11: Run For Your Life

889 52 9
                                    


Third Person's POV

Napigil nilang lahat ang hininga nila ng tuluyan silang nakalabas sa paaralan. Bumati sa kanila ang napakalamig na simoy ng hangin na may dalang kakaibang amoy. Muli nilang narinig ang pagsara na higanteng tarangkahan pero wala ni isa sa kanila ang lumingon pabalik. Nanatili silang tahimik habang maingat na nagmamasid sa paligid.

Kakaiba ang palagid sa unang tingin palang. May mga sirang sinelas na naiwan sa kalsada at mga bahid ng dugo sa daan. Nakakasulasok ang amoy at nakakakilabot ang atmosphere.

Naglakas loob si Astreae na magsalita para basagin ang katahimikan. "I think we should get going. Maaring naramdaman at narinig ng mga zombies ang pagsara at pagbukas ng gate. Delikado tayo dito."

Napalingon silang lahat sa kanya at napatango.

"Tama si Astreae, hindi tayo ligtas dito. Kailangan na nating umalis." Pagsaaang-ayon ni Jonathan.

Tahimik silang nagsitanguan lahat at nagsimula ng maglakad. Madalim ang palagid pero sa tulong ng liwanag ng buwan ay nababaybay nila ang daanan.

"Ano ang una nating gagawin?" Mababa ang boses na tanong ni Joel.

"Ang sabi ni Headmaster stick together pero hinati niya tayo sa dalawang grupo. Ano ba talaga?" Tanong naman ng naguguluhang si Jerome.

"Delikado kasi ang mission nila Daze kaya hindi pwedeng crowded at marami. Mas konti, mas makakagalaw sila. While sa atin naman, dapat mas marami tayo para marami ring stocks ang makuha natin." Paliwanag ni Jonathan. He's the Student Council President. Bukod sa matalino ito ay talagang maaasahan sa pagpaplano ng gagawin.

"Unfortunately, we need to split up." Sabi niya.

"Tutulungan muna namin kayo bago kami umalis." Sagot naman ni Daze kaya napatango silang lahat.

Nagpatuloy sila sa tahimik nilang paglalakad at tuluyan silang nakarating sa parte kung saan marami na ang mga kabahayan. Tahimik at nakakapanindig balahibo ang kapaligiran pero nagpatuloy sila sa paglalakad. Natigilan silang lahat ng makarinig sila ng kakaibang ingay. Mga yapak na para bang nagmamartsa. Umaalingawngaw ito sa buong paligid.

Mabilis silang kumilos lahat para magtago sa isang kotse na nakaharang sa daan. Pero marami sila at dalawa lang ang kotseng mapagtataguan nila. Maari silang mapansin kaya naman ay gumapang sa ilalim ng sasakyan sina Joel at Gino. Habang ang iba ay nanatili na nakayukong nakaupo sa gilid ng kotse.

Walang nagsalita sa kanila habang pinapakinggan ang kakaibang tunog.

Pasimpleng sumilip si Astreae at nabalot ng pagtataka, kaba at takot ang dib-dib niya. Nakita niya lang naman ang isang battalion ng Zombies na parang nagpa-parade. Tahimik itong lumilingon-lingon sa paligid na para bang may hinahanap at nang lumingon ito sa direksyon niya ay mabilis siyang yumuko.

Napaisip bigla si Astreae.

Weird. Zombies ba talaga sila? Bakit parang may isip naman sila? Maayos ang paglalakad at maayos ang kilos kaso nga lang ay duguan at bali-bali ang ulo at katawan.

Narinig nila ulit ang yabag nito na papalayo na. Medyo nakahinga sila ng maluwag dahil hindi sila napansin.

Pero biglang...

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon