02: Gate Closed

1.3K 68 11
                                    


Pinakiramdaman ko ang lahat sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik at parang walang tao ang mga kabahayan. Maging ang mga yapak ko ay umaalingawngaw sa buong paligid. Nakapagtataka, Hindi ako sanay ng ganito. Para bang hindi ito ang lungsod na kinalakihan ko. Creepy at nakakakilabot habang naglalakad ako ng mag-isa.

Nakakapanibago.

Hindi naman ganito ang paligid ng lungsod. Usually, maraming tao ang nasalabas, mga batang naglalaro at mga vendors sa kung saan-saang lugar at kanto pero ngayon...Wala akong nakita. Busy ang mga tao sa mga trabaho nila at maraming sasakyan sa paligid at traffic pa nga. Sa mga ganitong oras ay napakaingay ng paligid. Sigawan ng mga tao at busina ng mga kotse.

Wierd.


I shrugged. I don't know what the hell is happening pero wala rin akong pakialam. I just wanted to visit my Lala kaya ko naisipang magcutting classes. Gusto kong i-kwento kay Lala ang mga nagyari. Sa kanya lang Kasi ako Tumatakbo sa tuwing may problema ako.

Dalawang linggo rin akong kinulong ni papa sa kwarto ko pagkatapos ng nangyari sa amin ni Atlanta. Hindi ko siya maintindihan. Sa klase ng treatment na ibinigay niya sa akin ay parang sinisisi niya yata ako sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ginagawa at wala akong Alam sa nangyayari pero ako ang sinisisi nila. Bakit lahat nalang sila? Bakit si Atlanta na lang palagi ang priority? Ni hindi man lang siya natuwa na ligtas ako. Wala naman siyang sinasabi pero malamig ang pakikitungo niya sa akin.

That's why I need Lala. Sa simpleng conversation lang namin ay gumagaan na ang lahat. Nakakalimutan ko na ang mga problema ko. I just need to talk to her with random things than after that ok na ako. Kaya ko nang harapin ang lahat ng problema ko dahil sa kanya. I really love her so much.

She's the best Lola ever.

Nang makarating ako sa harap ng isang luma pero malaking bahay ay huminto na ako sa paglalakad. Napangiti ako. For the first time in the whole week. Ngayon lang ulit ako ngumiti.

Honestly, this past few days are hard for me. Napakabigat ng pakiramdam ko. Na para bang may pasan ako sa likod ko. Pero ngayon nawala ang lahat bigla. Iniisip ko pa lang namakikita ko si Lala ngayon araw ay napupuno na ng kagalakan ang puso ko.


Pagkapasok ko sa loob ay ganun parin. Tahimik at parang walang tao pero alam kong nasa kwarto lang yon si Lala. Minsan lang kasi siyang lumabas.

Medyo malaki ang bahay ni Lala. Isa itong lumang bahay tulad ng mga bahay sa horror movies. Gusto ko ngang ipa-renovate kaso ayaw ni Lala kaya hinayaan ko na lang. Kompleto naman ang lahat ng kagamitan pero wala nga lang kuryente.

"Lala!" Masayang sabi ko ng makita ko siyang nakaupo sa rocking chair niya na nakaharap sa bintana. Every week ko siyang binibisita kasi siya lang mag-isa dito sa bahay. Ayokong malungkot siya. Gusto ko siyang mapasaya dahil napapasaya niya rin ako. Hinding-hindi ko siya kinakalimutan.

Dahan-dahan siyang napalingon sa akin at gulat ang rumihestro sa mukha niya. At may nabasa ako sa mga mata niya.

Parang ayaw niya yata na nandito ako.

Wierd. Kasi everytime na bibisita ako sa kanya ay sinasalubong niya ako ng isang napakalaking ngiti. Kahit parang tinusok ng karayom ang puso ko ay ngumit parin ako sa kanya.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon