35: The Flashback (Part 3)

702 42 27
                                    

FLASHBACK
CONTINUATION
•  •  •

"Atlanta!"

Mariin siyang napapikit ng marinig na naman niya ang boses ng lalaki. Kanina pa ito sunod-sunod ng sunod sa kanya at naririndi na siya dito. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki ng may naiinis na ekspresyon sa mukha.

"Ano ba kasi?!" Sagot niya dito at napapadyak na siya sa lupa dahil sa inis.

Ngumisi ito sa kanya.

"Wala lang, mas gumaganda ka kasi pag naiinis." Sagot ng lalaki sa kanya at napahagiik pa. Mas lalo siyang namula sa inis.

"Diego bakit ba ang kulit mo?!"

Napanguso naman si Diego. "Makulit talaga ang lahi namin kaya naman ay hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako tinatanggap bilang kaibigan mo." Ngumising muli si Diego at nagpacute pa sa kanya.

Huminga ng malalim si Atlanta para pakalmahin ma ang sarili.

"Fine. Friends na tayo, happy?"

Nanlaki naman ang mata ni Diego at magtatalon-talon habang nagsusuntok sa ere na parang baliw. Napailing na lang si Atlanta at tumalikod na sa lalaki. Hindi niya talaga maintindihan ang trip nito sa buhay. Nalaman lang nito ang sekreto niya ay nagkaroon na ito ng interest sa kanya.

"See you later girlfriend!" Sigaw nito sa kanya at nang lumingon siya dito ay nag flying kiss pa talaga ang gago sa kanya. Umarte siyang parang nasusuka.

"Call me Astreae from now on." Sabi ni Atlanta ng may seryosong tinig.

Bahagyang ngumiti si Diego sa kanya. "Don't worry At—Astreae, maaasahan mo ako. Walang makakaalam sa sekreto mo."

Tumango lang si Atlanta at tuluyan ng naglakad palayo.

Inaamin niya, Kaibigan na talaga ang turing niya kay Diego. Sa simpleng pambubwisit nito sa kanya ay pansamatala niyang nakakalimutan ang mga problema niya. Dahil kay Diego hindi niya na muling naramdaman na mag-isa siya. Maswerte siya dahil nakilala niya ito.

Tahimik lang siyang naglalakad ng makita niya ang kambal niya sa may di-kalayuan. Hindi niya na ito makausap dahil umiiwas ito sa kanya kahit pa sa bahay nila. Huling beses na nagkausap sila ay nung nahuli sila na Papa nila na nagsasabunutan sa sala nila.

Kahit na anong pilit ni Atlanta na wag magalit sa kambal niya ay hindi niya magawa. Sa tuwing nakikita niya ito ay kaagad siyang kinakain ng galit niya at hindi niya na namamalayan na sinasaktan niya na ang sarili niyang kapatid.

Gaya ngayon.

Mabilis ang paghinga niya at nakakuyom ang dalawa niyang kamao habang pinagmamasdan ang nakangiting si Astreae. Kaagad siyang tumakbo at walang alinlangang sinugod ang kambal niya.

"Ouch! A-Atlanta?!" Gulat na saad nito habang nakatingin sa kanya.

Ngumisi naman si Atlanta at mas hinigpitan ang pagkakahawak niya sa buhok ni Astreae. Kinaladkad niya ito patungong rooftop.

"Ouch! Atlanta masakit! Ano ba!" Tili ni Astreae ng marating nila ang rooftop.

Marahas na itinulak ni Atlanta si Astreae kaya napasalampak ito sa sahig.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon