02

476 5 0
                                    


"Eh! Pagagalitan ako ni mommy." Sagot ko kay maisy sa video call, Inaaya nila ako sa bahay nila kami lang daw girls bonding kumbaga.

"Mag paalam ka ng maayos bebi!" Sabat naman niya.

"Sunduin na lang kita ako na mag pa paalam." Sagot ni layla.

"Sige na mag-ayos na tayo, kita na lang kayla maisy ha." Tugon ni maxine.

Matapos noon ay nag-ayos na kami inantay ko si layla pumunta rito dahil susunduin daw niya ako.

Habang nag lalaro ng cooking chuchu sa cellphone ko tinawag na ako ng isa sa kasambahay sa bahay na andito na si layla kaya tumakbo na ako pababa.

"Asan si tita?" Tanong niya matapos ko siyang yakapin, Sa barkada siya talaga ang pinaka close ko though close ko naman lahat mas lapit lang ako sa kanya.

"Asa taas tara dali!" Hinatak ko ang kamay niya at tumungo sa kwarto nila mom.

Ngunit sigawan ang na abutan namin, Bakit sila sumisigaw ni dad? May nabingi na ba sa kanila at kailangan sumigaw?

Pa pasok na sana ako ng pigilan ako ni layla at hinatak ako pababa kaya nag taka ako.

"Huwag ka muna pumasok nag uusap ang mom and dad mo." Sabat niya pag upo sa sofa.

"Usap? Ano may na bingi na ba sa kanila at kailangan may nag sisigawan?" Takang tanong ko.

Bumuntong hininga siya at umiling at sinabing basta, Habang nag-aantay kayla mom and dad nanood muna kami tinext daw niya si maisy na mahuhuli kami ng dating.

Lumipas ang ilang oras bumaba si mom and dad, Si mom na mukhang hindi maganda ang awra si dad na ganoon din lalo akong kinabahan mag paalam tuloy!

"Good afternoon, Tita at tito!" Bati ni layla matapos mag beso sa magulang ko.

"Oh, layla. Bakit na pa rito ka?" Nakangiting tanong ni mommy.

"Ipapaalam ko po si ash, Sa bahay lang po nila maisy." Diri-diretsong sabat ni layla, Ako kabang-kaba tapos siya parang wala lang.

Tinignan ako ni mommy ganoon din si dad ngumiti ako sa kanila ng alinlangan natatakot ako talaga.

"Okay, Pero isama niyo ang driver niya." Tugon ni mommy na kinahinga ko ng maluwag.

"5pm lang ashley. Pag tungtong ng alasingko asa bahay na." sabat ni daddy tsaka umalis.

Matapos namin mag paalam sinamahan na kami ng driver ko papunta kayla maisy nag-antay rin siya sa labas kausap ang driver nila maisy dahil sinabihan siya ni mommy na huwag akong iwan.

Sobrang strikto nang magulang ko pero sa tingin ko natural lang iyon dahil mag-isa akong anak. 

"Ohmyghad buti pinayagan ang baby!" Bungad ni maisy kumpleto kami akala ko ba girls lang.

Bineso nila ako ni maxine yinakap naman ako ng boys, Kaya raw sila nandito dahil inaya rin sila ni matt.

Nanood kami ng movie katabi ko si mark, Close rin kami dahil parehas kami ng ugali minsan dahil minsan ay slow siya.

"Gago! Bakit ganoon iyon! Nakakatakot naman iyan!" Sigaw ni mark na asa tabi ko, Ako naman ay seryosong nanonood at kumakain.

"OMG! Bakit niya kiniss?! Mag asawa ba sila?" Takang tanong ko. Dahil sabi ni mommy mag asawa lang ang na ki-kiss.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin at umiling. Nag kibit balikat na lang ako baka naman mag asawa sila hindi lang pinakita ang kasal.

Pinag patuloy ko ang pagkain ko at panonood si mark ang nag pupunas ng cheese sa bibig ko dahil french fries na cheese ang kinakain ko.

Halos sabay tumakbo si layla at maisy patungo sa akin para takpan ang mata ko.

"Bakit may ganyan iyan! I forward niyo na!" Sigaw ni maxine.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayare, May surprise ba sila sa akin?

"Takte yari tayo kay tita niyan!" Sabat ni maisy.

Hindi nag tagal inalis na nila ang kamay nila, Kaya napa tingin ako sa kanila ng nag tataka.

"Bawal sa'yo ang sumunod na nangyare kaya tinakpan namin mata mo." pag papaliwanag ni layla.

Ilang movie ang pinanood namin bago mag 4:50 kailangan ko na umuwi dahil hanggang 5pm lang ako kaya lahat sila nag ayos na dahil alam nila na hanggang 5 lang ako.

"bye-bye, ashleng!" paalam ni mark.

Pag dating sa bahay naka abang si mommy sa pinto habang naka tingin sa relo niya kinabahan ako bigla pero late lang ako ng ilang minuto 5:10 pa lang.

"Anong oras na?" Salubong niya, Tignan mo itong mommy ko may relo nga sira naman pala.

Gusto ko sana mag sinungaling at sabihing alasingko pa lang kaso baka maputol ang dila ko.

Tumingin ako sa relo ko upang tignan ang oras.

"5:10 po" Saad ko ng naka yuko.

"Anong sabi ng dad mo? Diba 5 bakit late ka?" Halos kainin na ako ng lupa sa kaba ko pero huwag naman sana akong kainin ayoko dyan gusto ko langit ang ka kain sa akin.

"Sorry po, 5 naman po kami umalis kayla maisy  byahe na po iyong 10mins." Sagot ko, Totoo naman 5 kami umalis kayla maisy byahe na iyong 10 mins dahil malapit lang naman.

"Mag half bath kana roon at kumain ka na, Pupunta lang ako sa company." Paalam niya tska umalis.

Lagi naman silang wala rito ni daddy hindi ko nga sila nakakasabay kumain eh, Pero okay lang kasi work iyon.

Pumunta na ako sa room ko para mag half bath maaga pa naman para sa dinner kaya humiga muna ako sa kama at nag cellphone.

Maya-maya tumawag sa messenger si mark video call kaya agad kong sinagot dahil mag-aaya iyang mag laro sa messenger maganda iyon lagi namin iyon ginagawa.

"Pinagalitan ka?" Bungad niya agad halatang kaliligo lang dahil basa pa ang hair niya, Ang brown niyang mata at ang makinis niyang mukhang ang naka balandra.

"Oo kasi late ako 10 mins." Saad ko tska dumapa sa kama.

"Kumain ka na?" Tanong niya nag lalakad siya mukhang patungo siya sa kusina.

Sabay kami lagi kumakain sa video call dahil alam niyang wala akong kasabay kumain.

"Hindi pa, Kakain na tayo?" Maligalig kong tanong tska tumayo.

"Oo, Tumayo ka na dyan." Inayos niya ang cellphone niya sa dinning area nila, Kaya tumayo na ako at bumaba.

"Ano po ulam?" Tanong ko kay yaya presi.

"Tilapia at gulay, anak." Mahilig ako sa tilapia ngunit hindi sa gulay.

Pinag hain ako ni yaya ako naman ay inayos ang phone ko sa table.

Hinimay na ni yaya ang isda dahil hindi ako marunong, kalabasa lang sa pakbet ang inilagay niya dahil alam din niyang hindi ako kumakain ng ibang gulay.

"Salamat po, Kain na rin kayo." Saad ko tska inusod ang plato sa harap ko at tubig ko.

"Grabe ka kay manang presi siya pa nag himay!" Sabat ni mark na kumakain nang nakakamay kilala niya si yaya dahil lagi niyang nakikita sa video call.

"Hindi ako marunong paano si mommy ayaw akong ka kain ng isda na hindi nakahimay baka raw matinik ako." Saad ko tska nag simulang kumain.

Hindi ako marunong mag kamay gusto ko sana gayahin si mark.

Matapos namin kumain ni mark siya nag hugas nang pinggan ako naman umakyat na dahil hindi ako marunong mag hugas ayaw ni mommy eh.

"Laro na tayo!" Aya ko sakanya may mga activities kasi sa messenger na mga laro lagi namin ginagawa iyon.

Matapos nang ilang oras sa pag lalaro nanood naman kami, Ganoon ang routine namin ni mark lagi iyon dahil para raw hindi ko maramdaman na mag-isa ako, Si mark ang lalaking sobrang caring para ko na siyang kuya.




























My Innocent GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon