39: Battle Between Heart and Mind

715 40 17
                                    

Mariin akong napapikit habang dinadama ang dugong tumutulo mula sa tiyan ko patungo sa kamay ko. Huminga ako ng malalim at naramdaman kong muli ang enerhiyang lumabas sa kamay ko patungo sa sugat ko. Pinilit kong hindi sumigaw sa sakit na dulot nito.

Ilang minuto pa ay naghilom na ang sugat ko. Saka ako dahan-dahang tumayo at muling hinarap ang kambal ko.

Nakahinga ng maluwag ang papa ko at ang mga kasamahan ko nang makitang ok na ako. Umayos ako ng tayo at pinakatitigan ng mabuti ang kambal ko. Laglag ang panga niya habang nakatingin sa akin ng may gulat na ekspresyon sa mukha.

Pero kalaunan ay napairap siya.

"Totoo nga talaga ang sinabi nila. Nasa iyo ang kalahati ng kapangyarihan ni Abaddon."

Hindi ako sumagot.

"Abaddon! Lumabas ka na! Nandito na si Atlanta!" Biglaang sigaw ni Astreae na nagpalaki ng mga mata namin. Kaagad naman akong nag handa para lumaban at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa katana ko. Palihim kong sinilip ang golden dagger na ibinigay ni Papa sa akin na ngayon ay nakatago sa loob ng boots ko.

Out of nowhere nakarinig kami ng ingay at mga yabag ng paa na animo'y tumatakbo. Napalingon-lingon kami sa paligid para tingnan kung saan galing ang ingay pero nalilito kami. Ibinalik ko ang tingin ko kay Astreae pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala na siya sa dati niyang kinatatayuan. Akmang magsasalita na ako ng bigla kaming nakakita ng napakaraming zombies na paparating.

Madami sila at nakapalibot sila sa amin!

Nagsigawan kaming lahat sa takot at pangamba.

"Tangina!"

"Andami nila!"

Kaagad kaming kumilos lahat para pigilan silang makalapit sa amin. Muli kong narinig ang nakakabinging putok ng mga baril at mga sigawan. Marahas, mabilis at puno ng galit ang bawat panghampas ko sa mga zombies na nakikita ko ngunit sa dami ng zombies na papalapit sa akin, isa sa kanila ang nakahablot sa pulsuhan ko at kinagat ako.

"Argh!"

Ramdam ko ang sakit ng pagbaon ng ngipin nito sa balat ko. Napahiga ako sa lupa ng paibabawan ako nito.

"Atlanta!" Rinig kong sigaw ni Daze na nasa malapit ko. Tinadyakan niya ang zombie na nasaibabaw ko at pinutol ang ulo nito. Binalikan niya ako at napatulala siya habang nakatingin sa kagat na nasa pulsuhan ko.

"N-No...No!" Sigaw niya.

"Daze—!"

Bago pa man ako makapagsalita ay iniwan niya na ako at binalikan niya ang zombie na kumagat sa akin na kasalukuyang nasa lupa na at putol ang ulo. Galit siyang sumigaw at paulit-ulit na pinaghahampas ang katawan nito. Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya para pigilan siya sa pagwawala. Hindi pa siya nakuntento, tinapakan niya pa at pinagsisipa ang ulo nito kaya kitang-kita ko ang paglabas ng utak nito at pagtalsik nito sa damit ko.

Gusto ko ng masuka pero pinigilan ko ang sarili ko.

"D-Daze! Calm down!" Sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Patuloy lang siya sa pagtadyak habang nagmumura. Kita ko rin ang paglandas ng luha sa mga pisngi niya. Umiiyak na siya.

"Daze I'm fine!" Saad ko at hinawakan ang magkabila niyang pisngi at iniharap ko siya sa akin. Kita ko ang takot at galit sa mga mata niya. Ang mga luha sa mga mata niya ay lumandas na sa mga kamay ko. Natigil na siya sa ginagawa niya ng halikan ko siya sa labi. Pagkatapos maglapat ng mga labi namin ay isinandal ko ang noo ko sa kanya habang nasa magkabilang pisngi niya parin ang kamay ko.

Ramdam ko parin ang pagpapanic niya dahil malikot ang mga mata niya.

"Daze, please calm down. I'm fine. See?"

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon