Third Person's POV
"Itong babaeng kasama natin ngayon ay si Atlanta. Hindi siya si Astreae."
Nagsimulang mag bulungan ang mga taong nakarinig. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa mga nalaman. Walang ibang nagawa si Atlanta kundi ang pagmasdan ang mga reaksyon ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Nakatulala si Sheena habang nakasandal siya kay Eustace sa sobrang gulat. Pati si Eustace ay laglag ang panga. Si Diego ay galit na galit at halatang gustong manapak ng tao. Katabi niya si Daze na walang reaksyon ang mukha.
Sa kabilang banda, naroon ang gulat na gulat na si Zayn, Dara at Lauren. Laglag ang panga at lumaki ang mata nilang tatlo sa nalaman. Nawalan pa ng balanse si Dara dahil sa sobrang gulat, buti at nasalo siya ni Zayn.
"O-Oh my g-gosh. Nananaginip lang ba a-ako?" Wala sa sariling tanong ni Dara.
"Hindi to panaginip." Umiiling na saad ni Zayn habang titig na titig kay Atlanta.
Nanginginig ang katawan ni Dara habang naglalakad siya palapit sa kambal niya. Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin kay Atlanta. May kakaibang nararamdaman si Dara sa kambal niya.
"Daze." Mariing tawag ni Dara sa kambal niya. Lumingon naman ito sa kanya. "A-Alam mo na?" Utal na tanong niya dito.
Tumango si Daze habang hindi inaalis ang tingin kay Atlanta. "Alam ko na."
"K-Kailan p-pa?"
Bumuntong-hininga si Daze at tinitignan ng diretso sa mata si Dara. "Nung magkasama kami sa lungsod. May hinala na ako nun na siya si Atlanta. Tinignan ko kung may peklat nga ba siya sa tiyan at nakita kong meron. Doon ko napatunayan na siya nga."
Napatakip sa bibig si Dara at nagsimulang tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Umiiyak na saad ni Dara at napaupo sa sobrang hina. "Marami akong s-sinabing masakit na mga salita sa kanya! Nasaktan ko siya! Nasaktan ko ang bestfriend k-ko." Guilty na sabi ni Dara. Sobrang bigat na ng pakiramdam niya kaya may lalo siyang naiyak.
Niyakap ni Zayn ang umiiyak na kasintahan at inalo.
"Ssshh. Wala tayong alam ok?." Saad ni Zayn para patahanin si Dara.
Napapikit na lang si Atlanta ng makitang nagkakagulo na sila. Tama nga ang hinala niya. Magkakagulo ang lahat sa oras na malaman nila ang totoo. Huminga siya ng malalim at binalingan ng tingin si Ms. Langitan at ang demonyita nitong anak.
"Pakawalan niyo ako." Kalmadong saad niya. "Ako na mismo ang harap kay Abaddon. Hindi niyo na kailangan pa akong ibigay sa kanya."
"Really? No way hell. Kami ang magdadala sayo." Mariing saad ni Ms. Langitan.
"Demonyo ka naman diba? Bakit hindi ka maghanap ng paraan para makatakas? O di kaya ay gumamit ka ng kapangyarihan mo." Natatawang saad ni Gwen.
Unti-unti ng nawawalan ng pasensya si Atlanta. Nang imulat niya ang mga mata niya ay naging purong itim ito. Nagsinghapan ang lahat ng biglang tumayo si Atlanta at walang kahirap-hirap na naputol ang lubid na nakatali sa kanya.
Muling nagsigawan ang lahat dahil sa sobrang bilis nakalapit ni Atlanta kay Gwen. Sinakal niya si Gwen at itinaas sa ere. Sa sobrang kapos sa hangin ni Gwen at sumisipa na siya sa ere. Pilit siyang nanlaban kay Atlanta pero lalo lang siyang nanghina.
Sa isang iglap, maalingawngaw ang isang putok ng baril na nagpatahimik sa lahat.
Lahat sila ay laglag ang panga sa nakita. Lahat sila ay gulat at takot.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...