01

945 9 1
                                    

"Hoy, Meira ambagal mo naman!" Siya si mark ang lalaking isip bata.

First day namin ngayon bilang college tourism ang kinuha ko dahil iyon na ang pangarap ko noon pa man.

Pa pasok kami sa gate dahil hinatid ako ng driver namin kaya sa gate na lang niya ako inantay nag pa pahatid ako sa barkada namin sa room dahil kinakabahan ako.

"Ayan na sila tara na ash hatid ka na namin" Siya si maisy ang kambal ni matt JHS pa lang kami mag ka kaibigan na kami.

Si maisy at matthew ay parehas ng ugali jolly at makulit, Si mark naman isip bata at makulit din si maxine ang parang nanay seryoso lang ang buhay niya parehas sila ni dave si calvin naman ang unggoy sa braso ni maisy grabe kasi maka kapit akala mo naman mawawala si layla ang superhero tagapag ligtas iyan eh kapag may ng aaway sa akin noon lagi niyang inaaway.

Sila lang naman ang aking mga mahal na kaibigan iba't-ibang course ang tinatahak namin may nursing, culinary, business ad at ako sa tourism. Isa sila sa mga magagandang nangyare sa buhay ko isang magandang regalo sila sa akin.

"Hindi naman siguro nila ako ka kainin sa loob 'no?" Bulong ko kay mark at maisy. Malapit na kami sa room ko at mukhang aatakihin ata ako sa puso baka lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis niya.

"Bebe, hindi sila nangangain." Sabat ni maisy.

"Yung puso ko hindi ba lalabas ito hawakan mo dali!" Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa dibdib ko kaya napahinto ang lahat.

Mukha na silang matatae kakapigil nang tawa nila eh totoo nga mukhang lalabas na ang puso ko sa bilis ng tibok mamaya lumabas ito rito hindi ko alam paano ko ibabalik at siguradong 'pag lumabas mamatay ako, Sisihin ko talaga ang pag-aaral sa kamatayan ko.

"Ash, Hindi. huminga ka ng malalim para kang kinder na unang araw sa klase." Saad ni maxine.

"Kapag lumabas ang puso mo kukuhanin ko!" Sabat naman ni mark.

"Tss, Sige na ba bye na!" asa tapat na kami ng room ko hinalikan ni maxine,layla at maisy ang noo ko at yinakap naman ako ni dave,matt,calvin at mark.

"See u later baby ash!" paalam nila sa akin tska kumaway.

Pumasok ako sa room kaunti pa lang gaano ang tao dahil medyo maaga pa.

Umupo ako sa may bandang likod dahil nahihiya talaga ako wala naman gaanong nag uusap mukhang hindi rin sila mag kakakilala.

Lumipas ang oras padami na ng padami ang tao please lord kayo na po bahala sa akin kapag lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko.

"Hi, May naka upo na ba rito?" Napalingon ako sa nag salita na babae ako ba kausap niya?

Tumingin ako sa likod ko pader na iyon hindi naman siguro siya kumakausap ng pader ano?

Tumingin pa ako sa kaliwa at kanan ko ngunit wala rin ibang tao meron man nakatalikod sa amin dahil asa pinaka dulo ako umupo.

"Ikaw kausap ko." Nakangiti niyang saad sa akin.

"A-ah wala." Simpleng tugon ko eh kung sinabi niya agad na ako ang kausap niya na sagot ko sana siya agad haynako.

"Paupo ah." Tumango na lang ako hindi naman akin ang upuan na iyan bakit sa akin siya nag pa paalam dapat sa may-ari ng school siya nag pa paalam pero dapat ba mag paalam muna? Hindi naman eh upuan na ito para sa studyante.

"Halatang kinakabahan ka, ang cute mo! Ano name mo?" Sunod-sunod niyang salita habang nakaharap sa akin.

"Ashley, Ash na lang." Sagot ko.

"I'm Janine!" Mukha naman siyang mabait wala gaanong ayos ang mukha niya pero maputi siya short hair din siya maganda siya.

Matapos namin mag tanungan nang kung ano-ano ay dumating na ang unang prof kaya bumalik ang kaba ko nawala na nga kanina eh dahil napagaan ni janine ang loob ko.

Matapos ang ilang nag daan na subject puro introduction lang naman ay break na namin sinundo ako ni layla sa room kaya sumama na agad ako. Inaya ko si janine kaso ayaw niya nahihiya raw siya at hindi raw siya ka kain.

Hinayaan ko na lang ayoko na siyang pilitin.

"Kumusta may kaibigan ka na?" Tanong ni layla habang nag lalakad kami patungo sa cafeteria na roon na raw ang boys at iba.

Mas malapit kasi ang building nang nursing sa tourism kaya siya na ang sumundo sa akin.

"Meron si janine iyong katabi ko mabait naman siya madaldal nawala ang kaba ko dahil sa kanya." Pag ki kwento ko sa kaniya.

"Hi, baby ash how's your school?" Tanong ni mark na parang tatay, may kasama siya na lalaki.

"Siya si mac kaklase ko." Pag papakilala niya sa kasama niya.

Habang kumakain nag kwentuhan kami tungkol sa nangyare sa klase matapos noon ay bumalik na kami sa room si layla ulit ang kasama ko.

Si calvin,maisy,maxine at matthew ay business ad ang kinuha si dave ay culinary si mark ay engineering si layla ay nursing.

Kaya iba-iba kami ng building mas malapit sa akin si layla kaya lagi niya akong sinasabay.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay janine pag upo ko sa tabi niya.

"Yep, Dito na ako kumain tinatamad ako eh." saad niya naka hoodie siya kasi malamig na sa room naka lagay pa sa ulo niya ang nasa hoodie niya ang kamay naman niya ay asa loob ng bulsa.

Kung titignan mo siya para siyang lalaki pero magandang version ay ewan ko ba kung ano-ano naiisip ko.

Nang mag uwian ay sinundo ako ng driver namin sa bahay na nila maisy dahil nanood kami ng movie.

"Saan ka nag pu-punta" Tanong ni mommy pag pasok ko ng bahay.

Ohmyghad hindi ako marunong mag sinungaling sa sabihin ko ba sa kanya lahat kung saan ako nag pu-punta ngayong buong araw?

"Kanina pong umaga asa school ako ng mag break time po sa cafeteria tapos bumalik sa room after class kayla maisy po nag cr din ako sa bahay nila, sa pag kakatanda ko iyon lang naman po ang na puntahan ko buong araw ngayon." Sagot ko na medyo nag-iisip pa kung na sabi ko ba lahat.

Halos masapo niya ang noo siya sa sagot ko pero tumango na lang siya at hinalikan ang noo ko.

"Mag bihis ka na at kumain." Huling saad niya.

Si mommy at daddy ay may-ari ng company ewan ko ano iyon only child ako kaya strict sila kailangan may driver ako,sobrang strikto nila lalo na si daddy.

Kaya siguro akala ng iba inosente ako at baby hindi rin ako marunong mag sinungaling hindi ako marunong mag commute mag-isa. Ewan ko ba sa buhay ko iyon ako eh ganoon ako pinalaki masyado akong iningatan ng magulang ko dahil akala nila isa akong vase na kaunting sangga ay mababasag na.









My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon