Third Person's POV
Malalim ang iniisip ni Astreae habang hinihimas ang kwintas niya. Iniisip niya parin ang lahat ng hindi kapani-paniwala na mga nangyari sa kanya. Walang matino ang pumapasok sa isip niya. Wala rin siyang mabuong sagot sa mga tanong niya.
Maya-maya pa ay napabuntung-hininga na lang siya at mariing napapikit. Sa dami ng iniisip niya ay sumasakit na ang ulo niya.
"Hey.."
Napatingin siya sa lalaking dumating at umupo sa tabi niya. Inilahad nito ang isang coke in can at pansin niya nakabukas na ito. Pilit siyang ngumiti sa lalaki at tinanggap ang coke.
"Er.. thanks. Joel right?" Hindi siguradong tanong niya sa lalaki. Tumango naman ito kaya napahinga siya. Akala niya natawag niya ang lalaki sa ibang pangalan. Sina Joel at Patrick kasi ang hindi niya masyadong kilala sa grupo.Hindi naman kasi sila magkakilala. Namumukhaan niya ang lalaki dahil madalas magkasalubong ang landas nila sa school. Schoolmate niya lang ata.
At ito ang unang pagkakataon na nag-usap sila ng sila-sila lang.
Tinitigan niya muna ng ilang segundo ang coke saka niya ito ininom. Medyo bumuti ang pakiramdam niya ng maramdaman niya ang malamig na inumin.Dahil tulala si Astreae ay hindi niya napansin na nakatingin ang lahat ng kasama nila sa kanilang dalawa ni Joel. Sa kanilang lahat ay mas nangingibabaw ang tingin ni Diego, Gino, Daze at Zayn. Hindi maipinta ang mga mukha nila.
"You ok?" Kita niya sa gilid ng mata niya na nakatingin ito sa kanya habang umiinom rin ng coke.
Bumuntong-hininga niya at pinanatili ang tingin sa unahan.
"I'm not ok." Matipid na sagot niya saka inisang lagok ang coke. Tahimik niyang pinunasan ang labi niya habang malalim parin ang iniisip.
"You know, I really admired your bravery. Hindi lahat ng babae ganyan ka tapang katulad mo." Panimula nito. "I like girls like you."
Natigilan si Astreae sa narinig pero hindi siya lumingon sa lalaki dahil alam niya namang nakatingin ito sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya at hindi niya gusto ang nararamdaman.
Is he hitting on me? Ani ni Astreae sa isip niya.
Pilit niyang iwinawaksi ang iniisip. Nasa gitna sila ng panganib at wala siyang planong mag entertain ng manliligaw. Marami pa siyang ibang gustong gawin na importante kaysa dito. Ayaw niya rin naman pangunahan ang lalaki. Baka rin naman gusto lang nitong makipagkaibigan sa kanya.
Pero iba kasi ang tuno nito at iba rin makatingin. Sigurado siyang may something.
"Oh Thank you?" Hindi siguradong sabi niya. Hindi niya alam kung ano ang tamang isagot sa sinabi nito. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ni Astreae gaya ng nakasanayan.
"Can I ask you something? Matagal ko na tong gustong sabihin—"
"Can we talk?"
Hindi na natapos ang sasabihin sana ni Joel ng sumingit si Daze sa usapan nila. Mariin itong nakatingin kay Astreae, nagtatangis ang bagang at masama kung makatingin. Medyo natakot si Joel dito kaya bahagya itong lumayo.
"S-sige alis muna ako." Mabilis na sabi ni Joel bago tuluyang umalis.
Mabilis namang hinawakan ni Daze ang pulsuhan ni Astreae at hinila siya sa pinakasulok ng lugar. Nasa madilim na parte sila at medyo malayo sa mga kasamahan. Nagtaka si Astreae kung anong pag-uusapan nila. Napakaseryoso kasi ng mukha ni Daze.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...