15

118 0 0
                                    


"Bakit na ka busangot ka?" Tanong ni janine pag labas niya ng cr tapos na siya mag half bath.

"Wala, Mag pahinga ka na dyan ako naman ang mag ha half bath." Tska ako tumungo sa cr.

Matapos ko ay naka upo lang si janine sa kama.

"Sorry ha puro ganyan talaga pantulog ko eh." Pinahiram ko sa kanya ang isa sa mga pantulog ko dahil wala siyang damit pero puro disney princesses nga lang ang pantulog ko.

"Tapos bukas may uniform ako dyan maluwag sa akin baka kasya sa'yo iyon na ang gamitin mo." Pag papaliwanag ko habang nag aayos ng buhok may mga new undies dahil nag pa bili ako kanina para sa kanya ayaw lang ni janine mag pabili ng damit.

"Hindi ka ba mag tatanong ano ang problema ko?" Humarap ako sa kanya tska umupo sa tabi niya.

"Hindi, Dahil alam kong hindi ka kumportable na sabihin tska ang mahalaga sa akin ay tinawagan mo ako para patuluyin ka ngayong araw." Nakangiti kong saad.

May mga pasa pa rin siya ang maikli niyang buhok ay hindi natatakpan ang sugat sa kanyang leeg nag aalala man ako pero ayoko naman itanong baka masyadong pribado iyon.

"Masaya ka ba sa course mo?" Tanong ni janine, nakahiga na kami naka tingin sa glow in the dark kong stars sa kisame may ganyan din sa kwarto ko sa bahay kaya buti at nilagyan din ni mommy iyan kasi ang pampaantok ko.

"Oo, Pangarap ko talaga ito." Ngunit hindi pangarap ng mga magulang ko ipinipilit nila ang pag b-business ad ko kaya lang ako nakapag tourism sa kasunduan na dapat lahat ng grade ko ay uno simula 1st year college hanggang sa 4th year.

"Diba may business kayo? Buti hindi ka pinag business ad." May pag tataka sa tono niya.

"Kapag nag karoon ako ng mababa sa uno malamang doon ang bagsak ko." 

Mahirap? Oo mahirap kasi gusto ko naman mag aral nang walang iniisip kung makakakuha ba ako ng uno kapag ito ang ginawa ko kapag ito ang sinalihan ko kapag ito ang sinagot ko lagi na lang kasing may ganoon. Ngunit ano nga ba magagawa ko? Magulang ko ang nag pa paaral sa akin anak lang ako.

Hindi na nag salita si janine siguro ay tulog na siya, Madilim na kasi tanging liwanag sa mga glow in the dark ang nakikita.

Pumikit na rin ako dahil inaantok na ako, alangan naman matulog ako ng dilat.

"Hindi ko rin gusto ang kurso na ito." Nagulat ako ng mag salita uli si janine akala ko tulog na ito.

"Kailan kaya tayo magiging malaya alam mo naiinggit ako sa mga taong may mga supportive na magulang pero masama ang mainggit ngunit anong magagawa ko gusto ko maging malaya gusto ko maging ako." Hikbi na niya ang sunod kong na rinig kaya na alarma ako.

"Sshh, Alam mo balang araw makakalaya rin tayo. mahirap mag tiis mahirap mag panggap pero sa akin hindi mo kailangan ang salitang pag pa panggap handa akong suportahan ka, Hindi man ako ang magulang mo pero kaibigan kita handa akong suportahan ka sa lahat ng bagay hanggang sa maging malaya ka na." Hinimas ko ang likod niya habang naka akap siya sa akin nakahiga pa rin kami naiiyak na rin ako ayoko ng may umiiyak.

Mahirap maging malaya sa mundong ito.

Patuloy siyang umiyak hinayaan ko lang siya at niyakap alam kong ito ang kailangan niya.

 Nakatulog kaming ganoon na gising ako sa liwanag may malaking glass window rito dahil gusto ko tanaw ang city lights, Wala na rin si janine sa tabi ko kaya tumayo na ako at nag tungo sa cr para maligo.

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon