Pilit kong pinapakalma ang dalawang bata. Pinupunasan ko ang mga luha sa mga mata nila.
"Sshh..stop crying. Everything is going to be alright."
Alam ko sa sarili ko na walang kasiguraduhan ang lahat pero gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para maprotektahan ang dalawa. Eustace is important to me and so as his siblings.
"Where is tita Eula? Nasaan ang mama niyo?"
Lalo silang napaiyak dalawa sa sinabi ko.
"A-Ate.. y-yesterday.." huminga muna ng malalim si Eunice dahil nahihirapan na siyang magsalita dahil sa kakaiyak. Hinagod ko ang likod niya. "M-Mama told us to h-hide h-here. She s-said s-she'll get foods for us b-but she didn't c-came back.." humihikbi na saad ni Eunice.
"But before she leave, I notice her hand..." Napakalakas ang iyak ni Eunice kaya mabilis ko siyang kinalma. Mahirap na baka marinig kami sa labas.
"S-She got b-bitten by the zombies!"
Tuloy-tuloy ang paglandas ng luha sa pisngi ko sa nalaman. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit.
Tita Eula is very kind to me. Madalas kaming mag-kakaibigan pumunta sa bahay nila Eustace noon para makalaro sina Jujun at Eunice. Tita Eula is a great cook, sobrang paborito ko ang mga luto niya. She's a single mother. Kahit siya lang mag-isa ay napalaki niya ng maayos sina Eustace. Hindi sila mayaman pero may mabuti silang kalooban. Madalas ko silang bigyan ng pera dahil naaawa na ako pero ni minsan hindi tinaggap ni Tita.
I miss her.
Eustace surely missed her.
I can't imagine how Eustace would react once he finds out about this. He loves his mother so much. At nasasaktan ako para sa kaibigan ko.
"A-Ate gutom na k-kami.." umiiyak na saad ni Jujun.
Napabuntung-hininga ako at pinaupo muna ang dalawa sa gilid. Pinunasan ko muna ang luha ko sa mga mata ko bago tumayo. Damn, I became a crybaby because of this bullshit Apocalypse.
Binalingan ko ng tingin si Daze nakanina pa nakamasid sa akin. Hinawakan ko siya sa pulsuhan. Dinala ko siya sa isang sulok kung saan hindi kami masyadong maririnig ng mga bata.
"Daze.." huminga ako ng malalim at tinignan siya ng deretso sa mata. "Anong gagawin natin?"
"I scanned the place and there's nothing but clothes and stuffs. Walang pagkain."
"I know." Sagot ko saka napabuntung-hininga. Natigilan ako nang bigla akong may naisip. "Wait, this boutique is in Zone 1 right?" I asked. Tumango naman siya.
"Sobrang lapit lang ng bahay ni Lala dito. We can go there!"
Tumango siya.
"We'll go there."
Binalikan namin ang mga bata. Inayos ko muna ang mga buhok nila saka sila nginitian.
"You'll eat later. Tiis muna ok? Pupunta tayo sa bahay ng Lola ko. Andaming pagkain doon! " I tried to smile. Tumango naman silang dalawa kahit halatang hinang-hina na sila sa sobrang gutom.
Nilingon ko si Daze.
"Tara na."
Tumango naman siya at binuhat si Eunice. Mas mabigat kasi si Eunice keysa kay Junjun kaya ako na ang bumuhat kay Junjun.
Sinenyasan ko na wag maingay si Jujun na buhat ko kaya naman ay mabilis niyang tinakpan ang bibig niya ng makakita kami ng mga zombies na nasa labas tahimik na naglalakad. Sa madilim na kanto kami dumaan para hindi kami masyadong mapansin. Pagkatapos naming lumiko sa isang kanto ay natanaw ko ang bahay ni Lala.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...