"Sama kayo? Punta ako divisoria may mga needs ako na kailangan bilhin mas mura kasi roon." Tanong ni layla habang kumakain kami sa karendirya kumpleto kami si maisy at matt lang ang wala nakakamiss.
"Wahhh! Gusto ko roon madami raw bilihin doon!" Sabat ko naman kaso naalala ko ang driver ko.
"Sama tayo?" Tanong ni mark sa akin.
"Naalala ko si kuya bert." Sagot ko kaya napatingin sila sa akin.
"Ipapaalam na lang kita." Halos mag tatalon ako sa tuwa hindi ko alam paano napapayag ni mark si kuya bert pero ang mahalaga pumapayag.
"Mauna na kami ni maxine may pupuntahan pa kami eh, Ingat ha." Saad ni dave kaya bineso na namin si maxi niyakap ko naman si dave.
"Ako rin may project pa akong gagawin, Sorry bawi ako next time." Saad ni calvin tska kami niyakap ni layla inapiran naman niya si mark.
"Ang ending apat lang kami pangit niyo ka bonding ha! Ingat kayo labas ulit tayo after finals." Saad ni layla, Na sinangayunan at tinawanan ng lahat.
Kaming apat na lang ang na iwan si mac, layla, ako at si mark na lumabas para kausapin si kuya bert sana mapapayag niya gusto ko rin mag commute ulit.
And yes pumayag si kuya dahil wala naman sila mom asa ibang bansa sila hindi ko alam kailan ang uwi.
"sanay ka ba mag commute?" Tanong ni layla.
"Isang beses pa lang ako nakakapag commute pumunta kami sa intramuros ni mark." Saad ko habang nakahawak sa braso niya.
Alam naman na ng mga kaibigan namin na nanliligaw si mark sa akin kaya hindi na sila nag tatanong pa.
May kotse si layla pero iniwan niya rin dahil daw mahirap ang parking tapos nakakatamad daw mag drive.
Habang nag aantay ng jeep si layla at mac ang mag kasama ako naman si mark ang kasama ko.
"Akin na ang bag mo para hindi ka mahirapan." Saad ni mark kaya agad ko itong ibinigay sa kanya.
Nakasakay kami sa jeep agad 5pm na ngunit maliwanag pa rin maaga kasi ang uwi naming lahat kaya na isipan namin na kumain ng sabay-sabay kanina.
Ilang oras ang lumipas ng ginising ako ni mark nakatulog ako sa balikat niya.
"Ashley, Huwag kang bibitaw kay mark ha madaming tao rito." Paalala ni layla na tinanguan ko.
"Hawakan mo na ang cellphone at wallet mo." Dagdag ni mac.
"Hindi ko dala phone ko pero may wallet ako hehe." Naiwan ko ang phone ko sa side table ko sana nga ay may nag hugot nun sa saksakan dahil naka charge iyon.
Kinuha ko ang wallet ko tska ito inilagay sa bulsa ko.
Ang dami ngang tao pero ang saya kasi ang daming bilihin na wala na rin sila layla mag t-text na lang daw sila kay mark kung saan kami mag kikita mamaya.
"Humawak ka lang sa kamay ko ha." Saad ni mark habang nakahawak sa kaliwang kamay ko dala niya ang bag naming dalawa ang bag niya ay asa likod niya ang akin ay asa harap.
Hindi naman gaano kasiksikan kaya nakakatingin pa ako sa paligid ng makita ko ang disney princesses na laruan ay tila nag liwanag ang buhay ko.
"Ohmyghad! Bilhin natin iyon dali tara!" Hinatak ko si mark papunta roon.
Isang set iyon ng mga malilit na disney princesses kumpleto sila kaya halos maiyak ako.
"Wala ka namang kapatid na bata" saad ni mark.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21