24: Scar

850 44 23
                                    



Nanghihina parin ako habang nakaupo lang sa gilid. Pilit ko nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nabasa ko.

Dad..he never told me about this.

Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang ang galit niya sa akin nung bata pa ako. Kasi ako ang dahilan kung bakit hindi na namin kasama si Mama ngayon. Ako ang dahilan kung bakit nabuhay si Abaddon ulit. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.

May ideya na ako kung anong nagyari sa lugar namin.

Masakit man isipin pero sa tingin ko ako rin ang may kasalanan sa kung ano man ang nangyayari ngayon. This..is all my fault.

Napahilamos ako sa mukha ako sa sobrang panlulumo. Paulit-ulit ko ng sinasabi to pero bakit ba sa lahat ng tao dito sa mundo pamilya ko pa ang nalagay sa ganito? My mama..she sacrificed herself for me to live at isang napakalaking pagkakamali ang buhayin ako sa mundong ito.

Nabuhay nga ako pero kailangan ko namang pagbayaran ang lahat.

Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang tumayo at walang buhay na naglakad palabas ng bahay ni Lala. Hindi ko na alam ang gagawin, ni walang kahit na anong matino ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang lutasin ang mga problema ko. Nakalimutan ko ang panganib sa labas.

Nakalimutan ko ang lahat sa paligid ko.

Naramdaman ko ang pagdamba sa akin ng isang zombie at ang mabilis nitong pagsakal sa akin. Wala akong naramdamang kahit na ano. Walang takot, galit at pangamba. Hinayaan ko lang siya na sakalin ako. Napatawa na lang ako ng malakas.

Bakit ba palagi na lang nila akong sinasakal? Bakit ba hindi na lang nila ako kagatin?

Pagod na ako sa lahat ng ito. Pagod na akong ipaglaban ang buhay ko. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong mabuhay dito sa mundo ng wala namang kabuluhan.

Sana matapos na ang lahat ng ito.

Ayoko na.

Pero pag talaga handa na akong mamatay ay bigla na lang may dumarating para iligtas ako.

Gaya ngayon.

Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Daze habang paulit-ulit niyang pinuputol ang ulo ng zombie sa harap ko. Hindi niya alintana ang mga dugong nagtalsikan sa katawan niya. Nang tuluyang napatay niya ang zombie ay napatingin siya sa akin. Mabilis niya akong nilapitan at binuhat.

Hindi ko nagawang kumapit sa leeg niya. Ni hindi ko nagawang magsalita o kumilos man lang. Pagod na ako sa lahat. Hindi lang ang katawan ko, pati na rin ang isip, puso, kalululuwa at buo kong pagkatao.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa loob ng bahay niya. Kaagad niya akong pinaupo sa sofa. Nakatingin siya sa akin kaya wala na rin akong ibang nagawa kundi ang tumitig lang sa mukha niya at hindi nagsalita.

Alam kong galit siya. Alam kong pagod siya at alam kong labis ang pag-aalala niya sa akin.

Kita naman sa ekspresyon ng mukha niya.

"What the hell is that huh?! Balak mo na ba talagang magpakamatay?! Hindi  ka ba talaga naaawa sa mga taong nagmamahal sayo?!" Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagsigaw niya. Hindi ako sumagot.

"Don't be fucking selfish! Think about us! Paano kami? Paano kami pag nawala ka? If you can't live for yourself then please..live for us. Mabuhay ka para sa amin.." Mula sa galit na ekspresyon ay unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at pinantayan ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon