13: Weird Creatures

866 50 13
                                    

Tahimik silang lahat at malalim ang iniisip dahil sa nalaman tungkol sa kaibigan at kasama nila na si Jerome. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa pintuan ng banyo kung saan naroon ang magkapatid.

Napabuntung-hininga sila.

Wala silang nagawa para sa kaibigan nila kaya lahat sila ay mabigat ang pakiramdam.

Lalong-lalo na si Eustace.

Pansin nilang lahat na kanina pa ito wala sa sarili. Tahimik na umiiyak at hindi na nagsasalita pa. Ang dating Eustace na mapagbiro at matatakutin ay hindi nila makita. Sa kanilang lahat siya ang pinaka-nagiguilty.

Huminga ng malalim si Gino para para mabigyan ang sarili ng lakas ng loob na magsalita at basagin ang nakakabinging katahimikan.

"May kasamahan pa tayong nawawala." Panimula niya. Napunta naman sa kanya ang atensyon ng lahat maliban kay Eustace na wala sa sarili. "Ako na ang maghahanap sa kanila, habang kayo naman ay ipagpatuloy niya na ang pakay natin dito. Kumuha ma kayo ng maraming stocks habang naghihintay na makabalik ako."

Dahan-dahang nagsitanguan ang lahat sa kanya.

"Sasama ako." Biglang sabi ni Daze at Diego ng magkasabay kaya nagkatinginan ang dalawa. Ngunit mabilis nilang binalik ang tingin kay Gino.

Mabilis na umiling si Gino. "Hindi pwedeng tatlo tayo dahil mas kailangan kayo dito. Isa lang ang dapat maging kasama ko."

Muling nagkatinginan sina Daze at Diego at mapapansin ang pagkadisedido sa mukha nilang dalawa na sumama sa paghahanap ng mga nawala. Matigas silang nagkatitigan at sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon ng tensyon sa kanila.

"Kailangan kong masigurado ang kaligtasan ni Astreae."

"Kailangan ko ring masigurado ang kaligtasan ni Zayn."

Napabuntung-hininga na lang si Gino dahil may balak pa yata silang mag-away dalawa.

"Diego sa tingin ko ay ikaw na lang ang maiwan dito. Ako na ang bahala sa kaligtasan ni Astreae kaya wag ka ng mag-alala. Kung kinakailangan kong i-buwis ang buhay ko para sa kanya ay gagawin ko." Seryosong saad ni Gino.

Nagsisang-ayunan ang mga kasama nila na iwan si Diego dito.

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Diego at pasimple niyang sinasamaan ng tingin sina Daze at Gino ngunit wala na siyang nagawa kundi ang magpaiwan. Nag-aalala na rin siya sa kaibigang si Eustace dahil sa kakaibang inaasta nito. Baka mas makakabuting hindi niya ito iwan. Tahimik na lang siyang nananalangin para sa kaligtasan ni Astreae.

Nagkatinginan naman sina Gino at Daze at nagtanguan.

"Tara na."

***
Astreae's POV


Magkasalubong ang kilay ko habang patuloy kami sa pagtakbo dalawa.

Bakit sa dinamami-daming tao na makakasama ko ay bakit siya pa?!

Kanina pa kami hinahabol ng mga pesteng nilalang na yon. Pawis na pawis na ako at gustong-gusto ko ng tumigil sa pagtakbo para magpahinga pero hindi pwede dahil mamamatay ako pagnagkataon. Kanina pa rin kami nagtatalo ng kasama ko. Alam kung ayaw niya sa akin at hindi ko rin naman pinipilit ang sarili ko sa kanya.

Pero kasi kanina niya pa ako sinisigawan dahil ang bagal ko daw!

Tumigil na ako sa pagtakbo at yumuko at napahawak sa tuhod ko sa sobrang pagod. Hinahabol ko ang hininga ko at bahagya na akong napapapikit. Para na akong mahihimatay sa sobrang pagod! Ayoko na!

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon