Third Person's POV
"Saan kayo galing?"
Nagkatinginan ang magkaibigan na si Daze at Zayn ng marinig nilang tanong ng kambal ni Daze na si Dara ng makaupo sila sa harap nito. Galing sila kay Astreae. Chineck lang nila ang kalagayan nito.
Nasa Cafeteria sila para mag-umagahan. Tahimik lang ng kumakain ang lahat ng mga estudyante. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang iniisip. Kaniya-kaniyang problema. Halos lahat ng mga estudyante ay walang gana. Pwera sa grupo nila Dara.
Chill lang sila na para bang isang normal na araw lang. Si Dara ay may hawak pa na salamin at nagreretouch. Hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya dahil hinihintay niya si Daze. Parang may nararamdaman siyang kakaiba sa dalawa. Madalas kasi silang umaalis ng sila-sila lang.
Kasama ni Dara sa table si Lauren at Gwen. Si Lauren ay ganadong-ganadong kumakain at para nawalan ng pake sa paligid habang si Gwen naman ay mahinhin lang na kumakain habang sinusulyapan sina Daze at Zayn.
Humalik naman si Zayn sa pisngi ni Dara bago tuluyang naupo. Iba naman ito kung makatingin sa kanya.
"Wala may pinuntahan lang kami." Simpleng sagot ni Daze at nagsimula ng kumain.
"Saan nga kayo nagpunta?" Mariin at may bahid na inis na sabi ni Dara.
Tinaasan naman siya ng kilay ng kambal niya. "Di mo na kailangang malaman pa."
Napasinghal si Dara sa narinig.
"Bakit?!"
Hindi sumagot si Daze at nagpatay-malisya na lang. Alam niya ang ugali ng kambal niya. Gusto talaga nito na alam ang lahat ng mga pangyayari sa paligid niya.
"Nakakainis! Ang liit lang ng nilagay na ulam sa akin. Gusto ko pang kumain! Ang damot naman!"
Napalingon sila kay Lauren ng bigla itong magreklamo. Kumunot ang noo ni Zayn at nainis bigla.
"Lauren, Alam mo bang ibinuwis namin ang buhay namin para may makain tayo? Hirap na hirap kami at namatay pa si Jerome tapos ganyan lang ang sasabihin mo? Dapat pa nga magpasalamat ka kasi may nakakain ka kahit papaano. Hindi lang naman ikaw ang pinapakain dito. Marami tayo."
Natahimik si Lauren dahil sa sinabi ni Zayn.
"Hey.. babe don't be like that." Saad ni Dara sa kasintahan.
"Pinagsasabihan ko lang." Sagot ni Zayn habang mariing nakatitig kay Lauren.
"Anyways, That girl seems to be so problematic." Change topic na lang ni Lauren at bumalik na sa pagkain. Hindi niya na lang pinansin ang sinabi ni Zayn.
"Who?" Takang saad ni Dara.
"Astreae." Nakangising saad ni Lauren.
Napantig naman ang tenga ni Zayn at Daze sa narinig.
"Kalat na sa buong school yung suicide attempt niya kaninang umaga. Sunugod siya sa Mini Hospital ng school. Sadly, nakaligtas siya. Bakit kasi di nalang siya natuluyan?" Muling sabi ni Lauren at napairap.
"Right," sang-ayon naman Dara habang tahimik na napatango naman si Gwen na nakikinig lang. "Pero mas deserved niya ang magdusa muna bago mamatay. Boring naman kasi pag agad-agad siyang namatay."
"You're right." Sang-ayon ni Lauren.
Napakuyom si Daze ng mga kamao niya sa mga narinig. Maging si Zayn ay pinipigilan lang na magsalita. Hindi nila gusto ang naririnig nila sa kanila.
"Sumusobra na kayo. Hindi niyo dapat siya pinagsasalitaan ng ganyan." Tuluyan ng hindi napigilan ni Daze ang sarili.
Kaagad namang napunta sa kanya ang atensyon nila Dara.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dara. "Naririnig mo ba ang sarili mo kuya?"
Hindi sumagot si Daze.
Sarkastikong tumawa si Dara. "At pinagtataggol mo pa talaga siya. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya kay Atlanta?! Muntik niya ng pinatay—"
Bahagyang silang napatalon sa kinauupuan nila ng biglang hampasin ni Daze ang lamesa. Napalingon narin sa kanila ang ilang mga estudyante na malapit sa direksyon nila.
"Pwede ba Dara, tigilan mo na ang kakahusga ng tao! Hindi naman natin alam ang totoong nangyari—"
"You know what! Pansin ko ang pagbabago mo simula ng bumalik ka dito! Bakit iba na yata ang trato mo kay Astreae? May nangyari ba habang magkasama kayo? Ano? Ha?!" Sigaw rin ni Dara pabalik.
"Astreae is a good person Dara. Nakita ko yon habang nakikipaglaban kami sa labas. Untang ko rin sa kanya ang buhay ko. Iniligtas niya ako Dara." Mahinahong saad rin ni Zayn.
Galit na napalingon naman si Dara sa kanya at napatayo sa kinauupuan.
"Pati ba naman ikaw babe?! Ano bang nangyayari sa inyo! Ginayuma ba kayo ng babaeng yon kaya kayo nagkakaganyan?!" Sigaw ni Dara sa dalawa. "Ok fine! Magsama kayo!"
Akmang aalis na siya pero napalingon siyang muli kay Zayn. "Let's break up!" Sabi niya saka nagwalk out.
"Dara, wait!"
Mabilis namang sinundan ni Zayn ang galit na galit na kasintahan. Nawalan na rin ng gana si Daze kaya napagdisesyonan niyang umalis. Tumungo siya kay Astreae.
Walang tao ng makarating siya roon kaya nakahinga siya ng malalim. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmamasdan si Astreae. Wala parin itong malay hanggang ngayon. May ilang sugat sa mukha niya at medyo ok na ang saksak niya. Kailangan lang daw ng pahinga.
Sabi rin ng doctor ay depressed siya.
Napayuko si Daze at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Astreae.
Alam niyang affected parin si Astreae sa pagkamatay ng Lola niya. Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano nasaktan si Astreae sa ginawa niya pero ginawa niya lang naman yon para iligtas ito.
"Galit ka parin ba sa akin?" Tanong niya kahit alam niyang hindi naman nito naririnig. Napayuko na lang siya at hinalikan ang kamay ni Astreae.
Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Diego. Kaagad dumilim ang mukha ni Diego sa naabutan. Napatayo si Daze at hinarap si Diego.
"Bakit ka ba nandito! You hated her!" Kaagad na sigaw ni Diego sa kanya. Hindi siya sumagot. Akmang aalis na siya ng bigla siyang sinapak ni Diego dahilan para mapatumba siya sa sahig. Napakuyom ng kamao si Daze at hinawakan ang nagdurugong labi.
"Sa oras na malaman ko na may kinalaman ka kung bakit nagkakaganyan si Astreae...papatayin kita gago ka! Ang kapal ng mukha mong dalawin siya dito!" Dinuro siya ni Diego habang sumisigaw.
Tumayo naman si Daze at hindi na napigilan ang sarili na sapakin rin si Diego. Ito naman ang napatumba sa sahig.
"Wala kang alam! Gago!" Sagot ni Daze. Mabilis naman na tumayo si Diego at kinuwelyuhan si Daze.
"You! Wala kang ibang ginawa kundi ang saktan si Astreae!" Sigaw ni Diego.
Akmang sasagot na sana si Daze ng biglang bumukas ang pinto. Natigilan sila nang makita kung sino ang pumasok. Kaagad silang namutla at hindi nakagalaw.
"Anong kaguluhan ito?!" Sigaw ni Mayor sa kanila.
Mabilis naman silang naghiwalay dalawa pero nagpapalitan parin sila ng masamang tingin.
"Get out! Hindi ko na kayo pinapayagan pa na dalawin ang anak ko! Mga walang respeto!"
"Sorry po."
Napayuko na lang sila at wala ng nagawa kundi ang lumabas.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...