20

108 0 0
                                    


Ilang linggo na lang ay balik klase na naman kaya inaya ako ni mark na gumala ngayon hindi ko alam saan ang punta namin pero pumayag na lang ako kaso hanggang 6pm lang ako pwede dahil pinapauwi ako nila mommy sa bahay.

Iyong masungit na abnormal na liam simula nung nakaraan ay hindi ko na siya na kita nag pa pasalamat ako roon pero yung susi ng unit ko hindi niya ibinalik sa akin, Argh!

Palabas na ako ng unit ng mag ring ang cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon, Si janine ang tumatawag.

"Hi, Bakit?" Sagot ko tska nag patuloy sa pag labas naka maong shorts ako at v-neck shirt ang init naman kasi.

"Saan ka?" Inayos ko muna ang cellphone ko tska nag lakad uli patungo sa elevator asa baba na raw si mark.

"Paalis bakit may kailangan ka ba?" Agad kong pinindot ang button ng elevator.

"Saan punta mo?" Ang dami namang tanong nito interview ba ito.

"Hindi ko pa alam eh inaya lang ako ni mark." Saktong bumukas na ang elevator natanaw ko na rin si mark sa may lobby.

"Ah ganoon ba sige, Ingat ka." Agad niyang binaba ang tawag hindi manlang nag ba bye.

"Hi, Babe!" Bati ko at agad siyang yinakap.

Hinalikan niya ang noo ko at pinasadahan ang suot ko.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Kunot noong puna niya sa suot ko, Tinignan ko ang damit ko okay naman.

"Mag pantalon ka kasi ku commute tayo." Kasi naman hindi niya agad sinabi!

"Ikaw naman kasi hindi mo sinabi kung saan tayo pupunta hindi ko alam ang susuotin ko!"

Maktol akong bumalik sa elevator patungo sa unit ko.

Nag palit ako ng pantalon na highwaisted jeans at tinuck in ko ang v-neck shirt ko color black iyon ang nakalugay kong buhok na hanggang bewang ay itinali ko ng pony tail dahil mainit.

"Okay na ba?" Tanong ko kay mark ng makababa ako.

"Ayan ganyan ang ganda mo naman! Potek amputi mo nakakatakot kang paarawan." Agad niyang hinawakan ang kamay ko kinuha rin niya ang shoulder bag ko at dinala iyon.

"Nakakahiya sa gluta mo ang araw." Saad niya nag lalakad kami patungo sa sakayan ng jeep.

"Hoy hindi ako nag gu gluta!" Agad kong angil.

"Sa intramuros tayo mag street food date tayo roon." Sabi niya pag sakay namin ng jeep ang puso ko naman ay tuwang-tuwa sa narinig ang huling punta namin doon ay yung unang commute ko.

"Yay, Excited na ako!" Umayos ako ng upo dahil may tumabi sa akin inilagay ni mark ang kaliwang braso niya sa bewang ko kaya ipinatong ko na ang ulo ko sa balikat niya.

Nang makababa ay kinabahan na naman ako dahil mag hihiwalay kami ni mark sa entrance ng sakayan ng train. 

Syempre punuan na naman ang sakay nanalangin na lang ako na huwag ako atakihin ng hika.

"Bukas daw labas tayo ah na basa mo ba sa gc?" Tanong ni mark asa likod ko siya para raw walang makadikit sa akin.

"Oo, Kanina lang." Nag-aaya sila layla na kumain sa labas bukas dahil daw malapit na ang pasukan.

"Hindi ako makakasabay ng dinner sa'yo malamang isasabay na naman ako nila mommy kailangan 6pm asa bahay ako." 

"Opo, Noted madam." Hinalikan niya ang buhok ko kaya nag wala na naman ang tyan ko baka matae ako rito sa kilig.

Pag dating sa intramuros ay nag simba kami nag picture ng mapagod ay tumungo sa kaninan, Puro street foods dito ansaya.

Umupo na lang ako dahil si mark na raw ang bibili.

"Oh kain na." Inilapag niya ang pagkain namin sa table umupo siya sa katapat ko.

 Sa kalagitnaan ng pagkain na isipan kong mag tanong kay mark.

"Babe, Gusto mo ba na bumalik sa puder ng magulang mo?" Tanong ko matapos isubo ang isaw ng baboy.

"Hmm, Syempre oo sino bang ayaw ng buong pamilya?" ang kalat niyang kumain kaya pinunasan ko ang bibig niya.

"Nakakausap mo pa ba sila?" Takang tanong ko tska uminom ng mineral water may shake rin na binili si mark.

"Hindi na, Ni hindi nga ako binabati noong mga iyon huling usap nila sa akin noong pinalayas na nila ako sa bahay." Grabe naman ang pinagdaanan ni mark.

"Ganyan din si daddy ayaw ng may bagsak na grades dahil ililipat niya ako sa business ad ayaw ng hindi ako kasama sa DL, Ano ba meron sa mataas na grade eh ang mahalaga naman pumapasa ka ang mahalaga umuusad ka sa totoo lang nakakapagod ma pressure parang nag-aaral na lang ako dahil kailangan ko iyong pagiging DL hindi para matuto ako."

"May mga magulang talaga na mahalaga ang pangalan nila kaya gusto nila may ipagyayabang sila na asa Dean's lister ang anak ko, magna cum laude iyan pero hindi nila alam gaano iyong hirap na dinanas ng anak nila makuha lang iyon para sa kagustuhan nila, May mga tao naman na kapag walang na kuha sa school wala na rin pake ang magulang magagalit pa kasi may palakol hindi ba nila na isip na mas mahalaga na makapasa ang anak nila?" 

"Kaya ako hindi na ako umasa na mapapasama ako sa mga DL Dahil hindi ko talaga kaya baka sa ibang paraan ko na lang idadaan kung paano ako tatanggapin ng magulang ko." Bakas sa boses niya ang sakit.

Matapos namin kumain at mag kwentuhan nag ikot pa kami ng saglit at umupo sa may tanaw ang pag lubog ng araw.

Sa kalagitnaan ng pag hanga ko sa pababang araw ay may isinuot na kwintas si mark sa akin kaya napatingin ako roon butterfly ang pendant ang ganda!

"Happy monthsarry, Mahal." Hinalikan niya ang noo ko kaya na pa isip ako shocks! Nakalimutan ko.

"Omyghad! Monthsarry ba natin nakalimutan ko." Pag mamaktol ko nung mga ibang monthsarry kasi namin kumakain lang kami walang pa regalong ganito gusto ko kasi kapag isang taon na lang kami.

"Okay lang, Nagandahan lang ako sa kwintas kaya binili ko para sa'yo." Nakangiti niyang saad.

Inaya niya na rin ako umuwi dahil anong oras na baka raw pagalitan ako, Pumayag na ako dahil paniguradong kapag na late ako ng uwi pagagalitan ako ni daddy at mommy.

"Bye,Babe." Hinalikan niya ang noo ko, hinatid niya ako sa condo dahil kailangan kasama ko si kuya bert patungo sa bahay.

"Bye, Thank you. I love you!" 

"I love you." Kumaway siya kaya pumasok na ako sa condo.

Tinawagan ko na lang si kuya bert sa lobby na ako nag antay dahil tinamad na ako pumunta sa unit.

"Hey, There my future wife saan ka galing?" Kunot noong hinarap ko si liam kasama si kuya bert bakit nandito na naman yan!

"First of all don't call me your future wife, Because i will never be your wife." Agad kong inaya si kuya bert at tinalikuran siya iritang-irita na ako sa kanya.

"Dream on little girl kahit ikutin mo ang mundo magiging akin ka." Bulong niya sa likod ko kaya mas lalo akong nairita.

Nag pauna siyang mag lakad argh! bakit ba kasi antaas mangarap niyan.

"Kainis!" Irita akong sumakay sa back seat ng sa sakyan at syempre andoon din ang pa epal inirapan ko lang siya habang nakangisi siya mukhang tuwang-tuwa sa ginagawa niya sa akin.

Susumbong ko talaga kay daddy iyan.











My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon