***
Astreae's POV
"La, bakit ganun? Gusto ko lang naman makipaglaro kay twinny pero nagalit siya sa akin at sabi niya ang kulit ko raw." Nakabusangot na saad ko kay Lala. "Oo na makulit na ako pero lala masama ba yon?"
Tumawa si Lala sa akin.
"Halaka nga dito." Nakangiting saad niya kaya lumapit ako sa kanya. Pinaupo niya naman ako sa hita niya at pinunasan ang pawis sa noo ko. Galing pa ako sa paglalaro kasama ng mga kaibigan ko bago ako pumunta dito.
"Apo parte ng mga bata ang pagiging makulit. Bata ka pa kaya normal na makulit ka."
Mas lalo akong napasimangot.
"Bata din naman siya ah? Pero bakit ang sungit niya na? Tsaka palagi siyang nakakulong sa kwarto niya eh Kaya siya masungit kasi wala siyang friends. Ako marami."
Napailing na lang si Lala sa akin.
"May pinagdadaanan pa ngayon ang kambal mo. Kaya wag mo muna siyang guluhin ngayon. Hayaan mo muna siya apo.."
Tumango na lang ako.
"Teka," saad ni Lala at pinababa ako. Pumunta siya sa aparador at may kinuha na box sa pinakataas ng aparador. Gawa ito sa kahoy at nakalock pa. Inilihad ni Lala ang susi sa akin at tinaggap ko naman.
"La ano to?" Akmang hahawakan ko na ang box pero inalayo ito ni Lala sa akin.
"Saka mo na ito buksan pag lumaki ka na." Ngumiti sa akin si Lala at pinantayan ako. Hinimas niya ang pisngi ko. "Tandaan mo apo, lahat ng tanong sa isip mo ay nasaloob ng kahon na ito ang sagot."
Bahagya akong tumango kahit wala pa akong masyadong maintindihan. Laruan kaya ang nasa loob ng kahon?
"Basta apo manalig ka lang sa diyos. Siya lang ang makakatulong sa iyo."
Napabalikwas ako at hinihingal na bumangon. Pero hindi ako tuluyang nakabangon nang naramdaman ko ang mahigpit na kamay na nakalibot sa beywang ko. Napahiga ako ulit at inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napagtanto kong nasa isang kwarto ako.
Mamahalin ang mga kagamitan at sobrang linis. Ibinaling ko ang tingin ko sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagalaw niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Daze ito. Mahimbing na natutulog at mahigpit ang yakap sa akin. Nakasiksik pa ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang malalim niyang hininga na nagpapakiliti sa akin.
Shit.
Dahan-dahan kong kinuha ang braso niyang nakapalibot sa beywang ko. Dahan-dahan din akong bumangon at lumayo na sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang mahimbing parin siyang natutulog.
Humarap ako sa bintana at napabuntung-hininga.
The box..
Nakalimutan ko na ang tungkol doon dahil bata pa ako nung sinabihan ako ni Lala tungkol sa box na yon. At dahil sa panaginip ko ay naalala ko na ito. Curious talaga ako kung anong laman ng box na yon. Nasa taas ng aparador pa rin kaya iyon?
"..lahat ng tanong sa isip mo ay nasa loob ng kahon ang sagot."
La sana nga. Sana nga nasa loob ng kahon na yon ang lahat ng kasagutan. Kasi gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam ang pagkatao ko.
Kailangan kong hanapin ang box na yon.
Bago ako tuluyang umalis ay sinigurado ko muna ang kaligtasan ng mga bata at si Daze. Mahimbing silang natutulog kaya nakahinga ako ng maluwag. Napagtanto ko rin nasa bahay pala kami ni Daze. Malapit lang naman ang bahay ni Daze sa bahay ni Lala kaya mabilis akong nakarating.
5:30 am palang din naman kaya medyo madilim pa at hindi naman ako nakasalubong ng zombie sa labas. Mamaya pag maliwanag na ang buong paligid, sigurado akong marami na ang mga zombie na magpakalat-kalat sa paligid. Hindi ako sure kung makakabalik ba ako kaagad.
Sira ang pintuan pag dating ko. It reminded me of what happened last night. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano nangyari yon. Hindi rin ako sure kung ako rin ba ang may gawa.
Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko.
Maraming dugo ang paligid, sira ang mga kagamitan, maputik ang sahig. Halos hindi ko na nakikilala ang bahay ni Lala.
Mabigat ang bawat hakbang ko ng makarating ako sa second floor. Wala na akong nakitang kahit isang katawan ng mga zombies. I didn't even found Lala's body. Para bang walang nangyaring masama kagabi. Pilit kong iwinawaksi ang mga emahe na pumasok sa isip ko. Ayoko ng maalala pa ulit ang nangyari kagabi.
Lumapit ako sa isang pamilyar na aparador sa gilid. Kaagad akong nakahinga ng malalim ng makita ang box na nasa taas pa rin. Inabot ko ito at dahan-dahang kinuha. Medyo mabigat ang box kasi nga gawa ito sa kahoy. Napaubo rin ako ng makitang napakadaming alikabok dito.
Nilagay ko ang box sa sahig at umupo na rin ako. Napatingin ako sa dalawang kwentas na suot ko. Ang isa ay may nakalagay na Atlanta, At ang isa ay ang locket kung saan naroroon ang susi. Kinuha ko na ang susi mula sa locket at binuksan ang box.
Kumakabog ng malakas ang dib-dib ko. Kinakabahan ako sa kung ano man ang makita ko sa loob at kung ano man ang malaman ko tungkol sa pagkatao ko.
This is it..
Tuluyan ko ng binuksan ang box.
Unang bumungad sa akin ang picture namin ng kambal ko kasama si Lala. Nakangiti kaming tatlo sa camera. Bakas ang saya sa mga mata namin. I remembered this. Grade 1 pa ako nung nagpasyal kami ni Lala sa isang playground. That day was one of the best days of my life. I never forget it.
"Atlanta and Astreae, my adorable apo." Basa ko likod ng pic. Kilalang-kilala ko ang handwriting ni Lala. Sigurado ako.
"Lala..I-I miss you.."
Sobrang kirot ng puso ko kaya minabuti kong iaangat ang tingin ko para pigilan ang mga luha ko. Akala ko hindi na ako masasaktan at iiyak pero iba talaga pag pamilya ang pinag-uusapan.
Sunod na nakita ko naman ay ang picture ng mga magulang ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi. Nakangiti rin sila mama at papa sa pic at pansin na pansin ang malaking tiyan ni Mama. Buntis siya dito.
"Jaea and Andrius." Basa ko sa nakasulat sa likod. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "M-Ma, P-Pa..I miss you."
Sunod na nakita ko ay isa na namang picture. This time kami na ng kambal ko noong sangol pa kami.
"Astreae Gin Archeron and Atlanta Gresel Archeron." Basa ko sa nakasulat sa likod.
Natigilan ako sa napakunot ang noo. Wait, what?
I only know, Astreae Ferer and Atlanta Ferer. Paanong naging Archeron kami? At may second name pa talaga kaming Gin at Gresel. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tama nga ang hinala ko na may kulang sa pagkatao ko.
Astreae Gin Archeron and Atlanta Gresel Archeron, huh?
Ano ba talaga ang hindi ko alam?
Huminga ako ng malalim ng makita ko ang huling bagay na nasa loob ng kahon. Isa itong envelope at may sulat na nasa loob nito.
Galing kay mama para sa amin ng kambal ko.
Pagkatapos kong mabasa ang sulat ay napaiyak ako. Akala ko wala ng ikakasakit pa ang pagkamatay ni Lala. Meron pa pala.
Alam ko na ang lahat..
And I really deserved to die.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...