50

160 1 0
                                    

Asa kotse kami ni mark ngayon hindi ko alam paano niya na laman na asa airline ako.

Oo si mark iyong lalaking nang gulat kanina.

"Ah, Ano ginagawa mo roon?" Tanong ko sa kanya.

Simula nung nag korea kami hindi pa kami nag kita dahil na busy sa trabaho hindi ko pa tuloy nakikita si kitty.

"Sinundo ka tinanong ko kay venice ano oras ang uwi mo." Proud na saad nito.

Really? Madaling araw na pero bakit niya pa ako sinundo.

"Kinausap ko rin si kuya bert." Habol niyang ani.

"Wala ka bang trabaho bukas? Tska jusko iniwan mo ang pamilya mo madaling araw na paano kapag na galit si vanessa sa'yo, Alam kong tanga ako sa pag ibig pero ghorl! Hindi naman ako papatol sa may asawa ayoko maging kabit ano!" Saad ko at inirapan siya.

Ang siraulo namang ito tumawa lang.

"Una sa lahat hindi ka magiging kabit dahil ikaw at ikaw lang naman ang mahal ko saan mo ba napulot ang chismis na iyan!" Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko naman napag handaan iyong mahal na iyan.

Pero teka nga so ibig sabihin hindi niya asawa iyon?

"Hindi mo siya asawa?" Nahihiyang tanong ko grabe saan ko ba nakuha ang chismis na iyon.

"Hindi, Asawa siya ni liam." Natatawang ani niya.

"Kaya kami mag kasama noon ay girlfriend na siya ni liam, Sa akin siya pinabantayan ni liam habang gumagawa rin ng paraan paano makatakas sa kasal niyo." Woah! May jowa pala siya? Bakit hindi manlang sinabi nung asungot na iyon.

Ohmyghad! nakakahiya naman kanino ko ba na pulot ang chismis na iyon? Actually mukhang sa akin lang tsk, issue mo ashley!

"S-sorry." nahihiya kong sabi habang nakatingin sa bintana.

"Walang sino man ang pumalit sa'yo." Patawarin ang mga lamang loob ko ay nag wawala na.

"Saan ba tayo pupunta? Hindi ito daan patungo sa bahay." Ibang daan na kasi itinatahak namin.

"Kikidnapin sana kita tapos papatubos kita sa presidente  ng 1M Wala na akong pera eh." Pang-aasar niya.

"Walang pang tubos ang tatay ko sige iuwi mo na lang ako sa inyo." Natawa siya sa sinabi ko, aba! hindi ako nag papatawa papayag akong iuwi niya ako. Duh, wala pala siyang jowa edi pwede kona landiin uli.

Pumunta kami sa sementeryo pucha bakit naman kami na rito!

"Hoy, Ito ba bahay mo? Takte ka natatakot ako baka may lumabas na multo dyan alastres na mark bakit dito mo na isip pumunta!" Sigaw ko sa kanya pag baba namin sa kotse.

"Bisitahin natin si kitty." Kitty? Narito si kitty?

Unti-unting na buo sa isip ko na asa sementeryo kami ng mga animals ibig sabihin wala na ang anak ko?

Sabay-sabay na tumulo ang luha ko, Wala akong masabi basta na lang ako niyakap ni mark at humikbi ako sa mga balikat niya.

"Namatay siya sa katandaan na rin, Bago siya mamatay bumalik kami sa unit mo para naman sa huling pag kakataon maramdaman niyang kasama ka niya. Doon siya sa unit mo binawian ng buhay." Nag pipigil luhang ani nito.

Lalo pa akong na iyak doon, Nag lakad kami patungo sa puntod ni kitty.

Napaupo na lang ako roon, hindi ko manlang siya na dala sa airline ko hindi ko manlang napakita sa kanya ang mga na gawa ko ng pangarap ko. Paano na ang mga pasalubong ko sa kanya.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon