29

76 0 0
                                    

"Ashley, Alasotso na wala ka bang pasok?" Tila na gising ang lahat ng parte nang katawan ko sa saad ni yaya.

Agad akong tumakbo sa cr para maligo ni hindi na ako kumain sumakay na agad ako sa kotse dahil isang oras na akong late! 7am ang pasok ko sa sobrang ka kaisip ko kay mark 5am na ako nakatulog tapos nang magising ako ay wala manlang ni isang text niya pero nag text pa rin ako sa kanya...

"Pa pasok pa lang ako babe, Na late ako nang gising dahil 5am na ako na katulog. Aral mabuti dyan I love you and good morning." Pag ka send ko nun ay saktong dating sa school kaya tinakbo ko na ang building namin.

"Ms. Meira! You're super duper late ano na ang nangyayare sa'yo?!" bungad nang prof sa akin.

"Sorry po, Miss." Nakayuko kong saad.

"Pumasok ka na, Absent ka sa subject ko, tapos na ang oras ko tska ka lang pumasok." Ani niya tska ako iniwan major subject pa naman iyon.

Tumungo ako sa upuan ko at na roon na si janine.

"Hiramin mo na lang notes ko nag sulat ako para sa'yo." Saad niya tska iniabot ang notes niya. Hindi kasi siya nag susulat.

"Thank you!" Pag sabi ko nun ay pumasok na ang pangalawang prof.

Ilang oras pa ang lumipas nang mag break time agad akong sumilip sa bintana  ngunit wala si mark, Kaya na isip ko na baka hindi sabay ang break time namin ganoon kasi minsan pero laging sabay ang uwi namin.

Kumain kami ni janine sa canteen umorder ako ng rice dahil nga hindi ako na kapag almusal ay nagugutom ako.

"Ang dami mong pagkain." Saad ni janine pag upo namin.

"Hindi ako nakakain nang almusal, Late ako na gising." ani ko tska nag simulang kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay naka rinig ako ng bulungan sa likod.

"Alam mo ba si mark, Kasama si vanessa iyong leader nang cheerleader." Saad ng isa sa kanila naka talikod ako sa kanila kaya 'di ko sila nakikita.

"Si mark ng engineering?" Tanong nang isa si janine rin ay nakikinig lang.

"Oo si jinx, Yung pinag kakaguguluhan sa building nila at sa tourism." 

"Eh, May girlfriend iyon sa tourism eh, Iyong running for cum laude iyong maganda na parang manika na parang bata ano pangalan nun?" 

Iniinsulto ba niya ako or compliment iyon?  Grabe ano updated lagi sila alam na alam nila.

"Ashley, Issue ka baka mag kasama lang dahil may pinag uusapan." Oo nga naman agree ako kay ate baka nag uusap lang.

"Girl, May nag uusap bang halos mag palit na sila ng mukha?" Tanong ni babae.

"O.A ka hindi naman ikaw ang jowa kaya huwag ka ng ma issue!" Oo nga naman hindi siya ang jowa dahil ako ang jowa.

Pero baka nag uusap lang sila tska kilala ko si mark hindi siya malapit sa babae bukod kayla maxine,layla at maisy dahil kaibigan namin iyon.

Natapos kaming kumain tska ko na isipan silipin ang phone ko pero wala pa ring reply si mark, Baka busy.

Nang mag uwian ay na una akong lumabas kay mark kaya nag paalam na ako kay janine at tska tumungo sa building nila mark at tama nga ako hindi pa sila lumalabas kaya nag antay na lang ako sa may gilid ng hagdan.

Nag laro lang ako sa phone ko maya-maya ay tinawag ako ni mac dahil na pansin niya na ako.

"Ashleng!" Sigaw niya kaya nag lakad na ako patungo roon, Inapiran ko lang siya si mark ay kausap pa ang mga kaibigan nila kaya inantay ko na muna siya.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon