18

92 0 0
                                    

Ilang buwan ang lumipas at tapos na ang 2nd year college nakahinga ako ng maluwag na kasama pa rin ako sa dean's lister.

Ngayon ang uwi nila mommy, Oo ngayon pa lang sila uuwi ilang buwan sila roon sa ibang bansa, Ilang buwan na rin kami ni mark wala namang nag bago lagi kaming kumakain sa labas gumagala pero hindi ko pa rin sinasabi sa magulang ko natatakot ako, ang mga barkada lang namin ang may alam.

"Bab, Please iyo muna si kitty magagalit si mommy kapag na kita niya 'yan." Saad ko kay mark andito kami sa park isinama ko si kitty dahil nga ibibigay ko muna sa kanya.

"Asa bag niya na ang mga gamit at pagkain tapos ito imi-message ko sa'yo iyan ang schedule niya ng kain at inom ng vitamins." Pag papaliwanag ko si mark naman ay tumatango lang.

"Pag tungtong ng 8am kailangan na kapag breakfast na siya 7am yung milk tapos yung food ibigay mo ng 8am pag ka tapos kumain painumin mo ng vitamins. After nun tatae iyan tapos matutulog na pag gising niya mga 1pm kakain siya ng lunch tapos play time tapos tulog uli kapag 5pm na snacks ang ibigay mo 8pm dinner na bago matulog play time." Pag papaliwanag ko hiningal pa ako sa haba.

"Tapos kada 3days ang ligo na ligo iyan kanina so linggo ngayon ang ligo na niya ay sa wednesday, Naiintindihan mo ba ako?" 

"Opo, Naiintindihan ko." Nakangigti niyang saad ng wala na akong nakalimutan ay ibinalik ko na ang phone ko tska tiningnan si kitty na natutulog." 

"Bakit ba ayaw ng mom mo sa pusa?" Tanong ni mark matapos akong subuan ng burger.

Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko bago ko siya sagutin.

"Ayaw niya lang." Totoo iyon ayaw ni mommy bukod sa may hika ako.

Pero nung mga nakaraan naman na kasama ko si kitty hindi naman ako hinika.

"Bukas alis tayo." Saad ni mark habang nililigpit ang kalat namin kanina pa kami dito kumain lang kami nag picture nag laro.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko.

"Sa bahay." Simple lang ang sinabi niya pero halos mahimatay ako sa kaba.

"E-eh natatakot ako huwag muna!" Tinignan niya ako na para bang may nasabi akong masama.

"Kasi naman! Baka kainin ako ng nanay mo or tatay mo." Tila mali ang na sabi ko na bakas ang lungkot sa mga mata niya.

Ohmyghad! 

"Oo na sige pupunta na tayo bukas." Bawi ko agad, Hindi ko gusto ang lungkot sa mga mata niya ng nabanggit ko iyon.

Inihatid niya ako sa condo, Wala si kuya bert dahil malapit lang ang park na ito sa condo.

"Bye na babe maya na lang dinner." Hinalikan niya ang noo ko, Ganoon pa rin ang ginagawa namin sa dinner mag ka vc pa rin.

"Ba-bye alagaan mo si kitty ha!" Kiniss ko na si kitty mamimiss ko siya.

"Ako wala?" Malokong tanong ni mark.

Hinalikan ko siya sa noo kaya napatigil siya.

"Bye na!" Kumaway ako sa kanila tska pumasok sa condo.

"Mag bihis ka na ipinahatid ka na ng daddy mo sa bahay niyo." Bungad ni yaya sa akin kaya tumango na lang ako at pumunta sa kwarto ko.

Excited na akong makita sila mommy kaya nag madali akong mag ayos tska inaya si kuya bert na umalis na.

"Asa dinning sila ash" Saad ni yaya sa akin kaya tumungo ako roon.

Ang mga ibang kasambahay lang ang na iwan dito para mag bantay at mapanatiling malinis kahit wala sila mommy.

Pag tungo ko sa dinning na gulat ako ng may ibang tao agad akong lumapit kay mommy.

"I missed you, mom." Bulong ko tska ito hinalikan sa pisngi ganoon din si daddy.

"Iyan na ba ang unica hija mo? Aba ang ganda ha pwede ko gawing model ng victoria secret iyan." Saad ng  babae na may katabing lalaki siguro asa 50s na silang dalawa.

Nginitian ko sila at bumati, Bali katapat ng babae si mommy at katapat ng lalaki si daddy may kasama silang isa pang kasing edad ko na lalaki siguro anak nila nginitian ko ito pero hindi niya ako pinansin ang sungit gwapo pa naman pero mas gwapo si mark.

Tumabi ako kay mommy na halatang hindi masaya.

"Mom, Are you okay?" Bulong ko.

Nginitian niya ako tska siya tumango.

"So ano nga uli ang pangalan mo, Ang ganda-ganda mo naman." Saad ng babae sa akin.

"Ashley Joy Meira po."

"Beautiful indeed." Saad ng asawa nitong lalaki.

"Oh, Ito naman ang unico hijo namin." Binulungan niya yung lalaki kaya agad itong ngumiti ng pilit.

"I'm Liam Theo Pierce." Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Yaya pa handa na ang pagkain." Saad ni daddy dinner time na ba hala paano si mark.

"Cr lang po ako saglit." Paalam ko tska tumungo sa cr namin upang i message si mark.

Agad kong kinuha ang phone ko.

"Mauna ka ng kumain isasabay ako nila mom and dad kumain eh may bisita kasi sila." Agad kong sinend iyon na seen naman niya agad.

"Okay, Babe. Eatwell." 

"Kain na kayo ni kitty ha bye mwuah!" Agad kong ibinalik ang phone ko sa bulsa ko tska lumabas.

Halos atakihin ako sa puso ng salubungin ako ng lalaking masungit ano nga ulit ang pangalan niya? Ah liam!

Kinawayan ko lang siya tska umalis, Nakakhiya naman kung hindi ko siya papansinin diba.

"Ayan na sila tara na kumain na tayo." Saad ni daddy, si mommy naman tahimik pa rin.

Habang kumakain tanong ng tanong iyong babae sa akin about sa pag aaral ko.

"Dean's lister matalino, Ano course mo?" Nilunok ko muna ang kanin sa bibig ko bago nag salita.

"Tourism po." Agad nag bago ang ekspreksyon ng mukha  niya.

"Bakit hindi business ad ang pinasok mo nako sayang ang talino puro paganda lang naman dyan." Tila may gatilyong pumitik sa ulo ko na nag pagalit sa akin.

Minamaliit niya ba ang course ko?! Aba bukod sa maganda at gwapo talino rin ang mayroon kami noh!

"Then, i think i fitted well in my course po." Nginitian ko siya yung anak naman niya ay nag smirk ang tatay ko nag aapoy sa galit ang mga mata si mommy na napangiti ko.

Wala naman akong sinabi na masama diba?

"O-oo naman pasok ka nga rin sa pag momodel eh." Agad na sagot niya sa akin.

Tapos na kami kumain tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni daddy.

"Mag-usap kayo ni liam." Iyon lang ang sinabi niya tska kami iniwang dalawa ni liam sa lamesa lahat sila umalis ano naman pag uusapan namin nitong masungit na 'to.

"Hey, There!" Bati  ni liam sa akin.

Ang buhok niyang bagsak ang mata niyang kulay tsokolate ang puti niya gwapo naman siya pero mas gwapo si mark totoo iyon.

"I think we should plan for our future." Nag smirked siya kaya kinunutan ko siya ng noo iniwan ko siya roon at umakyat na kahit nalilito ako sa sinabi niya nakakaintindi naman ako ng english kaso ang gulo niya bahala siya dyan miss ko na si mark at kitty kaya i v-video call ko sila.























My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon