"Ok ka lang?"
Hindi ko maiwasang mag-aalala sa pagiging tahimik ni Diego. Kanina pa siya mukhang wala sa mood. Tahimik lang kaming nakaupo sa damo habang nakatingala at nakatingin sa mga bituin sa langit.
Bumuntong-hininga ako dahil wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. "May problema ba?"
Dahan-dahang lumingon si Diego sa akin at kaagad napakirot ang puso ko ng makita ang lungkot, sakit at pangamba sa mga mata niya.
"Magbabalikan na ba kayo ni Daze?"
May kung anong bumara sa lalamunan ko sa naging tanong niya. Hindi ako nakasagot. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa labi niya at binaling niyang muli ang tingin niya sa langit.
"Oo nga pala. Hindi kayo magbabalikan kasi hindi naman talaga kayo naghiwalay in the first place. So basically, girlfriend ka parin niya. Ang tanga ko talaga!" Sabi niya at tumawa. Pero walang bakas na saya ang boses niya. Ramdam ko ang pait dito kaya naman ay napayuko ako.
Diego is always a good friend to me. Hindi niya ako pinabayaan, hindi niya ako iniwan at hindi niya ako sinaktan. Pero heto ako at walang ibang nagawa kundi ang saktan siya. Nakakainis kasi hindi niya dapat maranasan to.
"Diego—"
"Aware ka naman Atlanta diba? Aware ka naman sa feelings ko para sayo diba? Wala ba talaga akong pag-asa? Kasi kung wala hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sayo. Kaya ko namang lumayo pag hiniling mo." Saad niya habang nakatingin parin sa kalangitan.
Ako naman ay nakatingin sa kanya.
Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko siya. Diego don't deserve this pero kasi kahit na anong gawin ko, si Daze parin ang nilalaman ng puso ko.
Alam ko na talaga ang feelings niya para sa akin kasi nahahalata ko ito sa mga maliliit niyang kilos. Pag nahahalata ko na magtatapat na siya sa akin ay mabilis akong mag-change topic tapos aalis. Ang selfish ko kasi! Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin at ayaw kong lumayo siya sa akin kaya hindi ko siya kinokompronta at nireject.
Ngayon nagsisisi na ako. Kasi mas lalo siyang nasasaktan kasi umaasa siyang may pag-asa siya sa akin.
"Diego...I-I'm sorry.."
Kita ko ang pagtango-tango niya pero hindi siya lumingon sa akin.
"Ok lang. Sanay na rin naman ako." Sagot niya pero rinig ko ang unti-unting pagkabasag ng boses niya. Kahit na medyo madilim at hindi siya nakaharap sa akin, alam kong umiiyak siya.
"Kung makabalik man tayo sa dati nating pamumuhay, ipinapangako ko na lalayo na ako sayo."
Kumirot ang puso ko sa narinig. Ito ang ikinatatakot ko noon. Na iwan niya ako dahil sa feelings niya para sa akin. Ayokong mawalan ng kaibigan na katulad niya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Pero wag kang mag-alala. Babalik ako. Babalikan kita pag nasigurado ko ng wala na akong nararamdaman para sa iyo. Magkaibigan parin tayo Atlanta." Saad niya at ngumiti.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako ng mahigpit habang hinihimas ang likod ko.
"Magpakatatag ka, Atlanta."
Tahimik na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na sana gusto na umiyak pa pero hindi ko na napigilan. Diego is worthy for my tears, though.
"Thank you for all you've done for me. I love you as a friend, Diego. Sana, Sana sumaya ka. You are worthy to be loved Diego."
Hindi ko alam kung ilang minuto ba kaming nagyayakapan dalawa. Naghiwalay lang kami ng mag tumikhim sa likod namin. Pag lingon ko, nakita ko si Daze. Kusang umalis naman si Diego ng hindi nagsasalita. Binigyan niya kami ng privacy dalawa.
BINABASA MO ANG
TRAPPED
Horror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...