Tahimik ako habang naglalakad kami—ay hindi pala, habang naglalakad si Zayn na buhat-buhat ako. Malayo ang tingin ko habang pilit na ibinabalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Hindi ko naman masabi na ilusyon lang yon, guni-guni at dahil lang sa malikot na isip ko. Hindi ako pwedeng magkamali!
Tangina, nagsalita yung zombie kanina.
Pilit kung inalala ang mga Zombie Movie na nakita ko at never pa akong nakakita ng zombie na nagsasalita plus ang malademonyo nitong halakhak. Baliw lang ang umaasta ng ganoon at hindi zombie. Ang tanging ginagawa lang naman ng zombies ay ang kumain ng tao.
"Atlanta... Atlanta.. Atlanta.."
"Kukunin ni Abaddon ang katawan mo! Kukunin ni Abaddon ang katawan mo!"
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng tanginang zombie na yon. Anong ibig niyang sabihin? Bakit..bakit nasali ang kambal ko?
Napatingin ako sa kwintas na suot ko na may nakalagay na Atlanta. Hinawakan ko ito at hinimas-himas habang patuloy na nagtatanong sa isip ko.
And who the hell is Abaddon?
Ang tanong tao, bagay o hayop ba yang Abaddon na yan? Sa pagkakaalam ko ay pangalan yan ng City namin kaya hindi ko maintindihan. Anong kinalaman ng nawawala kong kambal dito?
"Narinig mo ba yung sinabi ng zombie kanina?" Wala sa sariling tanong ko kay Zayn. Hindi ko kayang mag-isip na lang ng kung ano-ano at manahimik. Gusto kong malaman ang lahat.
"Hindi mo ba nakikita o sadyang bobo ka lang talaga? Kailan pa nagsalita ang mga zombie?"
Mabilis akong napatingin sa kanya at mabilis ding tumaas ang dugo ko sa narinig. Tangina seryoso ako tapos gaganyanin niya lang?! At ginaya niya pa talaga ang tuno ng pananalita ko kanina!
"Bwesit ka talaga!"
"Alam ko!"
"Ibaba mo na nga lang ako! Naiirita ako sa mukha mo!"
"O-Oy! Wag ka ngang malikot!"
"Sabi ng ibaba mo na ako! Kaya ko na!"
"Ok fine! Bahala ka sa buhay mo!"
"Aray! Dahan-dahan—"
Natigil kami sa pagsisigawan dalawa ng makarinig kami ng kakaibang tunog at mga yabag na papalapit. Napalingon kami sa pinanggalingan namin at nanlamig. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zayn.
"Bakit ka ba kasi sumisigaw?!" Bulong niya.
"Sumisigaw ka rin naman!" Sagot ko rin ng pabulong.
"Ikaw kase!"
"Anong ako? Ikaw kaya!"
Inirapan niya ako kaya inirapan ko rin siya. Aba-aba kung tarayan lang din naman ang pag-uusapan ay mas lamang ako! Copycat lang siya!
Napasimangot na lang ako saka nagsimulang maglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin. Naiirita na talaga ako. Bakit pa kasi kami nagkasama! Lahat na lang ng bagay pinag-aawayan namin at nagsisigawan kami palagi. Hindi ko yata kaya na makasama siya ng buong araw kasi kahit nga ilang segundo ay hindi ko na siya matagalan!
Malamig naman ang pakikitungo niya sa akin noon at palagi niya akong inaaway pero bakit parang nagbago yata ngayon? Nagiging mapang-asar na siya sa akin at nagiging maalalahanin and I hate it.
Paliko na sana kami sa isang iskinita ng bigla kaming nakarinig ng takbuhan at bago ko pa man maiwasan ay may bumaga na sa akin dahilan para mapatumba ako sa kalsada. Masakit ang likod ko at pwet ko dahil sa pagkabagsak pero naramdaman ko ang isang braso na pumalibot sa ulo ko kaya hindi nasaktan ang may bandang ulo ko dahil sa pagkabagsak.

BINABASA MO ANG
TRAPPED
Terror"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong but she just can't point it out. And then, An unknown virus started spreading in the whole city of A...