40: End This Battle

820 40 25
                                    

"L-Lala.."

Tuluyan akong nanghina ng makita siya. Hindi siya makagalaw at makapagsalita dahil sa itim na usok na nakapalibot sa katawan at bibig niya.

"L-Lola?! Abaddon ano to?!" Sigaw ni Astreae habang nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Lala. "Wag mong idamay si Lola dito—"

Hindi na natuloy ni Astreae ang sasabihin niya ng biglang nagkaroon ng itim na usok na pumalibot sa katawan niya. Kagaya ng kay Lala, hindi rin siya nakagalaw at nakapagsasalita. Pilit siyang nagpupumiglas pero wala siyang ibang nagawa kundi ang impit na napasigaw habang masama ang tingin na ibinibigay kay Abaddon.

Demonyo si Abaddon. Kaya alam kung hindi siya mapagkakatiwalaan. Hindi siya tumutupad sa mga pangako. Baliwala ka lang sa kanya kahit kakampi ka pa niya. Kagaya ng nangyari kay Astreae.

Halos hindi ko maiwas ang tingin ko kay Lala. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon pero saya ang nangingibabaw sa lahat. Kasi nakita ko ulit siya.

I miss her so much.

Umiiyak na rin siya habang nakatingin sa akin at bahagyang umiiling pa. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Sinasabi niya sa akin na hindi dapat ako pumayag sa ano mang hilingin ni Abaddon sa akin.

"P-Paano.." parang hangin lang ang lumabas sa bibig ko sa sobrang hina nito. Ni hindi ko na nadugtungan pa ang sasabihin ko sa sobrang pagkatulala.

"Paano?" Ngumisi si Abaddon. "Peke yung naabutan mo sa bahay ng Lola mo. Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon mo pag nakita mo ang zombie version ng Lola mo. I really enjoyed the show."

Napakuyom ako sa dalawang kamao ko pero walang salita ang lumabas sa bibig ko.

"Tatanungin kita ulit. Iaalay mo ba ang sarili mo sa akin? O papatayin ko ang kambal at Lola mo sa harap mo?" Saad nito sa akin ng nakangisi.

Mas dumami ang luhang nahulog mula sa mga mata ko dahil sa narinig. Nagtatalo na ang puso at isip ko.  Hindi ko na alam ang gagawin. Nahahati ako sa pagmamahal ko para kay Lala at ang responsibilidad ko na iligtas ang lungsod namin. Naiinis ako kasi kailangan kong mamimili.

And I always follow my heart.

I will choose Lala.

Lumuhod ako sa harap ni Abaddon habang umiiyak. Rinig ko ang impit ng sigaw ni Lala at ng kambal ko. Na para bang sinasabi nila sa akin na wag akong sumunod kay Abaddon pero nagbingibingihan ako.

"Pumapayag na ako."

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kung nakangisi siya.

Dahan-dahan akong napapikit ng ilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Rinig na rinig ko ang sigawan nila Papa and iyakan nila Astreae at Lala at ang huling sinabi ni Abaddon bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Akin ang katawan mo."



T H I R D  P E R S O N




Naging iba ang anyo ni Atlanta ng makapasok sa katawan niya si Abaddon.

Napangisi si Abaddon habang tinitignan ang bagong katawan niya. Ngayon naisakatuparan na ang plano niya. Kompleto na ang kapangyarihan niya at pwede na niyang sakupin ang buong mundo. Noon ay isa lang siyang ispiritu na may kakayahang tumupad ng hiling ng mga tao pero ngayon ay makapangyarihan na siya. Kaya niya ng mamuhay bilang tao.

Napangisi si Abaddon at napalingon sa Lola at kambal ni Atlanta.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya na nakakuyom sa ere. Sa isang iglap ay nagkaroon ng itim na enerhiya sa leeg ng Lola at Kambal ni Atlanta. Nanlaki ang mga mata nila at napapadyak sa ere dahil na sasakal na sila at nawawalan na ng hangin.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon