43

83 0 0
                                    

"Gusto ko mag sorry sa inyo ng mom mo." Ani ni christopher pero hindi ko siya pinapansin.

"Ako rin, Sorry! Congrats pala sa'yo balita ko piloto ka na tapos may ipinapatayo kapang airline." Ani ng nanay ni liam

Gusto kong sabihin sa kanyang.  Ako lang naman yung hinusgahan mo na puro pa ganda sa tourism well napag sabay ko ang ganda at tyaga.

Matapos kumain ay nag paalam ako na mag ccr hindi ako na ka kain ng matino dahil na roon si mark.

Si mark na parang walang pake sa akin na parang hindi ako kilala gusto ko sana sabihin na oy ex mo ako kaibigan mo ako baka pwedeng batiin mo ako kahit ngiti lang, Pero hindi busy siya kay vanessa dahil nga buntis iyon.

Anak na nila iyon? Kasal na kaya sila? Ilan na kaya anak nila? Bakit hindi sinasabi sa akin nila layla iyon.

Palabas na sana ako ng makasalubong ko si vanessa hindi ko alam ang gagawin ko ngingiti ba ako iiwas putek naman.

Pero mas pinili kong umiwas at umalis na nag aantay sa akin si kuya h at b asa kotse na raw sila mom at dahil nga kalat na kami na ang anak ng presidente yung mga tao makatingin sa amin akala mo may sala kami.

"Ex mo iyon no! Tangina iyon yung rason bakit naging tubig ang alak sa'yo!" Jusko apaka ingay ng bunganga ni kuya b.

"Ang gwapo nung kambal no, Palahi kaya ako sa presidente. Kung hindi papalarin sa kanila na lang."   bulong nung mga babae akala mo hindi namin nariinig.

"gagi, ang ganda nung bunso nila 'no! nag aaral sa school namin dati iyan patay na patay kay mark iyan tangina anak pala ng presidente!" Ani na naman ng isa kailangan sabihin na patay na patay.

Kada lakad namin may chismis kaming naririnig.

"Matalino iyong babae maganda pa, naging kalaban ko iyan sa quiz bee takte akala ko noon anak ni einstein. Pero na bulag iyan sa pag ibig grabe na wala siya sa DL tska cum laude sana siya." 

Hindi ko na lang sila inintindi may kaunting compliment naman silang sinabi kaya oks na.

Hindi na ako nag paalam sa magulang ni liam at sa kanila wala naman akong ganang kausapin sila pumunta lang kami rito para raw mag sorry sila eh halata namang peke ang sorry nila.

"Labas tayo kitain natin si janine magugulat ka roon bb girl!" ani ni kuya b ng makalabas sa restaurant.

"OMG! Miss ko na siya tara!" Nag ka sundo kami napapayag naman namin si kuya H kaya agad niyang tinawagan si dad at dahil nga paranoid na si dad dahil nalaman na anak niya kami pinasama sabi ang ibang body guard.

Bukas ko na lang kikitain sila layla.

Sa bar kami nila kuya H nag punta hindi pa alam ni janine na kapatid ko ang mga ito kaya alam kong mawiwindang siya.

Si kuya b at h pala ang mismong nag pa tayo nito dahil dito sila dalawang nag ba bonding noon at dahil kasama ko ang dalawang ito wine lang ang ibinigay nila sa akin.

Maya-maya ay may dumating na binati si kuya h at b, Lesbian siya pero danggg! Ang gwapo para siyang lalaki talaga.

"Hala! Andito ka?" Ani nito sa akin napa kunot ako ng noo.

Hala kilala ko ba siya?

"Ako ito si janine sabi ko naman sa'yo hindi ako totoo noon." Halos manluwa ang mata ko sa na rinig ko!

Iyan ba yung sinasabi niyang matatanggap ko ba siya? OMG!

Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.

"Bakit ganyan ka! Bakit hindi mo sinabi agad huhuuh susuportahan naman kita!" Umiiyak kong saad.

Pinunasan niya naman ang luha ko.

"Marami kang problema ayoko dumagdag." Ani nito iniwan kami ni kuya h at b para raw makapag usap kami ni janine.

"Tangina, kapatid mo iyon anak ka ng presidente hayop buti 'di kita pinormahan noon baka ilibing ako ng mga kapatid mo at tatay mo." Saad niya habang kumakain kami.

"Bakit ka nag flight attendant kung ayaw mo non?" Tanong ko sa kanya ngayon naiintindihan ko na bakit siya nag floght attendant kahit ayaw niya.

"Sabi ni dad magiging babae ako roon gago lalo akong na tibo ang gaganda ba naman ng makakasama mo!" Ani niya.

"Pero kailangan pala bago ka matanggap nang asa paligid mo tanggap mo ang sarili mo." Saad niya.

"Kaya pala lagi kang may pasa, tss." 

"Na miss kita!" saad niya.

"ako rin huhuhu tagal namin sa italy bwisit kasi na kasal iyan." 

Pero paano kaya kung na tuloy ang kasal na iyon? May pag asa pa kaya akong makilala ang totookong tatay at mga kapatid. Minsan swerte rin talaga na may ganoong pangyayare dahil doon nabuo ang totoo kong pamilya.

"Congrats! Nuks parehas na tayong piloto, mag aapply ako sa airline  mo kailan ba opening nun?" 

Piloto na rin siya nag F.A raw siya saglit lang tapos mas okay na raw sa kanya ang piloto.

"Hindi ko pa sure text na lang kita." Inilagay naman niya ang number niya sa phone ko.

"Sus, Gusto mo lang makuha number ko eh!" Pang aasar niya.

"Alangan paano kita i t-text duh!" Irap ko sa kanya na kinatawa niya.

I'm so happy for her finally na express niya na ang totoong siya, Tama siya na kailangan bago ka matanggap ng iba tanggapin mo muna ang sarili mo dahil ang una mong kakampi sa mundo walang iba kundi ang sarili mo.

"Hoy alam mo ba buntis si vanessa nung nakaraan kasi may reunion kasama ni si mark." Tignan mo ito nakita ko na nga kanina sinabi pa uli.

"Pero hindi ko alam kung sila ni mark madalas ko rin sila nakikita tatlo kasama si liam." Kumunot ang noo ko roon.

Bakit nga ba laging kasama si mark noong araw na ikakasal ako ay na roon din siya kanina ay na roon siya ano ba ang papel niya sa buhay nila liam.

Hindi kaya kapatid ni liam si vanessa? Tapos sinasama nila dahil nga na buntis ni mark si vanessa.

"Hindi ka pa nakaka move on?" Pag basag ni janine sa iniisip ko.

"H-ha? Sus! Ang tagal-tagal na nun no!" Tska ako sumubo uli para hindi niya mahalata na hindi pa talaga.

"Grabe pag papakatanga mo sa kanya jusko hindi kita ma pormahan dahil halos ialay mo buhay mo para kay mark." 

Eh? Pormahan?

"Pormahan? Para saan?" Lito kong tanong.

"Jusko! Crush kaya kita kaya nga sa'ypo ko tumabi nung unang araw ganda mo e"

Halos manluwa muli ang mata ko hindi ko alam iyon buo kasi ang akala kong babae kami parehas kaya apaka sweet niya masyado!

"Aha! Kaya ka nag oovernight sa bahay gusto mo ako masakama ikaw ha!" Pang aasar ko.

"Oo, AHAHHAHAHAHA!" 

Nag chikahan lang kami at nag kwentuhan ng mga ganap sa buhay.

Maya-maya dumating na rin sila kuya h and b nakakatuwa sa dalawang ito hindi nila pinapansin ang mga babaeng nalalandi sa kanila kapag ayaw nila.

Tska parehas silang single wala raw silang oras doon kailangan daw nilang alagaan muna ako, Feeling naman sanggol ako duh!

My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon