Kasabay ng kadiliman at malakas na ulan ang pag bagsak ng luha ko at pag hikbi ko asa kwarto na ako umiinom na naman ito na siguro ang huli ano?
Kaya ko ba ng wala siya? Makakaya ko ba na mawala ang taong naging tahanan ko noong mga panahon na wala akong tahanan, noong mga panahon na wala akong makapitan.... noong mga panahon na nalulunod ako sa sarili kong luha kaya ko ba?
Nakakatawa lang isipin na tinatanong ko pa sa sarili ko ang mga iyan kahit alam kong alam ko na ang sagot na hindi ko kaya pero kailangan kong kayanin.
Nilaklak ko muli ang laman ng bote na alak walang pake kung maubos ko, Nagulat ako ng biglang may mag bukas ng pintuan ng kwarto ko bumungad doon sila maxine at layla na halatang nag aalala agad silang tumakbo at niyakap ako kaya napahikbi na naman ako.
hindi sila nag tanong kung ano ang nangyare hindi ko rin alam bakit sila na rito dahil hindi ko naman sila tinawagan or tinext. Uminom lang din sila sinabayan nila ako hanggang sa makatulog ako.
____
Ito na ata ang pinaka pinaka ayaw ko na araw sa buhay ko, ang araw kung kailan ang kasal hindi ko pa nakikita si mommy sabi ni daddy susunod daw kailangan ko si mom ngayon dahil nanghihina akong talaga magang-maga pa nga ang mga mata ko dulot ng ilang araw na pag iyak at pag lalasing ko hindi naman ako iniwan nila maxine at layla sa mga araw na iyon.
Inaayusan na ako ngayon pero wala talaga akong gana.
"Para ka namang namatayan! Buti na lang at maganda ka madadaan sa ganda ang lahat." Ani ni ate girl na nag aayos sa akin ngumiti lang ako ng pilit.
Habang papalapit ang oras mas lalo akong natatakot mas lalo akong nanlulumo ikakasal ba talaga ako? Totoo ba talaga.
Maya-maya ay pinatawag na ako hudyat na mag sisimula na ang kasal at totoo nga na nangyayare ito.
Wala akong na gawa kundi sumunod sa kanila para akong lantang gulay na nag lalakad pa tungo sa pinto ng simbahan.
"Pag bumukas po dahan-dahan po kayong mag lakad na." Ani ng lalaki sa gilid ko.
Pwede ka pa tumakbo ashley at habulin is mark..... Pero hindi na pwede dahil gaya ng sabi niya masaya na siya.
Bumukas ang pintuan na asa harap ko napahigpit ang hawak ko sa bulaklak nakita ko agad si liam sa dulo si daddy na nag aantay sa akin at halatang balisa, wala si mommy.
Sa pag lalakad ko ay pag bagsak ng mga luha ko na kita ko pa si mark kasama ang parents ni liam at ang tita niya kasama ang mga anak nito ewan ko bakit sila mag kakasama at hindi ko rin alam bakit na rito si mark at ang tita niya eh hindi naman kilala nila dad iyan at ang pamilya nito talaga bang naka move on na siya sa pinag samahan namin at na sikmura niyang tumungo rito.
Agad na akong kinuha ni dad halata mo sa kanya na hindi siya mapakali gusto kong itanong asan si mom pero baka bumuga na ng apoy ito hindi ba siya masaya? Ikakasal na ako ibig sabihin aangat uli ang company niya.
Kinuha na ni liam ang kamay ko gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa gusto kong bumitaw ngunit ayaw ng sistema ko sa huling pag kakataon nilingon ko si mark walang ekspresyon ang mukha niya ulti mo ang mga mata niya wala kang mababakas na sakit ganoon lang ba ako kadali kalimutan? Hindi mo ba talaga ako ipag lalaban sa huling pag kakataon?
Mag sa salita na sana si father ng may pumasok sa pintuan ng simbahan iyan na ba iyong sisigaw ng itigil ang kasal? Kanina ko pa inaantay iyan.
Ngunit ng luminaw ang itsura niya ay nakita ko si mommy tinakbo niya ang distansya namin at hinatak ang kamay ko nagulat ako kaya nabitawan ko ang bulaklak tinakbo niya ako na rinig ko pa ang sigaw ni daddy na tinatawag si mom pero sumakay kami sa helicopter hindi ko kinaya na may helicopter sa tapat ng simbahan hinihingal pa kaming pareho ng sumakay rito hinabol kami ni daddy pero na huli siya dahil naka angat na ang sinakyan namin.
Lumingon ako kay mommy na umiiyak habang hawak ang kamay ko.
She was my savior akala ko matutuloy iyong kasal na iyon.
"S-sorry anak.... Sorry." Umiiyak niyang saad at niyakap ako kaya sabay-sabay na naman bumagsak ang luha ko.
"Ayoko kong magaya ka sa akin sa amin ng dad mo na ikinasal lang dahil ginusto ng magulang namin." Ani nito.
Oo, Arranged marriage sila ni dad hindi nila gusto ang isa't-isa pero wala silang nagawa lalo si dad dahil kailangan nila ang pamilya ni mom noon.
"Ayoko iparanas sa'yo ang naranasan ko dahil hindi ko kaya." Humihikbi niyang saad kaya inalo ko siya.
"Mom, Okay na nagawa mo na itakas mo ako." Sabi ko.
"Nakuha mo ako." Saad kong uli.
Sila mommy ay mayaman talagang ang dami na nilang ari-arian noon pa man hindi kopa nakikita ang lolo at lola ko sa side ni mom and dad dahil ayaw ng parents ni mom sa akin ewan ko bakit.
"Kahit ilang taon na kaming nag sa sama ng daddy mo hindi nag work ang relationship namin nag kakaroon siya ng ibang babae ganoon din ako umuuwi lang kami sa bahay para ipakita sa magulang namin na nag sasama kami." Hindi ko alam iyon akala ko okay sila.
"H-hindi ko alam paano ko sa sabihin sa'yo ito pero hindi talaga ang daddy mo ang kinakasama ko noon, Matapos kaming ikasal ay nag patuloy ang pag papanggap namin may girlfriend siya may boyfriend din ako umuuwi lang kami sa bahay namin kapag pupunta ang magulang namin."
Hindi nag po-proseso sa utak ko ang sinasabi ni mommy hindi ko alam na ganoon ang pinag daanan niya.
"Nabuntis ako noong boyfriend ko gusto niya akong itanan pero sobrang daming kapit ng magulang ko noon sa kahit saang lupalop kaya hindi namin magawa nanganak ako kambal dalawang masisigla na lalaki..... Ngunit nung nalaman ng lola mo iyon ilang buwan lang ang lumipas ay halos patayin niya na ako buntis ako sa'yo ng pinag hiwalay nila kami noong tatay mo...."
"Iyong totoo mong tatay...."

BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21