Linggo ngayon inaya ako ni mark lumabas, Wala sila mom and dad asa out of town ilang buwan daw sila roon aabutan pa nga ng pasko kaya mag isa na naman ako sa pasko sa 23 ang party naming barkada nakasanayan na namin iyon at nag o-over night lahat, Ambilis mag pa pasko na.
"Ambagal mo naman!" Singhal ni mark pag dating ko sa sinabi niyang lugar syempre kasama ko na naman driver ko.
"Sorry, Akala ko kasi mamaya ka pa." Asa park kami hindi ko alam saan ang punta namin.
"Saan ba tayo pupunta kasi?" Tanong ko kay mark.
"Mag sisimba, Nang mabawasan naman kasalanan mo." wala naman akong kasalanan hindi naman ako nag sisinungaling sinusunod ko naman ang sampung utos.
Naging uno lahat ng grades ko kagaya ng gusto ni daddy kaya wala akong kasalanan.
"Hahahaaha! Patola tara na." Sabat ni mark tska nag lakad tignan mo nag banggit pa ng gulay.
Umupo kami ni mark sa may pinaka una para raw naka tapat sa electricfan si kuya bert naman ay naka park lang doon sa may park na pinagkitaan namin ni mark, nag paalam naman ako ang sabi niya hindi na siya sasama mag enjoy raw ako dahil minsan lang ito.
Matapos ang pag sisimba namin inaya ako ni mark umalis sa sakay raw kami ng jeep, Nag halo ang kaba at excitement ko noong nalaman ko iyon gusto ko iyon!
"Hahawakan ko ang kamay mo para hindi ka mawala dahil kapag nawala ka baka mamalimos na lang ako roon at hindi na bumalik sa atin." Pag papaliwanag niya ibinigay ko agad ang kamay ko sa kanya ako pa ang humawak kaya na gulat na naman siya.
Habang hawak kamay kami nag lakad kami sa sakayan ng jeep.
"Oh ikaw mag abot sabihin mo sa sakayan ng lrt dalawa." Bago ko gawin ay pinraktis ko muna ang sa sabihin ko.
"Sakayan ng lrt dalawa." Huling bulong ko kaya tinawanan ako ni mark.
Daig ko pa mag ri-recite sa kaba ko rito, Pero na gawa ko naman ang saya-saya ko dahil natupad ang pangarap kong mag commute hindi ko lang alam saan ang punta namin ang mahalaga sa akin nakasakay ako sa jeep.
Hawak pa rin ni mark ang kamay ko at naka patong iyon sa binti ko inilagay pa niya ang bench and bath niya sa binti ko dahil naka dress ako.
maya-maya nag para na si mark medyo malayo rin ang sakayan ng lrt ha, Pinauna akong bumaba ni mark inilagay niya ang towel niya sa likod ng legs ko.
"sasakay na tayo lrt mag hihiwalay tayo pa pasok kasi iba ang daan ng babae sa lalaki ibaba mo lang ang bag mo roon tapos doon ako sa kabila pa pasok." Pag papaliwanag niya kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata baka umuwi kami eh.
"Okay." Kabado ngunit nakangiti kung sagot.
Sinimulan naming pumila pinraktis ko rin ang gagawin ko pinagtitinginan pa nga ako hindi ko alam bakit hinayaan ko na lang.
Ohmyghad! Ako na ang sunod halos lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko sa kaba.
Ibinaba ko ang bag ko at kinapkapan ako ni ate girl tapos pumasok ako roon sa pinapasukan din sa airport may ganyan din sila eh kahit malls.
Halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib ng matapos ako.
"Yehey!" Nag tatalon kung sinalubong si mark sa sobrang tuwa ko yinakap ko pa siya, Siya naman nakatulala lang.
"Nagawa ko!" saad ko ng humiwalay ako sa kanya.
Nginitian niya ako at hinawakan uli ang kamay ko.
"Siksikan ang tao sa lrt kaya huwag ka hihiwalay sa akin ha." Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mukha siyang nag aalala sa damit ko kung alam ko lang kasi nag pantalon na ako kaso wala ako gaanong-ganoon si mommy kasi gusto lagi dress.
Si mark ang bumili ng card naming dalawa tska muli hinawakan ang kamay ko takot na takot pa ako ng huminto na nag lrt dahil nag sisiksikan talaga sila nag tutulakan natatakot ako baka maipit ang paa ko roon.
"Kaya mo ba?" Tanong ni mark sa akin.
Tumango na lang ako gusto ko maranasan pero natatakot ako talaga.
Nakapasok naman ako ng maayos dahil hinarangan ni mark ng braso niya ang katawan ko kumbaga para siyang naka yakap para hindi ako maipit. Grabe pala ang dinaranas ng mga taong sumasakay rito, I salute them.
Walang upuan kaya nakatayo lang kami ni mark naawa pa ako sa isang matanda na asa tabi namin dahil wala manlang nag pa paupo sa kanya inilibot ko ang paningin ko baka sakali makatagpo ako ng upuan para kay nanay ngunit wala talaga.
"Miss, upo kana rito." Saad ng lalaking asa gilid ko habang naka tingin sa akin, napa tingin si mark sa kanya na kunot ang noo.
"No na po si nanay na lang po paupuin niyo thank you po." Sagot ko tska inalalayan si nanay maupo sa upuan na ibinigay sa akin ng lalaki.
"Salamat hija." Nginitian pa ako ni nanay hihi, How i wish i have grandma kapag nag tatanong ako kay mom and dad laging hindi nila alam.
"Welcome po." Nginitian ko rin si nanay na ngayon ay asa harap ko na.
Yung lalaki naman nag bigay ng upuan ay asa gilid ko na ngayon hindi ko alam kung masikip ba talaga para dumikit siya ng husto sa akin pero hinayaan ko na nag bigay naman siya upuan eh.
Ngunit dumidikit na siya sa hindi dapat ako na lang ang lumalayo baka kasi masikip talaga sa gilid niya.
"Malawak sa harap mo umusod ka huwag mo siyang sanggain."Seryosong saad ni mark sa lalaki nakakatakot ang boses niya.
Asa likod ko si mark kaya ang ginawa niya ay ikinulong ulit niya ako sa braso niya upang wala ng dumikit sa akin, Sobrang siksikan kasi kaya halos dikit-dikit na ang mga tao.
"Nangangawit ka na ba?" Bulong ni mark sa tenga ko na agad kong inilingan ayoko naman mag reklamo.
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya ginawa ko siyang sandalan.
Maya-maya hinawakan niya na ang kamay ko baba na raw kami kaya nabuhayan na naman ako, Nag ba bye pa ako kay nanay.
"Humawak ka lang sa akin ha baka mawala ka." Paalala muli niya pag baba namin pinunasan niya ang pawis ko.
Nag lakad kami pa tungo kung saan hanggang sa makita ko na ang naka sulat na intramuros!
"Ohmyghad! Gusto ko ito wahhh! Thank you!" Yinakap ko si mark at sinabing piktyuran ako ginawa naman niya nag picture rin kaming dalawa sa phone niya at phone ko.
Nag ikot pa kami at nag picture halos maiyak ako sa saya ito ang pangarap kong puntahan at na tupad dahil kay mark tinupad niya ang sinabi niyang dadalhin niya ako rito, Kung may isasaya pa ako hindi ko na alam ito na nag pinaka masayang araw ko.
Kumain kami ng pares na ngayon ko lang na kain pero masarap nag mami na may sabaw, fishball at iba't-ibang street foods na ngayon ko lang na kain dahil hindi ako pinapayagan noon.
Nang sumapit ang sunset ay tanaw na tanaw namin siya asa manila bay kami naka upo habang inuubos ang isaw.
"Thank you, Ito na ang pinaka masayang araw ko." Yinakap ko si mark habang naka upo kami.
Hindi ko alam paano susuklian ang ginawa niya sa akin sobrang saya ko na ang simpleng pangarap ko na mag commute at pumunta sa intramuros ay na tupad niya.
Having him is so priceless hindi ko alam ano ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya ang alam ko lang mahalaga siya sa akin at ayaw ko siya mawala gusto ko asa tabi ko lang siya sa kanya ako komportable.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21