17

125 0 0
                                    


"I-I mean kasi hindi ako naka sipot sa usapan natin." Utal kong saad kinakabahan ako, sa sabihin ko ba sa kanya na nag si selos ako? Pero paano kapag na galit siya at sabihing wala naman akong karapatan.

"Bakit ka umalis at hindi ako pinuntahan?" Seryosong tanong niya.

Mas lalo akong kinabahan hindi na alam ang isasagot, Bahala na.

"Eh kasi naman mag so-sorry ako sa'yo dahil sa na gawa ko, Hindi ko naman alam na ganoon ang makikita ko ayoko ng ganoon ayoko ng ganoong pakiramdam ang sakit nun ayoko." Hindi ko na pigilan ang mga luha kong nag unahan sa pag bagsak.

"A-ayoko nun." Huling saad ko bakas na sa mata ni mark ang pag aalala bago ako lapitan at yakapin.

"Sorry, Sorry huwag ka na umiyak hindi ko na gagawin iyon." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

Pakiramdam ko safe na safe ako at kung may anong nangyayare sa tyan ko at puso ko ganito ba ang pag mamahal?

"Pinuntahan mo ako nung umaga bakit 'di mo ako tinawag?" Tanong niya bumalik na siya sa pwesto niya at umokay na ako nag ha hain siya ng pagkain kaya natatakam na ako, Pares,isaw at madami pang street foods.

"Inantay kasi kita sa gate akala ko ay wala ka pa kaya para masiguro ko kung pumasok ka na sumilip na lang ako sa room mo." Saad ko at nag simulang kumain.

Namumula si mark kaya nag taka ako kung mainit ba eh ang lakas-lakas ng hangin.

"Kumusta naman ang buhay condo?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Hmm, Okay lang." Simpleng tugon ko dahil hindi ko rin alam kumusta nga ba masaya ba ako na wala sila mom and dad?

Matapos namin kumain umupo kami sa damuhan at tinanaw ang buwan at bituin.

"Pwede ba mag tanong?" Saad ni mark na asa tabi ko.

"Nag tatanong ka na may choice pa ba ako." Nginitian lang niya ako tska inirapan arte.

"Bakit ka na saktan sa na kita mo kanina?" Halos maibuga ko ang juice na iniinom ko sa tanong niya.

Matagal na rin namang nanliligaw si mark siguro naman may karapatan siyang malaman na nag si selos ako.

"N-nasaktan ako kasi nag selos ako." Simple lang ang sagot ko ngunit na utal pa ako.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya kaya natakot akong baka hindi niya na gustuhan ang sinabi ko.

"P-pero okay lang." Agad kong bawi.

"Nag si selos ka ibig sabihin may epekto na ako sa'yo?" Nangingilid ang luha niya kaya agad akong natakot at hindi nag salita.

Niyakap niya ako kaya ganoon din ang ginawa ko.

"May ibibigay ako sa'yo dapat kagabi pa ito." Tumayo siya at tumungo roon sa table namin sa side niya kinuha niya ang pink na bag 'di ko na pansin iyon kanina.

Inilapag niya sa harap ko ang bag at sinabihang buksan ko.

Halos maiyak ako ng makita ang puting pusa mahilig ako sa pusa pero hindi ako pwede mag alaga dahil sa hika ko at ayaw ni mommy, May condo naman na ako kaya pwede na siguro.

"Ohmyghad! Thank you." Niyakap ko siya at binalikan ang pusa may card iyon kaya agad kong binasa.

"Can you be my mommy?" Sunod-sunod na pag tango ang ginawa ko.

"Yey! may mommy ka na." Saad ni mark tska umupo sa tabi namin.

"Thank you." Ulit kong pasalamat.

"Sorry talaga kagabi." Umiling siya at hinimas ang buhok ko.

"Sorry rin kanina hindi ko naman kilala ang babaeng iyon." Pag pa paliwanag niya.

"Malaking tulong iyon na laman ko na mahal na kita dahil sa kanya." Halos manlaki ang mata ni mark at namula na isip ko ang sinabi ko.

Ohmyghad! Umamin ba ako? Magagalit ba siya?

"S-seryoso ka ba?" Tanong niya kaya lalo akong kinabahan.

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

"Wahhhh! Thank you Lord!!!!" Pati ang pusa ay na gulat at tumakbo patungo sa akin.

Hinatak ako patayo ni mark at niyakap.

"I love you, I love you so much!" Bulong niya na kinalabog na naman ng puso ko at tyan ko.

"I love you." Ganting sagot ko na iyak na ako ang saya pala sa pakiramdam ang saya sobra.

"Finally you're mine!" Hinalikan niya ang noo ko bago punasan ang luha ko pati ang kanya.

Ito na ba iyon boyfriend ko na siya? Ang saya nga sa pakiramdam ang saya.

Matapos ang gabing iyon ng mag alasdiyes ay umuwi na kami walang tigil sa pag tatanong si mark kung totoong mahal ko na siya at kami na raw ba talaga, Wala rin naman akong tigil sa pag sabi ng i love you at oo.

Pinangalanan naming kitty ang pusa girl siya na galit si yaya ng makita ito dahil daw may hika ako pero pinilit ko sila pumayag naman at hindi na raw nila sa sabihin kayla mom.


Ilang buwan ang lumipas wala namang nag bago sa amin ni mark para pa rin siyang nanliligaw malapit na matapos ang 2nd year last month na ito at tapos na kaya madaming masasayang studyante at stress dahil sa dami ng gawain.

"Hoy, Uminom ka na naman!" Saad ko kay janine andito ako sa bar sinundo ko na naman ang babaeng 'to. May lakad kami ni mark pero sabi ko 'wag muna ngayon dahil kailangan ako ni janine buti na lang understanding siya.

Walang nakakaalam na kami na kundi ang barkada lang kahit si janine ay walang alam ayoko kasi malaman ni daddy at mommy dahil baka palayasin ako.

"Tara na, Malapit mo na maubos ang tinda nilang alak." Kinuha ko ang braso niya at inilagay sa batok ko.

"B-bakit ba hindi nila ako matanggap." Lasing na usal niya mapungay ang mata niyang halatang galing sa iyak.

"G-ginagawa ko naman ang lahat." Hanggang sa maisakay ko siya sa kotse ay nag sa salita siya.

"Kuya sa condo muna." Hindi ko alam ang bahay ni janine at halatang hindi siya okay sa bahay nila.

Pag dating sa condo agad ko siyang inihiga sa kama kumuha na lang ako ng basang towel para mapunasan siya inihanda ko na rin ang tubig at gamot naka tulog na siya.

Matatapos na ako sa pag punas ng braso niya ng hawakan niya ang kamay ko.

"M-matatanggap mo kaya ako." hindi ko na intindihan ang sinabi niya at kung bakit kailangan ko siyang tanggapin.













My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon