39

86 0 0
                                    

Tila na windang ako sa sinabi ni mommy, hindi ma proseso ng utak ko ang mga sinasabi niya.

"S-sorry ash.." Hikbi niyang saad.

"Apaka dami kong pag kukulang bilang ina mo." Hindi pa rin ako makapag salita dulot ng hindi ko ma proseso ang lahat.

"Mom, i don't know what to say."  

Hindi ko alam lumaki ako sa kasinungalinagan, Ano ba ang nagawa ko sa mundo? Deserve ko ba ito? 

"Sorry kung pinaniwala kita na siya ang ama mo sorry kung hindi ko agad na sabi dahil hindi ko kaya hindi ako handa." Hikbi niyang ani.


Hindi ako nakapag salita hanggang sa makarating kami kung saan hindi ko alam ang sa sabihin ko itatanong ko ba asan ang tatay ko? Itatanong ko ba ano ang plano namin dahil malamang ay ipapahanap kami ng peke kung ama, Ano ang tanong na dapat kong itanong?


"Pansamantala lang tayo rito sa hotel na ito kailangan natin tumungo sa ibang bansa pag tapos mo mag bihis hindi tayo pwede mag stay rito dahil malamang ay ipapahanap ka ng daddy mo." Ani ni mommy pag pasok namin sa hotel.


"Asan siya?" Paunang salita ko habang kinukuha ang damit sa kama na ipampalit ko raw.

"Kung ang tunay mong tatay ang hanap mo kasama ng mga kapatid mo sa bansa kung saan tayo pupunta." Ang hilig ng nanay ko mang bigla.

"Ibig sabihin nag sa sama pa rin kayo?" Tanong ko sa kanya dahil kung nag sa sama pa sila bakit hindi niya ako ipinakilala bakit hindi niya ako isinasama.

"Simula nung pag hiwalayan kami ng lola mo ay hindi na kami nag sama ng totoo mong tatay, Sinubukan namin ni christoper na maging okay na mag asawa ngunit hindi namin kaya parehas araw-araw na bangayan at kung ano-ano pa." 

"Kamakailan lang kami nag usap uli ng totoo mong tatay dahil hindi ko kaya gawin mag isa ang plano kong itakas ka dahil mahahanap at mahahanap ka ni christopher napaka daming galamay ng mga iyon pati ang magulang ni liam." 


"Galit na galit sa akin ang totoo mong ama pero wala na akong pake dahil daw ilang taon kitang itinago sa kanya pati ang mga kapatid mo galit sa akin dahil daw kinalimutan ko sila, Kung alam lang nila na gabi-gabi akong tumutungo sa bahay nila makita lang silang dalawa gabi-gabi ko silang pinag mamasdan sa malayo hindi ako makalapit dahil alam kong hindi lang ako ang mapapahamak idadamay rin sila ng lolo at lola mo." Umiyak na naman si mommy.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayare nag bihis lang ako at umalis na ulit kami hinatid kami sa airport ng helicopter uli private plane ang sinakyan namin ni mommy and lahat ng details about sa amin ay pinabura niya.

Hindi ko na nga itinanong saan ang tungo namin.

Habang pasakay ng eroplano kinakabahan ako dahil pag baba namin sa pupuntahan namin ay na roon na ang tatay at mga kapatid ko, makabalik pa kaya ako sa pilipinas? Maayos pa kaya yung gulo na maiiwan dito.

Sa lumipas na oras tahimik lang kami ni mommy.

"Kamukha mo ang daddy mo, Alam mo ba bakit humabol pa kami ng isa kahit may kambal na kami? Gusto raw niya ng unica hija gusto raw niya ng prinsesa." Nakangiti niyang ani.

"Paano kayo nag kakilala?" Ewan ko bakit iyon ang tanong ko pero nginitian ako ni mom ngiting parang ang ganda-ganda ng love story nila.

"Highschool pa lang mag kaibigan na kami, college ng naging kami parang ikaw ng ipag kasundong ikakasal sa iba tska ko siya pinakilala sa magulang ko sinubukan naming lumayas pero nahuli kami ang dami naming sinubukan huwag lang akong ikasal pero laging nanalo sila mom." Bakas sa kanya na mahal niya iyong tunay kong ama.

Sana ganyan din kami ni mark sana lumaban din kami kahit alam naming talo kami sa dulo.

"Ipinag patuloy namin yung relasyon namin kahit na kasal na ako pero sadyang mapag laro ang tadhana at hindi namin kinaya hanggang dulo dahil ang pinaka mahirap na kalaban sa mundo ay ang magulang mo." ani niya.

"Noong nalaman ko na gusto kang ipakasal ni christopher sa iba gabi-gabi akong mamakaawa sa kanya na huwag dahil ayoko maranasan mo ang naranasan ko ngunit dumating yung punto na hindi ko kayang labanan siya sinasaktan niya ako lahat gagawin niya huwag lang kita makuha, Ilang linggo bago ka ikaal kinausap ko na yung totoo mong tatay na tulungan ako nag makaawa ako sa kanya para lang maialis na sa buhay na iyon." Umiiyak niyang saad.

Kaya pala lately until now ay ang putla ni mommy roon na buo ang galit ko sa tatay kong iyon ginamit na nga niya ako sinasaktan pa niya ang nanay ko!

"Masyadong mataas ang katungkulan ng tatay mo ngayon iyon din ang isa sa rason bakit ayaw kitang ipakilala muna pero alam niya ang bawat kilos niya kahit ang dalawang anak namin na asa kanya ay hindi niya inilagay sa sitwasyon na mahihirapan silang gumalaw." 

Nalilito ako ano ba ang tatay ko artista?

Lumipas ang ilang oras sa byahe nakatulog din ako matapos namin kumain ni mommy, Italy ang bansang pinuntahan namin.

Hindi ko kinaya na body guards ang sumundo sa amin potek ano ba ang tatay ko mafia?

Palapit ng palapit mas lalo akong kinakabahan sa mangyayare kapag na kita ko ang mga kapatid at tatay ko.

Sa kotse ay tahimik lang ako kausap ng nanay ko ang isa sa mga bodyguards nag tanong kasi si mommy saan kami didiretso at ang sabi niya sa bahay mismo ng tatay ko.

Ilang oras lang ay nakarating kami sa bahay, hindi pala bahay mansion! Sabi na eh mafia siguro tatay ko.

Hinawakan ko si mommy sa kamay sinabihan niya ako na huwag daw ako kabahan mabait daw tatay at mga kapatid ko at miss na miss na raw nila ako, Paano akong hindi kakabahan baka mamaya tama ang hinala ko na mafia iyon kaya madaming body guards jusko parang ang dating ng mansion nila ay body guards na may kaunting mansion potek!

Pag pasok sa loob mas lalo akong napanganga punyemas kung sa labas puro guards sa loob puro kasambahay yung totoo isinasampal ba niya sa aming mayaman siya baka pati kaluluwa ko kayang bilhin ng ama ko.

"Sir andito napo sila." Ani ng isang kasmabahay gusto ko muna mag timepers dahil naiihi ako sa kaba pero halos lumabas ang ihi ko mula sa pantog ko ng makita ko ang lalaking nag lalakad kasama ang dalawang kambal.

Huwag niyong sabihin na iyan ang tatay ko at iyan ang mga kapatid ko......





My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon