Nagising na lang ako ng masinagan na ako ng liwanag na nag mumula sa bintana ng kwarto ko. Bumalik sa akin ang nangyare kagabi wala na akong naalala basta ang alam ko ay nawalan ako ng malay dulot ng kawalan ng hangin hindi ako nakabili ng inhaler ko.
Pag tingin ko sa side table ko na kita ko ang dalawang inhaler at may sticky note kaya binasa ko iyon.
"Please, Huwag hayaan na maubusan ng inhaler ilagay mo na sa bulsa ang isa, ang isa ay sa bag." Galing iyon kay mommy.
Naalala ko na naman tuloy ang pinag aawayan nila hindi ko maisip kung ano ba ang kailangan kong gawin upang hindi na magalit si daddy kay mommy.
Tumayo na lang ako para mag ayos dahil 7am na 8am ang klase ko kahit na ang sama ng pakiramdam ko ay pinilit ko dahil ayoko mag ka absent baka mag ka problema pa sa grade ko iyon ayoko dagdagan ang sakit ng ulo ni daddy.
Pag baba ko ng sa sakyan ay na kita ko si mark na nag aantay sa gate ng makita niya ako ay agad siyang tumakbo patungo sa akin kaya nag paalam na ako kay kuya bert.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka sumabay sa akin kagabi sa pagkain may nangyare ba? Bakit maga ang mata mo bakit ang putla mo ano ang nangyare sa'yo?" Sunod-sunod niyang tanong. Bakas mo sa mata niya ang pag aalala na kalimutan ko rin kasi siya i message lowbat kasi ang phone ko pag uwi ko.
"Teka naman huminga ka muna ang dami mong tanong." saad ko tska ko siya hinatak sa may gilid dahil nasa gitna kami.
Hindi alam ni mark na may hika ako actually walang naka ka alam ayoko kasi na isipin nila ako kapag ang gagawin namin ay nakakapagod o bawal sa akin.
"Sorry, Lowbat ang phone ko." Iyon lang ang sinagot ko dahil iyon ang totoo lowbat ako ayoko mag sinungaling.
Nakita ko ang pag buntong hininga niya tska niya ako inakbayan at nag lakad.
"Tandaan mo nandito lang ako handang makinig kapag kailangan mo ako." Bulong niya.
"Libre kita ice cream para ngumiti ka naman." Saad niya na kinagalak ko dahil sino bang aayaw sa ice cream.
Dumaan muna kami sa cafeteria siya ang bumili dahil alam niya na ang fave flavor ko.
Matapos naming kumain ay hinatid na niya ako sa room susunduin na lang daw niya ako mamayang uwian.
"Ang putla mo okay ka lang?" tanong ni janine pag upo ko sa tabi niya.
"Ang dami mong pasa okay ka lang?" Tanong ko dahil na kita ko iyong braso niya bago siya makapag suot ng hoodie.
"Seryoso ano nangyare dyan bakit ang dami?" Alalang tanong ko ang dami kasi niyang pasa kaya pala siya lagi naka hoodie akala ko malamig lang.
Tumingin siya sa akin na parang tinatansya kung sa sabihin ba niya o hindi tska inayos ang sinuot niyang hoodie.
"Handa akong makinig kapag kailangan mo ako." Hinawakan ko pa ang kamay niya na may sugat din tska ko siya nginitian.
Saktong dumating ang prof ngunit lumilipad ang utak ko sa mga pasa ni janine.
Iba-iba talaga ang problema ng mga tao kaya hindi magandang mang husga agad hindi maganda na sabihan mo ng kung ano-ano ang tao dahil hindi mo alam kung ano ang nararanasan nila pag tungtong sa kanilang tahanan.
"Tara kain na tayo" aya ko kay janine matapos ang dalwang subject namin.
"Ashley may nag hahanap sa'yo!" Sigaw ng president namin.
"Wait lang antayin mo ako dyan." Saad ko kay janine tska lumabas.
nakita ko si layla kaya agad akong tumakbo sa kanya para mayakap siya siya naman ay hinalikan ang noo ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya ng humiwalay ako sa yakap miss ko na sila tagal naming hindi nag ba bonding dahil sa dami ng gawain lahat sila busy lalo na itong si layla.
"Mamaya raw lalabas tayo sama ka ha isabay mo si mark na sabahan naman na iyon gusto ko lang sabihin sa'yo kasi dumaan din ako rito."
"Yay! Okay sige himala sabay-sabay uwian natin." Saad ko.
"Osige na see you later may klase pa ako eh." Hinalikan niya ang noo ko kaya kumaway na ako dahil tumakbo na siya.
Parehas kaming clingy ni layla.
"sino iyon?" Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni janine sa likod ko dala ang bag ko kukunin ko na sana kaso ayaw niya ibigay.
"ako na." Saad niya.
"Kaibigan ko iyon ang ganda ano?" Humawak ako ng dahan-dahan sa braso niya tska kami nag lakad.
"Mas maganda ka huwag ka papatalo." Ngiting saad niya.
Pag dating sa cafeteria apaka daming tao siksikan hindi ako pwede sa ganoon dahil hindi ako makakahinga pero ayoko utusan si janine.
"Ang daming tao paano tayo bibili niyan." Saad ko pag dating namin sa pinto.
"Makikisiksik humawak ka sa akin." Ginawa ko ang sinabi niya tska niya ako hinatak.
Feeling ko naipasok ako sa isang sardinas sa siksikan dito.
"Janine lalabas na lang muna ako, Antayin na lang kita doon." Saad ko tska kinuha ang bag ko kahit nag tataka siya ay ibinigay niya pa rin naman ang bag ko.
Nag madali na akong lumabas dahil sobrang daming tao roon ngayon ko lang na isip na sabay pala ang break time ngayon ng engineering,business ad at tourism kaya akala mo may gera sa canteen.
"bakit andyan ka?" Tanong ni mark kasama niya si mac at iba nilang barkada pa pasok din sila sa cafeteria.
Ngayon lang naman nag sabay-sabay ang break time ng mga iba't-ibang courses.
"Ang daming tao sa loob." Simpleng tugon ko tska kinawayan si mac dahil binati niya ako, ang iba naman nilang kasama naka tingin lang sa akin kaya nginitian ko na lang din bilang pag bati.
"ano ba gusto mo ako na bibili?" Lumapit siya sa akin.
Sakto naman na lumabas na si janine na may dalang dalawang plastic ng pagkain.
"Iyo yan." Abot niya sa isang supot.
"may food na pala ako sige na pumasok ka na roon maya na lang ba bye!" Paalam ko kay mark tska nag lakad na kasama si janine.
"Magkano ito? ang dami kasing tao eh." Saad ko habang patungo kami sa field doon na lang kami kakain.
"Huwag na libre ko iyan." Umupo kami sa may silong.
"Yey! Thankyou!" masayang saad ko.
Habang kumakain ako ang naiinitan para kay janine dahil naka hoodie pa rin siya kaya kinuha ko ang electricfan ko yung maliit dahil dalawa ang ganito ko bawal kasi ako mainitan.
"Oh itapat mo muna sa'yo tig isa tayo mainit." kinuha naman agad niya iyon.
"Thank you, Ang hirap kasi ng ganitong sistema hindi ko na matakpan ang mga pasa na ito." Malungkot niyang sabi.
"Alam mo kahit anong takip mo dyan kung ang loob mo mismo ay hindi mo maayos hindi mo rin maayos iyan, Ganyan naman ang buhay physically akala nila ayos ka pero mentally wasak na wasak ka na kaya para sa akin kahit anong ayos mo sa sarili mo sa panlabas kung wasak ka wasak ka." Seryosong tugon ko.
"Mahirap din mag panggap na okay lang pero hindi." Huling saad ko bago sinubo ang huling kanin.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl
ChickLitIniisip nila na ako raw ang pinaka inosente, isip bata, ang baby ng tropa. Kalayaan ang pangarap ng iba para sa akin ngunit ako ano nga ba ang pangarap ko para sa sarili ko? STARTED: 04/26/21 ENDED: 07/12/21