindi ko na kaya pigilan ang luha ko, Tahimik akong umiyak habang nag lalakad.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon