"Pa m-may tinatago ka ba sa akin?"
"Oo at alam ko ring may itinatago ka rin sa akin, anak."
Hindi mawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Papa kanina. Alam naming pareho na may sekreto kami sa isa't-isa at wala rin kaming balak na magsalita.
Napabuntung-hininga ako. Wala na akong ibang magagawa kundi ang bantayan ang mga kilos niya. Gusto kong malaman ang lahat at alam ko na wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko ng makarating kami sa harap ng watch tower. Nakasunod sa akin sina Daze at Zayn na nakaalalay kay Papa. Hinang-hina na si Papa kaya mabagal lang ang lakad namin. Buti na lang at parang umayon sa amin ang lahat dahil wala kaming nakita na kahit isang zombie sa daan.
Nanginginig man ang kamay ay mabilis akong lumapit sa pintuan at ginamit ko ang susi para buksan ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ko itong nabuksan. Sinenyasan ko sila Daze na mauna at sumunod naman sila sa akin. Sabay silang pumasok tatlo. Hindi kasi nila pwedeng bitawan si Papa dahil wala itong lakas na umakyat sa hagdan maging maglakad man.
"I told you, anak. Wala kayong makikitang kahit na ano dito." Rinig kong bulong ni Papa. Kanina pa niya yan sinasabi at hindi ko na lang pinapansin. Ayokong mawalan ng pag-asa nang walang ginagawa. Gusto ko pa ring subukan.
Sumunod naman ako papasok kaagad at sinarado ang pinto. Nagsimula na akong humakbang paakyat ng hagdan.
Glass walls ang nasa gilid ng hagdanan kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng lungsod habang patuloy ako sa pag-akyat. This is my favorite place since I was a kid. Bukod sa maganda ang view at nasa mataas na lugar ay walang tao palagi dito. Dito ako tumatakbo sa tuwing malungkot ako at kahit masaya man ay dito parin ako pumupunta.
I really love this place.
And baka ito na rin ang huling pagkakataon na makapunta ako dito.
Kung noon ay pag ganitong oras ay napaka ganda ng view dahil sa city lights pero ngayon walang hanggang kadiliman na ang nakikita ko. Nakakalungkot na umabot sa ganito ang lahat.
Huminga ako ng malalim ng tuluyan kaming makarating sa mataas na parte. May isa pang pinto pero hindi na ito nakalock kaya nagawa itong buksan nila Daze. Nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ay inupo nila si Papa sa isang upuan. Ako naman ay napatingin sa glass wall at lumapit dito. Nahigit ko ang hininga ko ng makumpirma kong nakasarado nga ang main gate ng city.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.
Matutuwa dahil hindi madadamay ang ibang lungsod sa nararanasan namin ngayon. Malulungkot dahil may maliit na lang kami na tyansa na makalabas sa impyernong ito.
We are trapped in this city of Hell.
Medyo natigilan ako ng may pumasok sa isip ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng watch tower. Ang watch tower rin ay nagsisilbing Operations Room ng lungsod namin. Nako-control dito ang pagbukas at pag sarado ng main gate. Nakikita rin namin ang lahat ng kaganapan sa buong bayan dahil dito minomonitor ang mga CCTV cameras sa buong lungsod. Kaya andaming screens na nakapalibot dito sa loob ng watch tower. Nakapagtataka lang ay black lang ang screens at parang hindi na gumagana.
Sinubukan ko rin ang mga telephones na may connection sa ibang kalapit na lungsod pero hindi na ito gumagana.
Nilapitan ko ang maraming buttons na hindi ko alam kung para saan. Pinasadahan ko ito ng tingin hanggang sa nakita ko yung red button na nasa may pinakasentro. Malakas ang kutob ko na yon ang kumukontrol sa Main gate.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...