Months has passed tapos na kami sa 1st year college, Isa lang ang masasabi ko that was sooooooooooooooooooo tiring!!!!
Sila mom and dad asa ibang bansa pa rin ilang buwan na sila roon nag pasko nga ako mag isa kasama ko lang ang yaya ko at driver.
Si mark din naman kasama ko inilabas niya ako nung araw ng pasko nag enjoy naman ako dahil na kasama ko ang mga barkada ko but of course mas masaya kapag kasama ang pamilya rin.
Naiintindihan ko naman sila mom and dad they was so busy about their business kaya hindi pa sila makauwi.
Nag aayos ako ngayon ng gamit ko dahil may outing kami bukas ng barkada sa batangas actually mamaya na nga kasi alauna na alsingko ang kitaan.
Hindi pa 'ko nag paalam kayla mom and dad dahil hindi nila sinasagot ang tawag ko 'di naman siguro sila magagalit dahil nakita naman nilang ilang beses akong tumawag.
2am na ako nakatulog kaya ito ako ang sakit-sakit ng ulo ko at antok na antok ako buti nga at tinawagan ako ni mark kundi baka nag hihilik pa ako hanggang ngayon.
Ilang oras ang lumipas nag short lang ako at shirt tska umalis hinatid ako ng driver namin sinabi ko na mag ba batangas kami.
"Ayan na ang laging late, Putek! Kahit kelan kayong dalawa." Bungad ni mark kayla maisy at matt 5:10am pa lang naman pero lagi talagang huli ang dalawang iyan dahil kay maisy.
Tabi kami ni mark sa van si layla dapat ang katabi ko kaso gusto raw niya sa may bintana eh gusto ko rin ang ending na roon siya sa likod ko.
Nakatulog ako sa balikat ni mark ginising lang ako kasi nag stop over kami sa jollibee ka kain muna ng almusal gutom na rin ako.
Nag simula na kaming kumain sila maisy at calvin ay asa van dahil natutulog pa si maisy.
"Good morning maisy girl! Ang aga-aga mag ka hawak kamay kayo!" Bungad ni layla pag pasok nila calvin at maisy gising na siya.
Malamang ash nag lalakad na nga eh, Bulong iyan ng utak kong epal.
"Good morning sa inyong lahat." Bati ni maisy sa amin ngumiti na lang ako dahil kumakain na ako.
"Kumain na nga kayo ano ba iyan bakit kayo ganyan makatingin akala niyo naman may krimen akong ginawa." Sabat ni maisy nakatingin kasi kami sa kanya, ang ganda niya kahit bagong gising.
"Ang ganda mo maisy girl sana ganyan din ako kahit bagong gising, Ang daya!!!!"Sabat ko ng malunok ko ang kanin sa bibig ko.
"Kain kana lang baby ash 'wag na mambola."Sagot niya sa akin tsaka yumuko sa lamesa.
"Hey, Maisy matutulog ka na naman umayos ka na parating na pagkain niyo." Saad ni maxine.
Matapos kumain ay bumyahe na uli kami pag karating namin ay agad kaming nag tungong girls sa kwarto namin mag ka kasama kaming girls sa iisang room sa kabila naman ay boys.
Nag bihis lang kami para makapag swimming na halos mamatay ako kakatawa ng mag simula na kami sa pag lalaro ng tubig na babahala lang kami kay matt dahil hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Bakit ayaw ng kambal mo mag swimming?" Tanong ni layla kay maisy na kakababa lang ng pool.
"Mamaya na raw."
" 'di pa ba nag pa pa check-up 'yun?" Sabat naman ni maxi.
"Hindi pa makulit eh." Sagot niya tska nilubog ang ulo para mabasa ang buhok.
Ang tagal na nag kakaganyan ni matt kapag tinatanong namin kung nag pa tingin na kundi ayos lang siya ang sagot niya ay sa bakasyon na lang.
Nag-laro lang kami lahat dito kasama ang boys sumunod na rin si matt medyo okay na raw siya.
Pag tapos ng kasayahan doon nag try din kami ng mga activities dito para masulit namin ang 3 days namin.
After ng lahat ay gabi na kami na tapos kumain lang tska bumalik sa kwarto, Na pagod ako kaya matapos ko mag bihis humiga na ako. Dalawa ang queen size na kama si layla at maxi ang mag ka tabi kami naman ni maisy mag kasama.
Maya-maya lang ay hinatak na ako ng antok ko, Kinabukasan nagising ako sa tawag mula sa cellphone ko wala na rin si maisy sa tabi ko.
Halos mamatay ako sa kaba ng si mommy ang tumatawag hindi pa ako nakakapag paalam sa kanila.
"Gising ka na pala uuwi na tayo may nangyaring hindi maganda kay matt" bungad ni mark kaya mas dumoble ang kaba ko.
Sana naman ay okay na siya ngayon.
"O sige maliligo lang ako at mag aayos." Halos minadali ko ang pag ligo ko hindi ko sinagot ang tawag ni mommy dahil natatakot talaga ako.
Si mark ang nag dala ng gamit ko si mark at mac ang naiwan at kaming tatlong girls, Matapos mag ayos ay tumawag uli si mom pang sampung tawag na kaya sinagot ko na lalo akong mayayari eh.
"Ashley joy meira! What's wrong with your phone! Bakit hindi mo sinagot asan ka ba ha?!" Halos lumabas sa kabilang tenga ko ang tutuli ko sa sigaw ni mommy damang-dama ko ang galit niya kaya halos mangatog ako sa kaba.
"m-mom." Utal kong sagot napatingin si mark sa akin alam niyang hindi ako nakapag paalam sinabihan na niya ako na mag sabi agad ngunit hindi pa ako nakinig.
"I know i'm your mom! But where are you?!" Alam kong mapapatid na ang litid ni mommy sa sobrang galit.
"Batangas po, pauwi na." sana lang ay may bahay pa akong uuwian.
"Oh God! anong klaseng babae ka paano ka nakarating dyan?!" Paano? Pupunta kaya sila nakauwi na ba sila?
"Sumakay po kami ng van, Hindi ko po kabisado nag waze po kami." Halos lahat ng kasama ko sa van ay napatingin sa akin na parang ito na ang huling araw kong mabubuhay sa mundong ito.
Napasapo nang noo si layla at maxine si mac na nag pipigil nang tawa si mark na kinunutan ako ng noo. May nagawa ba ako?
"Oh jusko mahabingin! Ashley joy meira, Kapag ikaw hindi nakauwi ngayon mawawalan ka ng magulang at bahay!" Sigaw niya tska binaba ang tawag.
ngayong oras na ba? Traffic paano ako lilipad?
"Kapag hindi ako nakauwi ngayon wala na akong magulang at bahay, Paano iyan traffic edi mamaya pa ako makakauwi siguro magagamit ko na ang condo na gift ni daddy sa akin." Halos lahat naman sila ay napa buntong hininga si mac na tumawa na naman.
"Ipagdadasal na lang kita." saad ni mac na mukhang mauunang pang mamatay sa akin kakatawa niya.
"ako rin." Maikling tugon ni maxi.
"Mukhang ito na ang huling araw mo." Saad ni layla.
"Mag sama na tayo sa iisang bahay mukhang kailangan mo na." Saad naman ni mark.
Ilang oras ang lumipas asa tapat na ako ng bahay namin and guess what nag sisigawan ang nanay at tatay ko may bingi na ba sa kanila?
Sasamahan dapat ako ni mark kaso ang sabi ko lalo akong mapapalayas ni daddy.
"Mom,dad." Saad ko pag pasok ng bahay, Iyon pa lang ang na sa sabi ko halos himatayin na ako sa kaba.
"Sinong nag sabi sa'yo na umalis ka ng hindi nag pa paalam sa magulang mo ashley!" sigaw ni daddy na ikinaiyak ko na sa kaba.
Alam ko naman na mali ako na hindi ako nag paalam sa kanila ngunit makailang tawag na kasi ang na gawa ko ay hindi nila ako sinasagot tapos kapag sinagot nila sa sabihin na mamaya na dahil busy sila, Ngunit alam kong ako pa rin ang mali dahil ako ang anak required ba na kapag anak ka mali ka lagi?

BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
Chick-LitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21