26: Broken

911 41 9
                                    


"Akala mo natakasan mo na ako?"

"Nagkakamali ka."

"Kukunin kita."

"Akin ka."

Napabalikwas ako ng bangon at agad na napahilamos sa mukha ko. Simula ng makabalik ako dito sa school ay hindi na ako natahimik. Palagi akong binabangungot. Hindi ako pinatahimik ni Abaddon.

Oo, si Abaddon.

Noon hindi ko pa kilala kung sino ang maitim na nilalang na parang si Kamatayan na palaging sumusulpot sa mga panaginip ko pero ngayon alam ko na. Sigurado ako na siya si Abaddon. Siya ang may gawa ng lahat ng mga bangungot ko.

Tumayo ako mula sa kama habang nakakuyom ang dalawang kamao.

I'm so sick of all this shit. I want him gone. I'm so tired of all this shit.

Puno ng galit kong sinigaw ang pangalan ni Abaddon. Lahat ng gamit na nakikita ko ay kaagad kong inihagis sa kung saan. Kalabog, sigaw at pagkabasag ng mga gamit lang ang naririnig ko sa loob ng kwarto ko.

I hate all of this.

I hate myself.

"Astreae?! Anong nangyayari diyan sa loob?!"

"Astreae?!"

"Tawagin niyo si Mayor bilis!"

Natigil ako ng marinig ko ang boses ng mga sa kaibigan ko sa labas.

Mariin akong napapikit at hinihingal na napaupo na lang sa sahig at ibinaon ang ulo ko sa mga tuhod ko. Tinakpan ko ang mga tenga ko.

"Astreae! Buksan mo ang pinto please!" Rinig ko ang nag-aalalang boses ni Sheena sa labas.

Bumuntong-hininga ako.

Simula nang makabalik ako ay walang sino man sa kanila ang kinausap ko. Kagabi sinalubong kami ni Papa sa may gate. Andami niyang sinasabi pero wala akong naiintindihan. Nakiusap ako na gusto ko munang mapag-isa. I told them to not bother me for awhile.

Kaya ako lang mag-isa sa loob ng dorm ngayon.

Alam kong gustong-gusto na akong makausap ng mga kaibigan ko at si Papa pero nirerespeto nila ang hiling ko. Hindi nila ako ginambala. Pero habang nag-iisa ako sa loob ng kwarto. Para akong nalulunod sa mga emosyon ko. Nalulunod ako sa sobrang galit sa sarili ko at sa lahat ng nasa paligid ko.

I hate this world.

Napatingin ako sa basag na salamin na nasa sahig. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa mga ito. Just like the mirror, I'm broken and no one can fix me.

Dahan-dahan kong kinuha ang basag na salamin. Tinitignan ko ito ng maigi. Mahigpit ko itong hinawakan at ramdam ko ang paghiwa ng matalas nitong dulo sa kamay ko. Kita ko ang pagdaloy ng pulang likido sa kamay ko. But surprisingly, I don't feel anything at all.

Will it hurts if I use this thing to end my life?

It's cheap but I don't have any choice. Wala naman kasing kutsilyo dito. Alam kung kinuha ni Papa ang lahat ng matatalas na bagay including my katana. He's scared that I might use it to kill myself.

Well, I do want to use it.

Mabilis kong binitawan ang basag na salamin ng marinig kong bumukas ang pinto. Itinago ko rin ang nagdurugo kong kamay.

"Anak!"

Napalingon ako at nakita ko ang labis na pag-aalala sa mukha ni Papa. Kita ko ring nakasalip ang mga kaibigan ko sa pinto pero hindi sila pumasok. Binibigyan nila kaming mag-ama ng privacy.

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon