10: Don't Look Back

959 50 4
                                    

Napahinga ako ng malalim ng marinig ang hikbi niya. I just told her na aalis kaming tatlo ni Eustace at Diego at ito na ang naging reaksyon niya. Para siyang mamamatayan ng kaibigan dahil kung makaiyak wagas. Niyakap ako ng mahigpit ng umiiyak na si Sheena. Sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi na ako makahinga. Balak niya yatang patayin ako! Mabilis namang na gets ni Eustace at Diego ang sitwasyon ko kaya pinaglayo nila kaming dalawa.

Napahinga ako ng malalim habang si Sheena naman ay umiiyak parin at dahan-dahan nitong pinupunasan ang kanyang mga mata. Kahit kailan napakaiyakin niya talaga. Sa aming tatlo siya ang pinakatahimik, iyakin at madrama. Naaalala ko pa nga na iniyakan niya ang namatay kong alagang aso noon. Yes, I was sad that time pero hindi ako umiyak. Habang siya naman ay kung makaiyak parang totoong tao talaga ang namatay.

Napailing na lang ako. Hindi parin siya nagbabago.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ng mahigpit. "Astreae please promise me na babalik ka. Babalik ka ng walang galos, pasa at sugat. Please promise me...Ayokong mawalan ng kaiisa-isang kaibigan—" pinutol ni Diego at Eustace ang sasabihin niya sana.

"Anong kaisa-isa? Kaibigan mo rin kami oyy!" Reklamo ng dalawa.

Sa isang iglap biglang nagbago Ang atmosphere dahil sa sinabi nila. Hindi ko napigilan ang mapatawa habang nakatingin sa reaksyon ng dalawa. Nakakunot ang noo nilang dalawa na parang nagalit sa sinabi ni Sheena.

Nagsalubong ang kilay ni Sheena at napalingon sa kanila. "Kaisa-isang kaibigan na babae! Pwede bang patapusin niyo muna ako sa pagsasalita!" Naiinis na sabi no Sheena. Nagpeace na lang ang dalawa.

Muling humarap si Sheena sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita. Bumalik na sa dati Ang ekspresyon ng mukha niya. "Please Astreae.. promise me."

Pumikit ako ng mariin at nagsalita. "Ok."

Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata dahil alam ko na walang kasiguraduhan ang buhay ko sa oras na makalabas ako dito. Walang sino man ang nakakaalam kung anong naghihintay sa amin sa labas. Maaari akong mailigtas at maaari rin akong masawi.

Hinimas niya ang kamay ko at malungkot na ngumiti. Lumingon siya sa dalawang ugok. "Kayo ring dalawa. Kahit na gago kayo ay kaibigan ko parin kayo. Ayokong mapahamak kayo kaya sana ingatan niya ang mga sarili ninyo." sabi naman ni Eustace at Diego.

Alam kong gaya ko ay kinakabahan din sila para sa mga mangyayari sa amin sa labas. Alam kong takot rin sila lalo na si Eustace. Alam kong ginagawa rin nila to para masigurado na ligtas ang mga pamilya nila sa labas at alam kong hindi rin sila sigurado kung maliligtas ba sila at makabalik ng buhay.

"Oo naman. Basta mangako ka rin sa akin na sasagutin mo ako pag nakabalik ako ng buhay." Biro pa ni Eustace pero ramdam ko ang takot sa boses niya.

"Oo na gago."

Nagulat kaming tatlo sa naging sagot ni Sheena. Napalingon ako kay Eustace at kita ko ang paglaglag ng panga niya. Usually kasi iniiwasan ni Sheena ang pag-usapan ang tungkol sa panliligaw ni Eustace na mag-aapat na buwan na rin. Alam kong ayaw niya munang magka-boyfriend dahil inuuna niya ang pag-aaral niya pero alam kong may gusto rin siya kay Eustace pero natatakot nga lang siya dahil baka raw pinaglalaruan lang daw siya. Mahilig kasing magbiro Ang gago. Pero kahit gago yan si Eustace ay alam kong seryoso siya kay Sheena.

Naaalala ko pa nga noong naiinis pa ako kay Eustace dahil ang kulit niya. Hindi pa kami magkaibigan nun pero nangungulit siya at nagfefeeling close sa akin para daw mapalapit siya kay Sheena. Gusto ni Eustace na ako ang maging tulay sa kanila ni Sheena. Binibigyan niya pa nga ako ng chocolates noon para ibigay ko raw kay Sheena ang love letter niya dahil roommate daw kami. Nahihiya kasi siya kay Sheena dahil tumatakbo daw ito pag nilapitan niya kaya ako ang kinukulit niya. Kaya tuloy nagpakamalan ni Sheena na sa akin may gusto si Eustace noon.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon