"Tito bakit hindi mo sinabi sa akin?!"
"Na ano?"
"Na anak mo si Gwen!"
"I—"
"Alam mo bang galit na galit siya sa akin? At nalaman ko ang buo niyang storya. I can't believe you can do that to your own daughter! I respected you Tito! I thought you are a good person?!"
"Astreae—"
"Hinding-hindi tayo magkakabati hangga't hindi mo inaayos ang gulo mo sa kanila! Pati ako at ang mga kaibigan ko ay nadadamay na eh!"
Napabuntung-hininga na lang ako habang inaalala ang napag-usapan namin ni Tito kanina. Hindi ko naman gustong sigawan si Tito pero kasi nadala na ako ng damdamin ko. Kita ko rin sa reaksyon ni Dad na hindi na siya nagulat pa. Nakikinig lang siya sa amin ni Tito at hindi nagsasalita. Matagal niya na sigurong alam kaya mas lalo akong nainis.
Bakit ba pag may sekreto sila ay ako ang huling nakakaalam?!
Badtrip na naman ako habang naglalakad sa hallway. Gaya ng palagi kong ginagawa pag wala ako sa mood, kung saan-saan lang ako nagpupunta. Hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa likod ng Music room. Napakatahimik ng paligid at wala akong estudyante na nakikita dito sa paligid which is great. Gusto ko munang mapag-isa at mag relax muna.
Andami ko nang nalaman sa loob lang ng isang araw. Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang kakaisip sa mga ito. Dumagdag pa sa stress ko ang pagkawala ng sulat ni Mama para sa akin. Sobrang exhausted ako kakahanap sa kung saang-saan pero wala talaga akong makita. Napabuntung-hininga na lang ako.
Nagulat ako ng makita ko si Ms. Langitan. Balisa siya at mabilis na tumungo sa akin.
"Ma'am—"
Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
"Astreae.." lumingon-lingon muna siya sa paligid na para bang takot kung may makarinig man sa amin. "Alam ko kung nasaan si Atlanta.."
Natigilan ako sa narinig.
"P-Po?"
"Tara sumama ka sa akin!"
"Teka—" akmang mag poprotesta na ako ng bigla akong may narinig sa likod ko.
"Psst.."
Natigil ako at lumingon sa likod ko. Pero sa paglingon ko ay kaagad kong naramdaman ang sakit sa ulo ko dahil sa panghampas ng kung anong bagay sa akin. Napatumba ako sa lupa at sa malabong paningin ay naaninag ko ang anino ng dalawang lalaki at ang anino ni Ms. Langitan bago tuluyang dumilim ang paningin ko.
***
Nagising ako na sobrang sakit ang ulo ko. Pilit kong kinukurap ang mata ko dahil malabo ang paningin ko at medyo nahihilo pa. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil parang nakatali ako.
"Gising na siya."
Nang tuluyan ng naging maayos ang paningin ko ay kaagad na naguluhan ako sa nakita sa paligid. Nasa gitna kami ng field at maraming taong nakapalibot sa akin at bakas sa mukha nila ang pangamba, pagkalito at takot. Nakaupo ako sa isang upuan at nakatali. Ramdam na ramdam ko ang dugong tumutulo mula sa ulo ko patungo sa pisngi ko.
Nagtiim-bagang ako at pilit na gumalaw pero nasasaktan lang ako dahil sa higpit ng tali sa akin. Nalilito na ako habang nakatingin sa kapwa ko mga estudyante na walang ibang ginawa kundi ang tumitig sa akin.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...