10

162 2 0
                                    


Huli na pala ang yakap na iyon sana hinabaan pa namin ang group hug na iyon.

Ilang buwan simula ng mawala si matt kasabay noon ang pag-alis ni maisy kasabay rin noon ang sunod-sunod na gulo sa aming tahanan, Tahanan pa nga ba kung tatawagin ang bahay na hindi mo makita ang pahinga mo.

2nd year college na kaming lahat ilang buwan na simula ng mag simula ang klase, si maisy nalaman namin na asa new york isa na siyang sikat na modelo roon andaming pangyayari ngunit isa lang ang pinag dadasal namin na sana okay siya at umuwi pa siya.

"Hoy, Lalim iniisip mo." agaw ni janine sa atensyon ko lalo siyang gumanda sa gupit niya sobrang ikli nga lang ng gupit niya para na siyang lalaki pero ganda pa rin.

natapos ang klase na wala akong naintindihan.

"Lumilipad utak mo kanina pa, may problema ka ba?" Tanong ni janine habang nag aayos ako ng bag ko.

"Hindi naman lumilipad wala naman pak-pak 'to." seryosong tugon ko, tska pag lumipad edi sana na kita namin.

Bumuntong hininga siya at umiling.

"Uwi na ako ha antok na ako eh." Paalam ko tska ako kumaway si mark asa labas ng room inaantay ako ganyan na kami simula nung mag 2nd year may sundo pa rin naman ako hinahatid lang ako ni mark hanggang kotse.

"Bakit sad ka?" Tanong niya tska kinuha ang bag ko na kita ko pang nakatingin sa amin si janine kaya kumaway ako ngunit nginitian lang niya ako.

"Pagod lang." Hindi ko rin naman talaga alam bakit ako ganito siguro pagod lang o baka dahil nababahala ako na pag uwi ko ay nag aaway na naman sila mom and dad.

Nakauwi ako sa bahay halos makahinga ako ng maluwag nang walang nag aaway dahil wala sila mom.

Matapos ko mag half bath na tulog ako saglit gumising ako ng 6pm para kumain tinawagan na rin ako ni mark.

"Labas ka, May milktea ka tska chocolate kunin mo sa guard niyo." Bungad niya.

"Paano mo nalaman? Ka text mo ba guard namin?" Tanong ko.

"Hindi, akin galing iyon." Halos mag tatalon ako sa tuwa ng sinabi niya iyon kaya agad akong lumabas at kinuha ang sinasabi niya.

"Woah! Thank you!" Comfort food ko ito parehas ang milktea at chocolate alam na alam ni mark kung kailan ko ito kailangan.

"Kumain muna tayo kanin bago ka kumain niyan." 

Ganon ang ginawa namin kumain kami matapos nun ay bumalik ako sa kwarto dahil pinapa kwento ni amrk bakit ako malungkot.

Parang bestfriend ko na si mark kaya magaan ang loob ko sa kanya, Tska yung panliligaw na sinasabi niya lagi niya ginagawa halos araw-araw niyang sinusubukan na gawin lahat mapatawa lang ako  for me ang panliligaw ay iyong kaya ka niyang samahan sa lungkot at sa saya ng buhay mo and nagampanan ni mark iyon kapag malungkot ako andyan siya para patawanin ako kapag masaya ako nandyan pa rin siya.

"sila mom kasi lagi na lang mag kaaway." Panimula ko tska sumipsip sa milktea ko at umupo sa study area ko.

"Natural sa mag asawa ang mag away kaya huwag ka na malungkot." Hindi talaga ipag ka kait na gwapo si mark wala siyang ginagawa niyan ha nakatingin lang sa camera at nakaupo sa kama niya pero grabe ang dating.

"Almost everyday ano iyon vitamins?" 

"Oo, Ang mag asawa hindi puro sweet lang kailangan niyo mag away para balance." Napa isip ako sa sinabi niya pero kasi sila mom simula nung matapos ako mag 1st year college ay nag aaway na haynako.

"Sabagay." Maikling tugon ko habang umiinom.

"May pick up line na lang ako dali para masaya ka na." Maligalig niyang saad.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at napa tango.

"TEA ka ba?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi." Tao ako kaya.

"Sabihin mo na lang bakit." Saad niya na umiiling pa.

"Bakit?" Kahit nag tataka ay sinunod ko na lang ang sinabi niya.

"TEAnamaan na kasi ako sa'yo." Ngiti-ngiti niyang saad.

Halos mag init naman ang pisngi ko.

"Isa pa lang iyan namumula ka na agad." saad niya habang tumatawa.

"Isa pa!" atat kung saad.

"Ehem, ehem... May lahi ka bang keyboard?" inaangat angat pa niya ang kilay niya.

"Bakit?"

"Type kasi kita." Nag pa cute pa siya sa camera kaya feeling ko kamatis na ako sa sobrang pula ko.

"Last na, Pizza ka ba?" 

"Bakit?" Yung puso ko ay parang kakawala na sa dibdib ko.

"Crust kasi kita, HAhAAHAHAHAH!" 

ako naman ay uminom ng tubig upang kumalma ang tyan at puso ko.

"ayoko na! Parang may kung ano sa tyan ko baka matae ako." saad ko matapos uminom ng tubig.

Si mark naman ay tumatawa lang.

"HAHAHAHAHA! Butterfly iyon." Kinunutan ko siya ng noo.

"Sira ka ba! Bakit may paro-paro sa tyan ko?!" Halos mamatay na siya kakatawa kaya hinayaan ko muna siya.

Nang matapos siya kakatawa ay uminom siya ng tubig ako naman ay na curious sa buhay niya sa tagal naming mag ka kilala hindi ko pa nakikita ang nanay at tatay niya.

"Mark, asan nanay at tatay mo?" Ngunit nagsisi ako sa tanong ko ng makita ang lungkot sa mata niya.

"Ohmygahd! Huwag mo na nga sagutin mag laro na lang tayo rito sa messenger o kaya nood tayo movie." Pag bawi ko dahil natakot ako sa lungkot ng mata niyang ngayon ko lang nakita.

Mahirap basahin si mark dahil lagi siyang masaya ngunit ngayong nakita ko ang mata niyang iyan ay parang nagsisi ako sa tanong ko at ayoko na makita ang ganyang mata dahil nasasaktan ako kapag malungkot siya.

"Ito mukhang magandang movie 'to eh." Saad ko habang nag hahanap ng movie kahit hindi ko naman alam kung maganda talaga ito mukha kasing interesting, 365 days ang nakalagay pipindutin ko na sana ng pigilan ako ni mark.

"Huwag iyan." Saad niya.

"ayaw mo?" Tanong ko.

"Hindi pwede sa'yo iyan,Hanap ka iba." Sinunod ko naman ang sinabi niya kahit naiintriga ako ano ba iyong palabas na iyon tska na nga lang.

Nakakita ako ng disney si rapunzel kaya iyon na ang pinindot ko dahil pumayag siya mahilig ako sa disney princess kahit pang sampung beses ko na napanood ang tangled ay gandang-ganda pa rin ako.

Kung makikita niyo ang kwarto ko ay puro disney princesses ulti mo mga pantulog bed sheet name it lahat iyan disney princesses ulti mo undies ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni mark matapos ang palabas.

"Wala lang ang ganda kasi, Na kita niya yung magulang niya matapos siyang ikulong roon ng bad niyang nanay nanayan."

Matapos kong umiyak ay nag paalam na kami sa isa't-isa dahil 12am na may pasok pa bukas.

Wala pa rin sila mom and dad pero alam kung asa trabaho sila sana ay ayos na sila nakakarindi na kasing marinig ang pag aaway nila at nasa saktan ako sa tuwing naririnig ko silang ganoon.













My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon