42

80 0 0
                                    

Lumipas pa ang taon naging isang piloto ako nag pa patayo na rin ako ng sarili kong airline, na gawa ko lahat ng pangarap ko ang saya sa pakiramdam!

Alam niyo yung isang nakaka proud? ako ang nag pa aral sa sarili ko para maging isang piloto. Dad wants to help me pero mas gusto ko na ako yung nag hirap. 

And finally i became a pilot! At unti-unti na rin nagagawa ang airline na ipinapatayo ko.

Divorce na rin sila mom and christopher, Dala ko na rin ang apilyido nang tunay kong ama, Mom and dad was also planning for their wedding 'di niyo kaya sabi sa inyo marupok mom ko.

Unti-uting naging maayos ang noong magulo masaya ako, pero alam kung may kulang maybe yung mga kaibigan ko?

I miss then so damn much! Pauwi na kami sa pinas ngayon at pag tungtong namin doon ay haharapin namin si christopher at pamilya ni liam kasama si dad and mom at mga kapatid ko of course.

Hindi alam nila layla na ngayon ang uwi ko pero nag kikita na kami noon kada sasakay sila sa eroplano parang mga bano pa nga iyon sasakay lang daw sila para makita ako, Pero kada sakay nila ay wala si mark hindi nila inoopen ang about doon at hindi na rin ako nag tatanong.

I'm proud to say na pare-parehas naming na abot ang pangarap namin.

Apat na taon din ang ginugol namin sa italya sa apat na taon na iyon ang daming nangyare naging isa akong ganap na piloto at ngayon inaantay ko matapos ang airline na ipinapatayo ko.

"Huy, Baka gusto mo bilisan itutulak kita!" Saad ni kuya b, Pasakay na kami sa private plane ni daddy at ang isang ito pa epal.

"Si ashley ba mag da drive?" Tanong ni kuya b kay dad nang maka pasok na kami sa eroplano.

Kung maka sabi na ako mag drive akala mo kotse lang at sa mall lang ang punta.

Hawak ni dad ang kamay ko si mom at kuya h ay nauna ng pumasok sa eroplano.

"Hindi na may piloto naman papagurin mopa ang kapatid mo matagal ang byahe." Ani ni dad tska tumabi kay mommy.

Kami namang mag kakapatid ay nag paunahan sa bintana na malapit sa kama.

"Ang epal nauna ako!" Singhal ni kuya b pero nginitian ko lang siya tumabi sa akin si kuya h habang si kuya b ewan ko saan punta non.

Buong byahe ay na tulog lang ako at kumain nang malapit na kami ay hindi na ako na tulog.

"Kuya, Ano ipapangalan ko sa airline na ipinapatayo ko?" Tanong ko kay kuya h nag babasa lang siya.

Hanggang ngayon kasi hindi ako desidido sa ipapangalan ko sa airline.

Humarap siya sa akin, Isinara ang librong binabasa niya.

"Ikaw ano ba gusto mo iyo naman iyon tska sarili mong pera iyon." Ani nito.

"Hmm, Wala akong maisip balak ko sana Finley na lang apelyido natin." 

"Huwag na iyon edi parang lahat ng sakop ng apelyido ni dad ay may-ari ng airline mo, Ako sa'yo pumili ka ng may meaning." Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Alangan naman wala dapat talaga may meaning alangan namang pangalanan ko iyong tubol airline tapos kapag tinanong nila bakit ganyan name wala lang trip lang ganoon ba. Haynako!

"How about happiness airline?" Tanong ko kay kuya napatingin siya sa akin na parang nag tataka.

"Then what is the meaning behind that name?" Maarteng tanong niya.

"Kasi hindi lang para sa mga may kakayanan sumakay nang eroplano ang airline ko balak ko sana tuparin mga pangarap nang mga bata na sumakay nang aiplane, Dahil ganoon din ako dati pangarap ko iyon pero hindi naman pwede na basta-basta ka lang sa sakay roon mahal kaya pamasahe, So i was planning na libre iyon sa mga bata o matatanda na walang kakayahan bumili ng ticket." Seryoso kong ani.

Napangiti siya at ginulo ang buhok ko.

"How sweet, okay then its approve baby." 

Agad kong itinext iyon sa nag aayos nang airline ko may isang tao akong inassign doon dahil wala akong alam sa mga ganoon kaya kailangan ko ng isang tao para siya mag asikaso tska sa pilipinas ko kasi pinatayo bali bukas kopa siya makikita malapit naman na matapos iyon.

Saktong nag land na ang eroplano hindi pa nag si-send ang text ko dahil malamang walang signal pa.

6:00pm pa lang ang oras kaya may oras pa para kitaan sila christopher, Natatakot ako pero mas nauuna ang galit ko sa kanya kapag naiisip ko na sinasaktan niya si mom noon.

Umuwi muna kami sa bahay nila dad pucha akala ko malaki na ang nasa italya pero mas malaki ang asa pinas mas maraming body guard jusmeho.

Nakakatuwa dahil may sarili akong kwarto sa mansion na ito pag pasok ko roon puro disney princess naiyak tuloy ako.

"Alam mo simula nung tumira kami rito buo na yan dahil sabi ko balang araw makakasama namin kayo ng mom mo, Tska alam ko na hilig mo ang mga iyan!" Ani ni dad niyakap ko siya kaya ganoon din ang ginawa niya.

"I love you daddy!" Hinalikan niya ang noo ko.

"Sus! Mas maganda kwarto ko batman!" Pag eepal ni kuya b habang naka hawak kay mom siya talaga pang asar sa pamilyang ito.

"O sige na mag ayos na kayo." Ani ni mom kaya nag kanya-kanya kaming pasok sa kwarto gitna ang kwarto ko sa kwarto nila kuya h at b.

Nag dress lang ako at inilugay ang buhok kong kulot ang dulo.

---

Nang makarating sa restaurant na pag kakainan namin ay akala mong nakakita nang multo ang mga tao, roon ko lang naalala na presidente pala ang kasama namin jusko.

"Good evening Mr, President!" Bati ng sumalubong kay dad sa restaurant kinausap niya ito at sinamahan kami kung saan ang upuan namin hawak ni daddy ang kamay ko habang ang kambal ay nakay mommy naman nakahawak.

Pag dating sa table namin na roon na si christopher pati ang pamilya ni liam pati si liam na roon pero halos maistatwa ako ng makita si mark kasama si vanessa hindi ako makahinga nang makitang buntis iyon hindi ko alam bakit ako nasasaktan hindi ko rin alam bakit sila andito.

"Anak, Are u okay?" Ani ni dad nang makitang parang tutumba na ako agad akoing inalalayan ni kuya h.

"Hey, Don't be scared nandito kami." Bulong ni kuya sa akin.

Lumapit sa akin si mommy.

"Anak, Hindi ka na niya makukuha okay." Bulong nito tska hinalikan ang noo ko.

Hindi ako natatakot kay christopher sa dami ng PSG ni dad sa tingin ba nila makukuha ako nyan nang hihina ako dahil sa nakikita ko sa harap ko si mark naman ay nakatingin lang din sa akin.

Wala na ba talagang pag asa? Akala ko naka move on na ako eh akala ko wala na akala ko okay na.

Masakit pa rin pala sobrang sakit......





My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon