28: Awaken

814 38 18
                                    

Astreae's POV


"Hey.. don't force yourself Astreae. Hindi ka pa masyadong magaling."

Tarantang-taranta ako at pilit akong bumabangon pero hindi ko magawa dahil sobrang sakit ng tagiliran ko. Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa isang pamilyar na kwarto. Lahat ng nakikita ko sa paligid ay puti lang. At napakalinis.

Where the hell I am?

Ang tanging na aalala ko lang ay kasama ko sa papa sa dorm tapos—Natigilan ako at mariin na napapikit. Bakit ba nandito parin ako? Bakit ba hindi na lang ako tuluyang namatay!

Napatingin ako kay Sheena at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. I ignored her and pilit na bumabangon.. pilit kong sinusubukan pero di ko magawa kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw sa sobrang galit.

"A-Astreae—"

"I should have died! Bakit nandito parin ako?! Bakit buhay parin ako?! I don't deserved this!" Buong lakas na sigaw ko habang nagwawala. Rinig ko ang pagkabasag na isang baso na kanina lang ay nasa gilid ng lamesa ko.

"Kasama ko na dapat si Lala ngayon! Hindi na sana ako nagdurusa!—"

Natigil ako sa pagsisigaw at pagwawala ng makita kong umiiyak si Sheena. Nakatingin siya sa akin ng puno ng awa at pag-aalala habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha sa pisngi niya.

I—made her cry.

Simula nung naging kaibigan ko siya ay ipinangako ko sa sarili ko na ipagtatanggol ko siya sa lahat ng pagkakataon. Ipinangako ko na hindi ko siya sasaktan at paiiyakin.

Pero..

"S-Sheena.."

Walang sabi-sabi ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Umiiyak siya sa balikat ko kaya niyakap ko rin siya pabalik. Parang nawala bigla ang lahat ng galit sa sistema ko nang marinig ko ang mga hikbi niya. Kumirot ang puso ko.

"Hey..why are you crying?"

"A-Ast... please don't do this. I-Ipangako mo sa akin na hindi ka na magpapakamatay uli. P-Please.."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Pero—" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay narinig kong lumakas ang iyak niya kaya nataranta ako.

"O-Ok..susubukan ko." Sagot ko kahit labag sa kalooban ko.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at dahan-dahang pinunasan ang mga luha niya. Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi niya.

"Hindi ka parin nagbago, Ast. Napapakalma parin kita sa pamamagitan ng pag-iyak ko." Sabi niya at dahan-dahang napangisi.

Napangiwi na lang ako. Ganyan talaga ang palagi niyang ginagawa pag gusto niya akong pakalmahin. Kahit na sobra ang galit ko pag narinig ko siyang umiiyak ay kaagad akong kumakalma. Nakakalimutan ko na ang galit ko dahil sa pag-aalo ko sa kanya.

Tama siya, effective parin.

Niyakap niya ulit ako ng mahigpit ng may ngiti.

"Thank god you're finally awake." Saad niya. "By the way, may inaasikaso pa pala ang papa mo kaya ako muna ang pinabantay niya sayo. Siguro pabalik na rin yon dito."

TRAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon