Tahimik akong naglalakad sa hallway ng biglang may umakbay sa akin. Sa gulat ko ay nasiko ko siya ng hindi namamalayan.
"Ouch! Astreae!"
My eyes widened when I recognize Diego's face. "Wag ka ngang basta na lang sumusulpot!" I said. Half annoyed.
Nakangiwi niya ulit akong inakbayan. "Nakakailan ka na ha? Hahalikan na talaga kita pag siniko mo pa ako ulit."
I groaned. "Yuck!"
Napatawa siya sa reaksyon ko. "Kunyari ka pa eh, gusto mo namang halikan kita."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up, you're gross."
Tumawa lang ulit siya. Hindi ko maiwasang maiingit sa kanya. Kasi nagagawa niya paring tumawa kahit ang dami naming problema. I wish I can laugh like him. Pero kasi natatawa lang ako pagkasama sila ng mga kaibigan ko.
Pinagmamasdan ko siya. He's still smiling..
But I know deep down he's breaking. Alam kong malungkot siya. I know him well.
Binalik ko ang tingin ko sa unahan at nagsimula ulit kaming maglakad.
I stop walking when I saw someone. Maging si Diego ay napatigil rin sa paglalakad at napatingin sa direksyon kung saan ako nakatingin.
"Gino.." mahinang sabi ko at hindi ko akalaing maririnig niya. Napalingon siya sa amin.
Nang magtama ang paningin namin ay binigyan niya ako ng malamig na tingin. Pero napakunot ang noo niya ng makita si Diego na nakaakbay sa akin. Iniwas niya ang tingin sa amin at mabilis na naglakad palayo.
"Gino! Wait!"
Tinanggal ko ang braso ni Diego na nakaakbay sa akin at mabilis na humabol kay Gino. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"What do you want?" Malamig na saad niya.
Napalunok ako at huminga ng malalim. "We need to talk-"
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa."
Natigilan ako ng marinig ang mariin niyang boses. Tumalikod na siya sa akin at mabilis na naglakad palayo. Sinundan ko parin siya. Hindi kami magkakaayos pag hindi ko siya kinulit.
Sa bilis niyang maglakad ay nakarating kami sa lugar na walang masyadong tao.
Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang braso niya para pahintuin siya sa paglalakad.
"Are you still mad at me?" Di ko mapigilang tanong sakanya. "Ok naman tayo kahapon-"
"Hindi tayo ok hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo!"
Napapikit ako ng sigawan niya ako.
"Ano ba talaga ang nagyari sa inyo ng kambal mo? At bakit ka nagpapanggap-" Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya sana. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. "Alam ko ang ginagawa mo..at hindi ko alam kung may pakialam ka pa ba sa nangyari sa kambal mo."
Tinignan niya ako ng mariin. "Hindi na kita kilala.."
Muli na siyang tumalikod at naglakad palayo. Natulala ako ng ilang saglit.
"G-Gino..!"
Susundan ko na sana siya uli ng may nagsalita sa likod ko.
"So you really are like that huh?"
Natigilan ako at napalingon sa direksyon ng nagsalita. I saw him.. looking intently on me.
"Daze.." sabi ko at napakuyom. Ang hilig niya talagang makinig sa usapan ng iba. Chismoso!
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...