21

89 0 0
                                    

Lumipas ang buwan, asa kalagitnaan na kami ng 3rd year college, Nung nakaraan ay nag dinner lang kami nila mom and dad kasama iyong liam asungot na iyon ewan ko bakit namin siya kasama kada mag tatanong ako umaalis si daddy, si mommy naman si daddy raw ang mag sa sabi, Tsk!

Sa lumipas na buwan ganoon pa rin kami ni mark lumalabas kami kapag may free time naka punta na rin siya sa condo noong hinatid niya si kitty sa condo na ako umuuwi dahil lagi naman wala sila mom sa bahay himala na lang ngayon dahil hindi sila umaalis ng bansa, Hindi pa rin ako na aalis sa DL kaya laking pasalamat ko.

"Hoy, Partner tayong dalawa para sa project." Agaw ni janine sa atensyon ko asa klase kami ngayon.

Matapos ang klase ay nag kita-kita kaming mag ka kaibigan malapit sa school na kainan nang street food.

"Hoy akin iyan ako kaya nag bayad!" angal ni mark nag aagawan silang dalawa ni mac doon sa fishball.

"Kapal mo naman wala pa ngang nag ba bayad!"

"Hoy 'wag nga kayo maingay!" Suway ni layla, Dahil silang dalawa lang ang maingay nakigulo pa si calvin.

Ako naman ay kumakain lang nakakamiss si matt at maisy, Nung nakaraan din na nag kita kami mag ka kaibigan ay sa puntod kami ni matt kumain.

"Kumusta buhay?" Tanong ko kay layla at maxine mag ka kasama kaming girls ang mga boys ay nag tatalo si dave lang ang umaawat siya lang matino si calvin din ay nakipag talo na kayla mark at mac.

"Ako, Ito kinakaya ang bawat araw." Saad ni layla tska sinubo ang kwek-kwek.

"Lahat naman tayo ganoon, Pero huwag kayo mahiya mag open sa amin kapag 'di niyo na kaya handa kaming makinig."  Gatong ni maxine.

Matapos namin kumain ay nag si uwi na rin kami dahil alasais na.

Pag pasok sa condo ay parang gusto ko na lang umalis uli dahil andito na naman si liam.

"Wala ka bang bahay?" Inis na tanong ko pag tapat sa harap niya.

"Meron, Pero pinapasundo ka ng tatay mo sa akin." Argh! may driver naman ako bakit kailangan sunduin pa!

Inirapan ko siya at tumungo sa kwarto ko para mag palit nag oversized hoodie lang ako at short ang bun na buhok ko kanina ay naging messy bun na dahil kanina pa ito ganito lang ang ayos ko dahil sa bahay lang naman at kay kuya bert ako mag papahatid bahala iyang liam na iyan.

Habang asa kotse tinawagan ko si mark na mauna na siyang kumain dahil pupunta ako kayla mommy.

Pag dating sa bahay bineso ko agad si mommy at daddy.

"Asan si liam?" Tanong ni daddy.

"Dad, May driver ako kaya please huwag mo na istorbohin iyon para lang sunduin ako at please dad yung susi ng unit ko paki kuha na sa kanya ayoko na para siyang kabute na susulpot na lang bigla sa unit." Kalmado kong saad.

Speaking of kabute andito na naman siya jusko!

"Hindi mo siya pwede pag bawalan sa gagawin niya dahil malapit na kayo ikasal." Halos mabingi ako sa sinabi ni daddy.

"Ano uli?" Tanong ko dahil baka nag ka mali ako ng dinig.

"Ikakasal kayo sa ayaw mo at sa gusto." Tska niya ako iniwan si mommy na nakatingin lang sa akin, nang hihingi ng tawad ang kanyang mga mata si liam na nginitian ako.

Ikakasal, Ako sa kanya?! Hindi ko siya mahal at may boyfriend ako!!!

"D-dad, Ni hindi ko nga kilala ito kaka kita lang namin tapos ipapakasal mo ako sa kanya ni bawal nga ako mag boyfriend tapos asawa agad?!" Sunod-sunod kong saad habang nag lalakad patungo sa dinning kung asaan si daddy.

"Sinabi ko ba na bawal ka mag asawa?" Irita niyang saad.

Wow! Just wow...

"Kung ganon ako ang pipili nang asawa ko!" Napalakas na ang boses ko kaya mas lalong nag apoy ang mata ni daddy.

"Sino ka para sigawan ako?! Susundin mo ako dahil ako ang nag papalamon at nag papaaral sa'yo!" Sigaw niya sa harap ko pinipigilan na siya ni mommy.

"D-dad buong buhay ko inalay ko na sa inyo ni mommy dad ito na lang ang hiling ko ang sundin ang sarili kong puso." Umiiyak kong saad.

"Anong alam mo sa pag mamahal ha?! Huwag kang sumuway sa utos nang magulang mo tandaan mo utang mo ang buhay mo sa amin!" Hindi ko kinaya ang sinabi niya kaya nag walk out na ako lumabas ako ng bahay hindi inalintana ang napakalakas na ulan.

Tumakbo ako hanggang sa hindi ako maabutan ni kuya bert at ni mommy bahala na kung saan ako dalhin nang mga paa ko.

Kailan ba ako magiging malaya rito? Lagi na lang bang sila paano na ako, paano ang sarili ko?

Nakarating ako sa isang madilim na lugar hindi ko alam saan pero na upo na lang ako sa may bench kahit na umuulan, Buti at dala ko ang inhaler ko.

Tumawag na lang ako ng grab gusto ko na lang makauwi sa condo ayoko na muna makita sila daddy parang hindi ko pa kaya, Bakit pati iyon pakikialaman nila ano ba ang kasal sa kanila laro lang?

Laking pasalamat ko at nakakuha ako ng grab first time kong sa sakay sa ganito kaya bahala na.

Nakarating naman ako sa condo ng maayos buti at dala ko ang wallet ko, Pag pasok ko sa unit walang ni isa sa mga kasambahay ang kinausap ko kinulong ko ang sarili ko sa kwarto ko at doon umiyak nang umiyak.

Kinabukasan puro tawag ni mommy ang asa cellphone ko hindi ko na lang pinansin nag ayos na ako upang pumasok.

Sa kalagitnaan ng klase nag text si daddy na pumunta ako sa bahay mamaya kundi ay itatakwil na nila ako, Sa takot ko ay sinunod ko iyon kaya hindi na naman kami naka labas ni mark.

Pag pasok sa bahay ay sa sala ako pina diretso ng mga kasambahay na roon daw sila.

"Iyan na pala si ashley." Boses iyon ng nanay ni liam, Ano na naman ba.

"Maupo ka na rito." Maotoridad na saad ni daddy ang mga mata ni mommy na sa akin naka tuon bakas ang awa.

"So nakapag plano na ba kayo kailan ang kasal? Pag tapos ng kasal tska namin ibibigay ang share namin sa company niyo." Saad nung tatay ni liam kay dad.

Binenta ba ako ni daddy at mommy para sa company nila?

"Kami na mag uusap ni ashley about doon." Saad naman ni liam.

Gusto ba talaga niya ikasal kami? Kahit hindi kami mag ka kilala ibang klase talaga pag pera ang gumagana para na lang akong laruan dito na binenta.

Hindi na ako na kapag salita gusto ko umiyak at tumutol ngunit anak lang ako.

Paano si mark? Kung tumakas na lang kaya ako umalis kasama siya? Pero hindi ako mayaman at malamang i ka cut ni daddy ang allowance ko.

"Pag tapos sa 4th year ni ashley, Tito iyon po ang kasal namin." Saad ni liam akala ko ba pag uusapan namin bakit siya lang ang nag isip nun!

Matapos ang usapan na iwan kami ni mommy sa sala dahil hinatid ni daddy sila liam sa labas.

"A-anak, Sorry." Mahinang saad ni mommy na nag patulo sa luha ko, Bakit kailangan ganito hindi ba pwede ako naman ang masunod sa buhay ko.

Ako naman sana....













My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon