12: One Down

989 48 7
                                    

Third Person's POV









"So now what? Ano na ang gagawin natin ngayon?"


Napabuntung-hininga na lang si Jerome nang marinig ang tanong ni Eustace sa kanya. Napakadaldal nito at kanina pa nagsasalita habang si Diego naman ay tahimik lang habang dahan-dahan silang naglalakad tatlo. Pansin ni Jerome na malalim ang iniisip nito dahil bumabangga ito sa likod niya palagi habang naglalakad sila.

"Ok ka lang, Diego?" Hindi na napigilan ni Jerome ang mag tanong. Napatingin naman si Diego sa kanya at mabilis na umiling.

"Hindi ako ok. Nag-aalala ako para sa iba nating kasama at kay... Astreae. Sana ok lang sila.." sabi nito at bumuntong-hininga.

Napabuntung-hininga na rin silang tatlo. Mas lalo silang kinakabahan ngayong tatlo na lamang sila. Hindi sila makapagdesisyon ng maayos kung ano ba ang dapat na gagawin. Nasa sistema parin nila ang takot pero kailangan nilang kumilos. At sa kanilang tatlo ay aminado si Jerome na siya lang ang matino. Wala sa sarili ang isa habang ang isa naman ay gago at baka ipahamak lang sila.

Ano na..

Muling napabuntung-hininga si Jerome at humarap sa dalawa. "Siguro ituloy na lang natin ang plano. Puntahan natin ang mga Convenience Stores na malapit dito sa atin at kumuha ng stocks. Maaari rin tayong makahanap ng cellphone doon. Sinaulo ko ang number Jonathan kanina kaya pwede natin silang matawagan." Sabi niya sa dalawa. Napatango naman ang mga ito at tahimik na sumunod sa kanya.

Maingat sila sa mga kilos nilang tatlo at pag may naririnig silang kakaiba ay mabilis silang nagtatago. Narating nila ang 7/11 kaya huminto na sila at doon napagdisesyonan na pumasok. Buti at hindi nakalock kaya mabilis silang nakapasok sa loob. Madilim, tahimik at napakacreepy ng loob kaya kaya naman ay napahawak ang matatakutin na si Eustace sa dalawang kasama niya.

"Guys masama ang pakiramdam ko dito. Bumalik na lang kaya tayo?" Mahinang bulong nito sa dalawa.

Napairap naman ang dalawa sa narinig mula kay Eustace.

"Kung gusto mo ikaw na lang ang bumalik doon. Ok lang naman eh." Sagot ni Jerome na nagpailing kay Eustace ng maraming beses. Napangiwi sina Jerome at Diego sa inaasta ni Eustace.

"Pare bakla ka ba?"

"Taena, hindi no!"

"Eh, hindi naman pala eh bakit ka natatakot? Babae ka ba?"

"Fine, Fine! Oo na, hindi na ako magrereklamo."

Sinenyasan ni Diego ang dalawa na tumahimik. Kaya naging alerto naman ang dalawa at mas lalong nadagdagan ang takot ni Eustace sa inaasta ni Diego.

"Bro bakit-"


"Tangina sabi ng wag maingay!" Maingat na bulong ni Diego.

"Bakit ba kasi-" hindi na natapos ni Eustace ang sasabihin ng marinig sila ng kalabog sa may di-kalayuan.

May nahulog na mga bagay na inilagay sa taas. At nakarinig rin sila ng yabag na hindi nila mawari kung saan nanggagaling. Nabalot sila ng takot tatlo at nagdikit-dikit sila sa isa't-isa. Hindi nila alam kung ano yon pero sigurado sila na may kasama sila sa loob at natatakot silang alamin yon.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon