19: Left Behind

900 49 17
                                    

"Hayaan mo na natin sila."

Nagsitanguan silang lahat sa sinabi ni Daze at muli nilang sinarado ang pinto. Tahimik silang bumalik sa dati nilang pwesto at umupo sa sahig.

Napasulyap si Daze sa papa ni Astreae na nasa gilid. Mahimbing itong natutulog at walang kaalam-alam sa nangyari sa anak niya. Hindi kasi nila napansin ang papa ni Astreae kanina dahil tutok na tutok sila kay Zayn at halo-halo ang nararamdaman nila.

Hindi nila napansin na knock out na pala sa gilid ang papa ni Astreae. Dahil siguro sa sobrang pagod kakatakbo, medyo nakainom rin ito at hula ni Daze ay wala itong maayos na tulog. 6 hours straight din itong natutulog sa gilid buti na lang at may nakita silang kumot at unan kaya maayos ang lagay niya.

Si Patrick naman ay nasa gilid nakaupo habang nakatulala. Kinuha na rin nila ang baril dahil baka ulitin pa nito ang ginawa kanina. Nawalan na sila ng tiwala sa kaniya.

Napalingon silang lahat sa papa ni Astreae ng gumalaw ito at dahan-dahang bumangon.

Mabilis na tumakbo si Daze at Gino para alalayan ang Mayor.

"Mayor, ayos lang kayo?" Tanong ni Daze.

Tahimik na tumango naman ang Mayor. Pansin nila na bahagya ng bumabalik ang lakas nito. Binigyan nila ng biscuit si Mayor at tubig.

"Kumain po muna kayo Tito." Sabi namin ni Gino pero hindi pinansin ni Mayor ang pagkaing nakalahad sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napansin niyang may kulang.

Wala yung isang binata na kasama niya lang kanina. Wala rin ang anak niya.

"Nasaan ang anak ko?" Nakakunot noong tanong ng Mayor sa mga binata.

Natigilan silang lahat at walang nakasagot. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Napakuyom ang kamao ng Mayor. May hindi siya magandang nararamdaman sa mga pangyayari.

"Nasaan ang anak ko?!"

"P-Pa! I'm here!"

Napalingon silang lahat kay Astreae na kakalabas pa lang sa CR. Nakasunod naman ang bagong gising na si Zayn sa likod niya at humihikab pa.

Tumakbo si Astreae papunta sa papa niya at niyakap ito.

"I'm fine."

"Saan ka galing? Bakit kayo magkasama?" Tanong ng papa ni Astreae habang nakatitig kay Zayn. Bahagya namang nagtago si Zayn sa likod ni Daze dahil sa sama ng tingin ng Papa ni Astreae sa kanya.

"Wala Pa. May tinignan lang kami." Pagsisinungaling ni Astreae. Kinuha niya ang biscuits at tubig mula kay Gino at binuksan niya at ibinigay sa papa niya.

"Kumain ka muna Pa. Para naman bumalik na ang lakas mo. Alam kong ilang araw ka ng hindi kumakain."

Tumango ang Mayor at sinunod ang sinabi ng anak niya. Pero may pagtataka pa rin sa mukha nito pero kalaunan ay ipinagsawalangbahala niya na lang.

***

"Hindi siya si Atlanta."

"Pero kamukha niya si Atlanta. Pwede natin siyang dalhin kay Abaddon."

"Malalagot lang tayo kay Abaddon pag nalaman niya."

"Anong gagawin natin?"

"Hindi ko alam. Bahala na."

Nagising si Astreae ng makarinig siya ng ingay sa palagid. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sahig. Mahimbing pa rin na natutulog ang papa niya sa tabi niya. Nasa may hindi kalayuan naman sina Daze at iba pa nilang kasama na natutulog pa rin.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon