"Alam mo bang delikado ang ginawa mo kanina?! Nagpapakamatay ka ba?!" Sigaw niya sa akin kaya napapikit na lang ako at umiwas ng tingin.
"Gino..hindi ko hahayaang mapahamak ka—"
"So what kung mapahamak ako?! Paano naman kung ikaw yung napahamak?!"
Bumuntung-hininga na lang ako at hindi na sumagot. Mabuti na tong ganito siya sa akin, mabuti na yong sinisigawan niya ako kaysa naman hindi niya ako kibuin at hindi pansinin gaya ng ginagawa niya nung nakaraang mga araw.
Pinagmasdan ko na lang siya. Lumalabas na yung ugat sa leeg niya at namumula na ang mukha niya kakasigaw sa akin. At least, kahit papaano alam kong may pake parin siya sa akin.
"Tama na yan Gino. May iba pa tayong bagay na dapat gawin." Seryosong sabi ni Diego kay Gino.
Pansin ko naman si Daze na tahimik at seryosong nakamasid lang sa amin habang nakasandal sa pader. Kinina pa yon walang kibo. Nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin.
"Narinig mo naman siguro ang announcement diba?" Muling sabi ni Diego kaya tumango si Gino.
"Sasama ka ba sa amin?"
Tumango si Gino at pinuntahan ang isang bag sa gilid at kinuha niya rito ang isang baseball bat. Mariin siyang tumingin sa akin.
"Dito ka lang."
Hindi ako sumagot. Sa halip ay tinakbo ko ang pintuan at lumabas ng walang pakialam. Hindi nila ako makokontrol. Gusto ko ring tumulong! Why the hell are they all like this? Kaya ko ang sarili ko.
"Astreae! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" Rinig kong magkasabay na sigaw ni Gino at Diego pero hindi ko na pinansin. Ramdam kong sumunod sila sa aking lumabas. Malayo-layo na rin ang nalakaran ko ng may humawak sa braso ko.
"Tanga ka ba talaga o sadyang nagtatapang-tapangan lang? Gusto mo ba talagang mamatay?!" Hindi ko inaasahang makita si Daze na ganun ang reaksyon. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko at hindi ko mabasa ang reaksyon niya. Nag-aalala ba siya sa akin?
Sarkastikong tumawa ako. "Really Daze? Ano bang pakialam mo kung gusto ko ngang magpakamatay? Diba kay Atlanta ka lang naman may pakialam noon? Kaya bakit ngayon ako na naman ang pinapakialaman mo?" sabi ko.
Natigilan siya at nabitawan niya ang braso ko. So, tama nga ang iniisip ko. Nakikita niya sa akin ang kakambal ko. Kasi nga magkamukha kami. Wow, siguro kung noon pa niya ako napansin ng ganito ay matutuwa ako. Pero iba na ngayon dahil isa na siya sa mga taong kinasusuklaman ko.
Inirapan ko siya at naglakad uli. Nang bigla akong may nakasalubong na zombie at sa gulat ay mabilis kong iwinasiwas ang katana ko at gumulong ang ulo nito palayo at bumagsak ang katawan nito sa sahig. Lumingon ako at nakita kong nakatingin silang tatlo sa akin. Humigpit ang hawak ko sa katana ko.
"Wag nga kayong tumunganga diyan." Malamig na sabi ko saka nagputuloy uli sa paglalakad. Tumakbo naman sila para humabol sa akin. Naging tahimik na kaming apat. Ramdam ko ang tingin nilang tatlo sa akin pero hindi ko na pinansin. Nanatili sa unahan ang tingin ko hanggang sa makalabas kami ng building.
Tahimik parin kami kahit nung dumating na kami sa harap ng flagpole. Hindi ko inaasahang maraming estudyante ang madadatnan ko roon. Lahat sila ay lalaki, ang ilan ay duguan ang mga damit at may hawak na kahoy, baseball bat at kung ano-ano pa. Sa tingin ko ay lagpas 100 kaming lahat. At ako lang yung tanging babae.
Naging alerto sila nung dumating kaming apat. Napahinga sila ng malalim ng makita hindi kami Zombie. Narinig kong sinambit nila ang mga pangalan ng tatlong lalaking kasama ko. Hanggang sa ma gawi ang tingin nila sa akin. Nalaglag ang panga nila ng makita ako at ang katana na hawak ko. Nanatili akong walang emosyon sa harap nila. Alam kong pinagmamasdan nila ang kabuuan ko.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...